ILANG sandali na basta lang nakatitig si Luke sa asawa. Alam niyang hindi siya dinadaya ng sariling pandinig. Ang gusto lang niya ay ang mabasa sa mukha nito ang katotohanan sa sinabi. “Ethel,” aniyang tila mauubos ang hangin sa baga. Lumapit pa sa kanya si Ethel. Pinangahasan nitong damhin ang dibdib niya. “It is our wedding night, Luke,” mahinang ulit nito bago yumakap sa kanya. Tila siya tuod na nakatayo lang doon. He felt his heart beating wildly. At mabilis ang naging gapang ng pagnanasa sa buong katawan niya nang madama ang malambot na katawan nito. She felt so warm. At nakakadagdag pa sa nasopresa niyang pandama ang mabangong samyo ng buhok nito. May isang saglit na gusto niya itong hapitin at kuyumusin ng halik. His every nerve-en

