Part 8

917 Words

“HINDI ka na sana naghintay. Naubos na ang oras mo dito,” banayad na sabi niya kay Luke nang alalayan siya nito sa pagsakay sa Patrol.             “Huwag na nating pagtalunan ang bagay na ito. Ginawa ko ito dahil ito ang gusto ko.”             “Dahil hindi ka pa nasisiyahan sa tinakbo ng usapan natin kanina,” prangkang sabi niya.             “Kasali na rin iyon,” pakli naman nito.             Ilang sandali na wala silang naging kibuan. Maging nang ihinto ni Luke sa isang twenty-four hour restaurant ang sasakyan ay wala itong narinig sa kanya.             “Ngayon pa lang ako maghahapunan,” sabi nito sa kanya. “Halika. Para makakain ka na rin nang marami. Kanina ko pa napansin na parang mas payat ka pa kaysa dati.”             “Nasa period pa ako ng paglilihi. Normal lang daw na mabawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD