Chapter 2
Maliyah’s Pov
Nagmamadali na akong pumasok sa bahay.
“Anak buti umuwi ka na anong gusto mong hapunan para pagluluto kita?” Tanong ni mommy sa akin
“Huwag na po mommy nagmamadali din ako.” Wika ko sa kanya.
“Anak sana naman mapatawad mo na daddy mo. Mahal kita anak.” Sabi ni mommy sa akin.
“Sige na po pupunta na ako sa kwarto ko.” Sabi ko kay mommy.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Inilabas ko ang maleta kong dadalhin at inilabas ko na mga dadalhin kong gamit at nilagay sa loob ng maleta.
Nang natapos na akong mag ayos ay kinuha ko ang baril na nasa loob ng cabinet. Kinuha ko ang nakatagong baril ko at nilagay sa maleta kung gagamitin.
“Aurora nagluto ka na ba ng hapunan?” Tanong ni daddy Robert kay mommy Aurora.
“Oo saglit mag hahain na ako para sabay sabay na tayong mag hapunan.” Sabi niya kay daddy Robert.
"Bilisan mo na nagugutom na ako.” Sabi agad ni daddy Robert kay mommy Aurora.
Nang nakapag hain na si mommy Aurora ay kumain na agad si daddy Robert.
"Bakit may isang plato? Nandyan ba magaling mong anak?” Tanong ni daddy Robert kay mommy Aurora.
“Kararating lang din teka tatawagin ko lang sa kwarto niya." Sambit ni mommy Aurora.
“Bakit mo pa tatawagan alam naman niya oras ng pagkain ngayon dapat siya lumabas dito. Hindi yun punta puntahan mo pa siya sa kwarto ng magaling mong anak." Singhal ni daddy Robert kay mommy Aurora
“Kaya yan namimihasa yan anak mo dahil hinahayaan mo lang siya at lagi mong kinukunsinti mga ginagawa niya.” Mataas na boses ni daddy Robert kay mommy.
Saktong paglabas ko narinig ko mga pinag usapan nila mommy at daddy.
“Robert huwag ka naman ganyan sa anak mo." Mahinahong sabi ni mommy kay daddy.
"Wala akong pakialam sa anak mo Arora suwail siya pagka bata lalaki siyang suwail pag laki." Singhal ni daddy Robert kay mommy Aurora.
“Grabe ka na sa anak mo kung buhay pa si Shara hindi niya magugustuhan ginagawa mo sa kanyang kapatid." Wika ni mommy Aurora kay daddy.
“Kahit ano pang sabihin mo siya din ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang ate Shara. Kaya kahit ano pang sabihin mo Aurora kinasusuklaman ko siyang anak” Singhal ni daddy Robert kay mommy Aurora.
Hindi na ako tumuloy lumabas para kumain pumasok na ako ulit sa loob ng kwarto saka nagkulong na lang sa loob.
Umiyak na lang ako ng umiyak dahil sa narinig kong masasakit na salita ni daddy.
Naisipan ko na lang maaga na lang ako aalis ng bahay. Kumilos na ako at kinuha ang tuwalya para maligo na sa banyo.
Nagmamadali na akong naliligo sa banyo
para maka alis agad ng bahay.
Nang natapos na akong maligo agad na akong nagbihis ng isusuot kong napili.
Isinuot ko na ang underwear ko at kinuha ang pants kong black na fitted. kinuha ko din ang tube top na black at isinuot ko na din ito.
Pagkatapos kong nakabihis ay umupo na ako sa harap ng salamin saka nag make up. Nang natapos na akong nag ayos isinuot ko na ang black jacket na leather at dali-dali na akong lumabas ng kwarto.
Saktong paglabas ko patay na ang mga ilaw. Dahan-dahan akong maglakad sa sala para makalabas ng pinto.
“Aalis ka Maliyah? Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy Aurora ng nahuli niya ako lumabas sa pinto.
“May pupuntahan kaming trabaho kaya aalis na muna ako." Sagot ko sa kanya.
" Anak huwag ka ng umalis parang awa mo na." Pakiusap ni mommy sa akin.
“Para saan pa mommy hindi naman din ako kailangan dito sa bahay. Salot lang ako sa paningin ni daddy .Narinig ko nga pinag uusapan nyo suwail akong anak diba. Bakit mommy kailan ba ako minahal ni daddy? Wala dahil ang mahal lang ni daddy si ate Shara lang ang magaling sa paningin niya. Ako wala ni kapiranggot na pagmamahal wala siyang pinadama sa akin mommy.” Sabi ko kay mommy Aurora.
“Maliyah mahal ka ng papa mo wag mong isipin yan.” Sabi ni mommy Aurora
“ Mahal? Narinig ko pa nga kanina habang nag uusap kayo mommy galit na galit siya sa akin yan ba sinasabi mong mahal ako? Sige na po baka doon pa sumaya si daddy pag nawala na ako sa paningin niya.” Sabi ko kay mommy sabay lumabas ng bahay.
“Maliyah! Maliyah!” Tawag ni mommy sa akin
Hindi ako nakinig kay mommy habang inaayos ko mga gamit ko sa sasakyan. Dali-dali na akong sumakay saka pinaandar ang sasakay para umalis.
Habang nagmamaneho ako umiiyak ako nagmamaneho pinaharurot ko speed 200 sa inis ko. Hindi ko mapigilan ang galit sa puso ko dahil sa ama kong walang pakialam.
Napasigaw na lang ako sa galit ko at sinuntok ang manibela habang umiiyak.
“Ano bang kailangan kong gawin para matanggap niya akong anak. Hindi ko na kaya marinig ang mga masasakit yang salita para sa akin.” Sigaw ko habang umiiyak sa loob ng sasakyan.
“Nandito ka na pala Blake napaaga ka ata.” Sabi ni boss Milton kay Blake.
“Wala masyadong traffic kaya napa aaga ako.” Sagot ni Blake kay boss Milton.
“Mag ruru kayo ni Maliyah para iwas check sa bagahe niyo armas na dadalhin nyong dalawa.” Sabi ni boss Milton kay Blake.
“Wala pa ba si Maliyah?” Tanong ni Blake kay boss Milton.
“Hindi pa siya dumarating.” Sagot ni boss Milton
“Ito na pala siya.” Dagdag pa nito.
Inipark ko na ang sasakyan sa loob saka bumaba na ako agad. Kinuha ko muna ang maleta ko saka nagtungo sa kinaroroonan nila.
“Sorry nahuli na ba ako?” Tanong ko sa kanila.
“Parang mugtong mata mo may problema ka ba Maliyah?” Tanong ni boss Milton
“Wala po boss konting problema lang pero wala ito.” Sagot ko sa kanya.
“Sige okay ka lang ba talaga?” Tanong niya ulit sa akin
“Yes po okay lang ako.” Sagot ko agad sa kanya
“Hindi kayo pwedeng mag eroplano dahil may dala kayong mga armas. Kaya kailangan nyong mag barko pagpunta doon sa palawan.” Wika ni boss Milton sa aming dalawa.
“Ilang days din ang byahe naming dalawa?” Tanong ko kay boss Militon.
“ I think 2 nights and 3 days.” Sagot ni boss Milton sa akin
“Ang layo pala pag barko pala sasakyan namin.” Wika ko kay boss Milton.
“Tara na ihahatid ko na kayo sa pier sa batangas para doon na kayo sasakay.” Wika sa amin ni boss Milton
Sumakay na kaming tatlo sa sasakyan niyang BMW na sasakyan.
Ilang oras din ang byahe namin galing sa Cavite. Sobrang dilim ng daan kaya pala ayaw ipagamit sa amin ni boss Milton ang motor dahil sobrang hirap ang daan.
Ilang oras nakalipas nakarating na kami sa pier ng batangas sakto lang pagdating namin papaalis na sana ang barko ng na hintay pa kami makasakay.
Kumuha na kami ng ticket ni Blake saka pumasok na agad sa loob ng pier papuntang sasakyan naming barko.
Nauna na akong naglalakad papasok sa loob first time kong makasakay ng barko. Umakyat ako sa hagdan para maka punta agad sa itaas para sa mga VIP.
Nag pagdating ko sa VIP section ay nag hanap ako agad ng kwarto para sa sarili ko.
“Psst ikaw! Kailangan magkatabi tayo ng kwarto para hindi tayo mahirapan sa pag baba.” Sabi ni Blake sa akin.
“Okay yun lang pala. Dito ka at dito ako.” Sabi ko sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto para maka pahinga na din ako. Biglang gumalaw ang barko palatandaan na paalis na din ito. Dito bigla na lang ako nalula sa paggalaw ng barko parang umiikot paningin ko .
Parang nasusuka ako sa lula ng paggalaw ng barko.
Nagsuka ako sa sahig bigla at nahihilo sa paggalaw nito.
Kinuha ko ang phone at tinawagan si Blake para mag patulong sa kanya.
Krngggg..Krnnng…
“Yes hello may kailangan ka?” Tanong ni Blake sa akin.
“Pwede mag pa tulong sayo Blake. May gamot ka ba dyan na bonamine nahihilo na ako at nag susuka please puntahan mo naman ako.” Pakiusap ko sa kanya.
“Sige pupuntahan kita dyan saglit lang.” sabi niya sa akin sa kabilang linya.
Hinintay ko siya pero suka pa rin ako ng suka dahil sa pag hihilo ko sa paggalaw ng barko.
Kumatok siya sa pinto at agad pumasok sa loob.
“Ano bang nangyari sayo? Eww! Kadiri ka naman mga suka mo sa sahig.” Sabi sa akin ni Blake.
Suka pa rin ako ng suka habang kinakausap niya ako.
“Ito inumin mo.” Sabay pa inom sa akin ng gamot.
“ Salamat Blake. First time ko kasing sumakay ng barko kaya ganito pala pakiramdam ko.” Sabi ko sa kanya.
“Halika humiga ka na muna huwag ka munang gumalaw.” Wika ni Blake sa akin.
Inalalayan niya ako papuntang higaan para makahiga sa kama.
“Dito ka muna lilinisin ko lang dumi mo sa sahig.” Wika niya sa akin.
“Huwag na ako na lang mamaya nakakahiya sayo.” Sambit ko habang nakapikit ako habang nakahiga sa kama.
“Okay lang ako na pupunasan ko na.” Wika niya sa akin.
“Sorry talaga hindi ko kasi kaya sarili ko pero baka mamaya ok na ako.” Sabi ko sa kanya.
Ramdam kong naglilinis siya sa sahig sa mga suka ko kahit nakapikit ako habang nakahiga.
“Okay na sahig mo malinis na. Ano pakiramdam mo?” Tanong niya sa akin.
“Parang ok na ako nahinto na din pag ikot ng paligid ko.” Sagot ko sa kanya.
“Maiiwan na kita dito.” Paalam ni Blake sa akin.
“Salamat Blake.” Sabi ko sa kanya
“Blake saglit marami ka bang dalang gamot? Pwede akin na lang babayaran ko na lang sayo.” Sabi ko sa kanya
“Okay sige dadalhin ko na lang dito.” Sabi niya sa akin.
“Oh grabe pala nakakahilo talaga pag sakay sa barko. First time itong mangyari sa buhay ko.” Sambit ko sa sarili.
Ramdam ko bumukas ang pinto.
“Oh ito gamot tag 8 hrs pwede ka naman uminom mamaya.” Bilin niya sa akin.
“ Okay salamat.” Sabi ko sa kanya.
Pinahinga ko muna saglit ang sarili ko.
Nang nakaramdam na ako na okay na ako bumangon na ako sa paghiga sa kama.
“Hala nakakahiya nilinisan niya talaga lahat ang sahig na may suka.” Sabi ko
Pinuntahan ko sa labas at kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto.
“Ano okay ka na ba?” Tanong niya sa akin.
“Salamat nakakahiya nangyari sa akin akala ko kaya ko ang lula dito sa barko pero hindi pala.” Sabi ko sa kanya.
“Okay lang yun atleast na experience mo.”Wika niya sa akin.
“Salamat sa gamot hayaan mo babayaran ko yun. Magkanu yun?” Tanong ko sa kanya
“Huwag na sayo na yun.” Sagot niya sa akin
“Okay pasok na ako salamat ulit sa tulong.” Wika ko sa kanya
Bumalik na ako sa kwarto sa nag stay na lang sa loob ng kwarto.
Lumipas ng dalawang araw nasa gitna na kami ng karagatan.
Biglang may kumatok sa pintuan ko. Lumapit ako saka binuksan ang pinto.
“Kumain ka na ba?” Tanong ni Blake sa akin.
“Hindi pa pero lalabas sana ako para maghanap ng pagkain.” Sagot ko sa kanya.
“Ito pagkain mo binilhan na kita para hindi ka na mag lakad lakad baka mahilo ka na naman.” Wika ni Blake sa akin.
“Salamat nag abala ka pa ng pagkain ko.” Sabi ko sa kanya.
“Oh sige na kumain ka na muna dyan at ako’y iikot muna ako para makakita ng karagatan.” Wika niya sa akin.
“ Pwede ba akong sumama sayo?” Tanong ko sa kanya
“Gusto mo ba! Pwede naman pero hindi ka na ba malulu sa barko?” Tanong ko sa kanya
“Nandyan ka naman taga hawak ko.” Pangiting sabi ko sa kanya.
“Sige kumain ka muna pagkatapos punta na tayo sa labas para tanawin ang karagatan.” Wika niya sa akin.
“Sige balikan mo lang ako kakain lang ako saglit.” Wika ko sa kanya.
“Oh sige babalikan kita sa kwarto muna ako.” Sabi niya sa akin.
Isinarado ko muna ang pinto saka kumain muna ako at pagkatapos pupunta na kami sa labas para maka langhap ng hangin.
.