Chapter 3

2024 Words
Chapter 3 Maliyah’s Pov “Ang ganda ng dagat sobrang tahimik at ang lakas ng hangin. Nakakawala ng problem.” Wika ko habang naka tanaw sa dagat. Napatingin si Blake sa akin. “Mukhang napangiti ka ata sa katahimikan ng dagat.” Wika niya sa akin. "Oo ngayon lang ako makaramdam ng ganito katahimikan ng buhay ko.” Sabi ko sa kanya. "Mukhang pasan mo ata ang mundo sa mga pahiwatig mo?” Tanong niya sa akin. Hindi ako na ka imik at bigla na lang akong nalungkot. "Isa na ba yun nangyari sa pag mugtong ng mga mata mo kahapon?” Tanong ulit niya sa akin. "Bata pa lang ako hindi na ako minahal ng daddy ko. Ewan ko ba parang napakamalas ko ng naging anak nila ako. Mas lalo pa noong na aksidente si ate dahil nagtatalo kaming dalawa dahil si ate na lang ang importante at pansinin ng daddy ko. Pakiramdam ko hindi ako mahalaga. Lumaki ako sinisisi lahat sa akin. Parang salot ako sa paningin ni daddy dahil ang paborito niyang anak ay namatay na nang dahil sa akin. Nasa puso at isipan ko ang puot at sakit na pinaramdam nila sa akin kaya pinasok ko itong trabaho para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko at mapatunayan ko kaya kong tumayo sa sarili ko mag isa na hindi ko kailangan ng magulang.” Kwento ko kay Blake napapaluha na ako bawat pagbigkas ko. “Kaya pala napadpad ka dito sa grupo dahil dyan.” Sabi ni Blake sa akin. "Oo at para mapatunayan ko mas magaling ako sa inaakala ni lang salot at walang kwentang anak. Gusto kong patunayan sa sarili ko kaya ko lahat. Wala akong silbi sa paningin nila pero sa ibang tao may silbi ako. Alam mo yung punto ko Blake kaya kung ibuwis ang buhay ko sa ibang tao. Mas mabuti pa nga ibang tao pinupuri ako pero magulang ko mas lalo na yung walang kwentang ama ko. Tingin sa akin wala akong kwentang anak, walang silbi, bobo sa paningin niya. Ang sakit Blake naririnig ko galing sa kanya mga katagang yan kahit hindi harap harapan niyang sabihin pero naririnig ko lahat.” Hinaing ko sa sarili ko habang tumutulo luha ko habang nagkukwento sa kanya. “Huwag mong masyadong damdamin mga hinanakit mo sa kanila magulang mo parin sila. Hayaan mo darating din ang araw baka pagsisihan din nila kamalian nila sayo." Payo ni Blake sa akin. “Okay lang kahit wala na akong magulang mas pipiliin ko pang pamilya sila boss Milton kaysa sa kanila." Wika ko sa kanya. "Pero okay lang sanay na ako iiyak pero hindi susuko sa laban ng buhay. Tinanggap ko itong trabaho dahil ginusto ko. Kailangan kong mabuhay sa sarili ko na kahit kailan hindi ko naranasan ang pagmamahal nila sa akin.” Wika ko kay Blake. Napatingin na lang siya sa akin habang lumuluha pa mata ko. "Tama na parang na sobrahan na ata pag kwento ko sa buhay ko.” Sabi ko sa kanya sabay pahid sa luha ko. Ngumiti na ako sa kanya habang huminto na ang luha ko. “Ikaw napadpad ka sa grupo? At anong dahilan mo?" Tanong ko sa kanya “Sa kahirapan ng buhay namin kaya sumali ako sa grupo na ospital ang mommy ko biglang bumagsak negosyo namin dahil sa sakit niya. Kailangan ng malaking halaga sa operation ni mommy kaya naghanap ako ng pagkakaperahan. Nakilala ko si Mr. Milton nakitaan niya akong potential kaya sinali niya ako sa grupo. Ginawa ko lahat para magkapera para may pangtustos ako sa gastusin ni mommy. Gusto ko pang lumaban para sa kanya kahit ang gustong ipagawa sa akin kakayanin ko magka pera lang. Pero sumuko na katawan ni mommy hindi na niya kaya ang sakit at paghihirap niyang nararanasan. Gusto ko pa sanang ilaban pero si mommy sumuko na. Masakit sa akin na mawalan ng ina pero naaawa na ako sa paghihirap niya kaya sinukuan ko na din siya at mapayapa makapunta sa langit kahit mahal na mahal ko si mommy tinanggap ko sa sarili ko na wala na siya sa buhay ko.” Kwento ni Blake sa akin. “Sino na lang kasama mo sa buhay ngayon?" Tanong ko sa kanya "Nag iisang kapatid ko. Matagal na din kaming iniwan ni daddy may iba na din pamilya kaya ako ang bumubuhay sa nag iisang kapatid ko.” Sagot ni Blake sa akin. "Sinong kasama niya ngayon eh nandito ka?”Tanong ko sa kanya. "Iniwan ko muna sa tita ko.” Sagot niya sa akin. "Ganun ba kawawa din naman.” Sabi ko sa kanya. “Mahal na mahal ko kapatid ko siya na lang ang pamilya kong naiwan kaya gagawin ko ang lahat mabuhay lang kami at maibigay ko ang nararapat na para sa kanya kahit wala na kaming magulang." Wika ni Blake sa akin. "Swerte niya may kuya siyang nag mamahal at nag aaruga sa kanya.” Sabi ko sa kanya. “Alam mo bawat ata sa atin may mga hinaing ano kaya sa kanila?” Napa tanong ako bigla. “Hindi natin alam kung ano din sa kanila." Sagot niya sa akin. "Halika na bumalik na tayo sa loob baka mahilo ka pa dito.” Aya ni Blake sa akin. “Sige." Sagot ko. Pagbalik namin biglang tumawag si boss Milton kay Blake. "Boss napatawag po kayo?” Tanong ni Blake kay boss. "Kinakamusta ko lang kayong dalawa. Nakarating na ba kayo sa Palawan?” Tanong ni boss Milton kay Blake “Hindi pa boss nasa laot pa kami ngayon." Sagot naman ni Blake kay boss Milton. “Habang nasa laot kayo pagplanuhan nyo na ang gagawin niyo kay Mathias.” Wika ni boss Milton kay Blake. " Sige po boss pag uusapan din namin yan pagdating sa Palawan.” Sagot ni Blake kay boss Milton. “Anong sabi ni boss?" Tanong ko sa kanya “ Wala about kay Mathias kailangan na daw pagplanuhan na daw natin." Wika ni Blake sa akin “ Ganun ba! Madali lang yan." Sagot ko sa kanya. “Huwag padalos dalos kailangan pagplanuhan nga diba!" Wika ni Blake sa akin. "Pag ako mag trabaho wala ng plano kung kayang aktwal na gawin." Sabi ko sa kanya. “Ikaw yun pero dalawa tayong mag ka trabaho kaya kailangan maingat para walang problema.” Wika ni Blake sa akin. “Ako na lang kaya magtrabaho pwede ka lang naman mag relax na nasa palawan tayo." Wika ko sa kanya "Hindi pwedeng ikaw lang dahil dalawa tayong naka asign dito.” Wika ni Blake sa akin. “Ewan ko lang magkasundo tayo sa plano nating dalawa.” Wika ko sa kanya. “Bumalik ka na nga sa kwarto mo at magpahinga ka na. Bukas makakarating na tayo bukas ng maaga.” Wika ni Blake sa akin. "Okay babalik na ako. Salamat sa pakikinig.” Wika ko sa kanya. “Potttttttt……Potttttttt…” Unggong ng tunog ng barko na padaong sa pantalan. “Mga minamahal naming pasahero nandito na tayo sa pantalan ng Palawan. Ilang sandali pwede ng bumaba.” Boses ng isang lalaki nagsasalita sa mega phone. Nag ayos na ako sa mga gamit ko at nagbihis na ako ng damit habang dumadaong pa ang barko. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Maliyah! Maliyah! Tapos ka na ba dyan? Maghanda ka na ilang sandali baba na tayo." Sambit ni Blake sa akin sa pinto. “Oo patapos na lalabas na lang ako." Sagot ko sa kanya. “Sige hihintayin kita dito sa labasan." Sambit ni Blake sa akin. “Okay lalabas na." Sabi ko sa kanya. Nagmamadali na ako mag ayos at ng natapos na ay kinuha ko na ang maleta at lumabas na din ng kwarto. “Halika na baba na tayo." Aya ko sa kanya. Umuna na akong maglakad sa kanya saka sumunod na din siya sa akin. “Lakas ng loob mo ng maglakad hindi ka na nalulula sa alon?" Tanong niya sa akin “Hindi na okay na ako salamat sa gamot mo kaya hindi na ako nahihilo." Sabi ko sa kanya. “Dahan- dahan k dyan baka madapa ka!” Sabi niya sa akin. "Oo alam ko na dahan-dahan naman ako.” Wika ko sa kanya. “Wow ang ganda ng tanawin grabe ang isla na ito." Wika ko habang namangha ako sa tanawin “Bilis na Blake magtanong tayo kung saan banda yung hotel na pina reserved ni boss Milton.” Wika ko sa kanya. "Boss alam niyo ba itong Hotel na ito. Coron Sunlight Hotel?” Tanong ko sa kanila. "Opo ma'am pero malayo pa dito.” Sagot ng mamang lalaki sa amin. "Magkano po arkila papunta doon manong?” Tanong ni Blake sa lalaki. "Magkasama po ba kayo?” Tanong ng lalaki sa amin. “Opo manong magkasama po kami." Sagot ko. “800 na lang po papunta doon ma'am, sir. " Wika niya sa amin. "Malayo kasi doon ma'am kaya mahal.” Dagdag niya pang paliwanag. "Sige okay lang manong basta may hatid mo kami doon.” Wika ko sa lalaking kausap namin. “Sige po ma'am ihahatid ko kayo doon po ma'am , sir.” Wika ng lalaki kausap namin " Halika na Blake sakay na tayo multicab para makapunta na tayo agad.” Sabi ko sa kanya Sumakay na ako sa multicab at umupo na ako sa loob. “Bilisan mo na Blake sobrang init oh bagal mo din kumilos." Aligaga ko sa kanya. “Oo na pasakay na nagmamadali!" Sabi niya sa akin “Okay na po ba kayo ma'am , sir?" Tanong ng mamang lalaki. “Okay na po kami manong." Sagot ko agad sa kanya. Agad kaming nagtungo doon sa Coron Sunlight Hotel na pagtutuluyan namin. Isang oras pa kaming nag babyahe ay init na init na ako sa loob ng multicab.. “Manong malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya “Malapit na lang po ma'am." Sagot niya sa akin. Ilang sandali nakarating na kami agad sa Coron at papunta na kami sa hotel. " Dito na po tayo ma'am.” Wika ng mamang driver. "Manong ang layo pala dito.” Sabi ko sa kanya. "Ito po bayad namin keep the change na lang po.” Wika ko sa kanya. "Ma'am salamat po sa tip.” Wika niya sa akin. " Okay lang malayo layo pala dito kaya sayo na po yan “ Wika ko sa kanya. “Ma'am salamat po. Ingat kayo." Wika niya sa akin. “Ingat din po manong." Sagot ko din “Ay nandito na talaga tayo sa Hotel sa wakas makakapahinga na din ako ng patag." Sambit ko. Nagtungo na din ako sa receptionist para magtanong. “Good ma'am." Bati niya sa akin. "Goodmorning.” Sagot ko din. "Miss for reservation ito po yung name.” Wika ko sabay patingin sa phone. " Okay ma'am kay Mr. Wilton.” Sagot ng receptionist. " Ma'am ito po number niyo sa kwarto at ito po ang susi. “ Wika ng receptionist sa akin. “Miss hindi ba dalawa kinuha ni Mr. Milton na room?" Tanong ko sa kanya " Ma'am yan lang po isang malaking kwarto pina reserved niyang kwarto.” Wika niya sa akin. " Ano sa iisang kwarto lang pala kami ng kasama ko? Ano ba itong si boss Milton iisahin talaga kami sa isang kwarto.” Maktol kong salita. " Ma'am fully loaded na din lahat ng room kay ito na lang po sa inyo.” Wika ng receptionist sa amin. “No choice na tayo." Sambit din ni Blake. " Akin na yang susi at number ng room para pumunta na tayo.”Wika ni Blake Pinuntahan agad ni Blake ang room at sumunod na din ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko si Mr.Milton. “Dito na tayo." Wika ni Blake sa akin. " O napatawag ka Maliyah.” Tanong niya sa akin. "Boss bakit naman isang room lang pina reserved mo dalawa kaya kami dito?” Wika ko sa kanya. "Okay na yan Maliyah para magkausap at mag plano kayo sa gagawin nyo . “Basta mag ingat kayo sa bawat gagawin nyo Maliyah at Brake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD