THE floor was given to Jaime. Bagaman taglay pa rin nila ang labis na gulat, lahat naman ay nahimasmasan na sa tila himalang iyon. Malaking bagay na kapwa malulusog ang puso ng mga matatanda. Walang inatake o tumaas ang presyon ng dugo dahil sa bigla na lang pagsulpot ni Jaime. Pinagbalikan na rin siya ng malay. Si Luke pa rin ang dumalo sa kanya at sa kung nagkataong binigyan siya ng tsansa na mamili ay iyon din ang malamang na gustuhin niya. Hindi niya alam kung bakit tila kaylaki ang pangangailangan niya sa suporta ni Luke sa mga sandaling iyon. She was experiencing mixed emotions again. Matagal na panahon na rin buhat nang maranasan niya iyon. At sa isa pang pagkakataon, alam niyang malaking kalituhan ang idudulot niyon sa kanya. The

