Chapter 7
Maliyah’s Pov
“Grabe na busog ako sa kinain natin." Wika ni Blake sa akin.
"Na libre na kita ha wala na akong utang sayo.” Sagot ko sa kanya.
Habang naglalakad kami pauwi may napadaan sa daanan ilang mga magagarang sasakyan. Napatingin kami sa mga sasakyan na napapadaan sa amin.
“Parang kilala ko yung sasakyan na yun? Sasakyan yun ng mga Valdez." Wika ko kay Blake.
"Bilib din ako sayo Maliyah natatandaan mo lahat." Wika ni Blake sa akin
“Mataas memory ko pagdating sa ganyan Blake kaya kailangan ko ng paghandaan para mapalapit tayo kay Mathias." Wika ko sa kanya.
"Kailangan na nating bumalik sa hotel para mapaghandaan natin ang pag sugod sa kanya." Wika ko sa kanya.
Agad na kaming bumalik sa hotel.
"Boss magandang umaga po." Wika ng tauhan ni Mathias.
“Nasaan si Jun?" Tanong ni Mathias sa isang tauhan.
“Nasa loob po boss." Sagot ni isang tauhan niya.
Pumasok sa loob si Mathias para puntahan si Jun.
"Boss magandang umaga po." Wika ni Jun sa kanyang boss.
"Nasaan na mga pinapahanap ko sayo?” Tanong ni Mathias kay Jun
“Boss nasa loob po sila ng kwarto." Sagot ni Jun.
Binuksan ni Jun ang screen para makita ni Mathias ang mga babaeng nasa loob.
“Ayan po boss mga babaeng nakuha naming na recruit sa mga tagong barrio.” Sagot ni Jun kay Mathias.
Nakatingin si sa screen at isa isa niyang tinignan ito.
"Walo lang na recruit ninyo Jun?” Tanong ni Mathias sa kanyang tauhan.
"Opo boss ito lang na recruit namin. Mga pihikan po ang mga ibang babae at ayaw nila sumama upang magtrabaho.” Paliwanag ni Jun kay Mathias.
"Sige na e offer nyo na sa ibang lahi ang mga na recruit ninyo. Kailangan natin kumita dyan sa mga babae na yan.” Utos ni Mathias kay Jun
"Masusunod po boss.” Sagot ni Jun
Ilang sandali lumabas si Mathias para manigarilyo sa labas ..
“Maliyah tutuloy ka ba mamaya?” Tanong ni Blake sa akin
"Oo naman Blake kaya ko ang sarili ko.” Sagot ko sa kanya.
“Pero Maliyah delikado papasukan mong trabaho." Wika Blake sa akin.
“Blake may sinumpaan tayo sa ating grupo kailangan kong gampanan. Kailangan natin sundin mission natin.” Wika ko sa kanya.
“Yung nangyari sa atin isang tabi mo na hindi pwede sa trabaho natin yan." Dagdag ko pa ito.
Hindi siya naka imik sa sinabi ko sa kanya.
“Armando dalhin mo ako sa pwesto natin kailangan kong puntahan doon.” Wika ni Mathias sa kanyang tauhan.
"Sige po boss.” Sagot niya.
Ilang sandali nagpunta sila sa Coron para puntahan ang kanyang bar na naka pwesto doon banda.
Nagsuot ako ng sexy skirt at naka tube ng pang itas para para pumunta sa bar.
“Tutuloy ka talaga?" Tanong ni Blake habang nag make up ako sa aking sarili.
“Oo naman Blake tutuloy ako kaya maghanda ka na din dyan." Wika ko sa kanya.
“Okay! Okay ! Ito na maghanda na ako.”Sagot niya sa akin..
Kailangan lagyan mo ng gprs ang kanyang sasakyan para matrace natin kung saan siya pumunta.” Wika ko sa kanya.
“Sige n ako na bahala doon." Sagot niya sa akin
"Ako na muna bahala doon sa loob hangga't kaya kong lituhin si Mathias.
Alam ko kung paano siya papaikotin Blake kaya stay calm ka lang.” Wika ko sa kanya.
"Okay Maliyah basta pag need mo tulong ko nasa paligid mo lang ako.” Sagot niya sa akin.
Napatingin lang ako sa kanya.
"Tara anong oras na.” Sambit ko sa kanya.
Kinuha ko ang jacket kong leather at sinuot ito agad. Bumaba na kami sa hotel at nag hanap kami ng sasakyan papunta sa Coron bar. Nang naka sakay na kami ay inihatid kami agad doon.
At the bar…
Pumasok na sa loob si Mathias kasama ang mga buddy guard niya.
“Kamusta ang pagpapatakbo dito?" Tanong ni Mathias manager sa bar.
“Boss okay naman po pagpapatakbo namin dito. Sa katunayan nga ngayon maraming nag iinom dito ngayon boss.” Wika ng manager kay Mathias
"Antagal ko din hindi naka bisita dito. Sa dami kong trabaho ngayon ko lang din napuntahan ito.” Sambit ni Mathias.
“Salamat po sir bumisita kayo ngayon.” Wika ng manager kay Mathias.
"Ah reserve mo sa akin isang table then wine na lagi kong iniinom dito.” Wika ni Mathias sa manager.
"Yes sir.” Sagot ng manager.
Sinamahan ng manager si Mathias sa table 3 at sinunod agad ang wine n gusto niyang inumin.
Nakarating na din kami ni Blake sa Coron bar. Patingin tingin kami habang nasa harapan na kami ng bar.
“Nandito nga si Mathias Blake sasakyan niya ito at mga tauhan." Wika ko sa kanya.
“Sige umuna ka na pumasok baka mahalata pa tayo." Wika ni Blake sa akin.
“Okay copy." Sagot ko.
Umuna na akong pumasok sa loob ng bar.
Hinarangan ako bandang entrance para mag bayad ng entrance fee. Nang naka bayad na ako ay tinatakan na nila ako.
Sobrang dami ng tao sa loob. Naalala ko friday pala ngayon kaya yung ibang walang pasok ay nandito nag gigimikan.
Napatingin ako sa paligid para mahanap ko ang punterya kong tao. Pumunta ako sa bar top para mag order ng wine.
Habang papunta ako patingin tingin ako sa paligid kung saan siya banda ang pwesto.
“Hi wine please”
Nang binigay sa akin ay agad kong ininom ito. Napatingin ako sa sulok may isang table nasa bandang madilim na parte. Nakita ko na ang hinahanap ko. Diretso kong ininom ang wine saka nag order ako ulit.
Sinubukan kong lumapit sa kinaroroonan nito.
“Hi, can I join?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin sabay nginitian ko siya agad.
"Please sit-down.” Sabi niya sa akin.
"Parang nag iisa ka lang ata umiinom sir kaya nagbabakasakali ako kung gusto nyo na may kausap.” Wika ko sa kanya.
"Pwede naman wala din akong kasama." Sagot niya sa akin.
“I'm Maliyah ang you?" Tanong ko sa kanya agad.
“Mathias." Wika niya sa akin.
“Nice meeting you." Wika ko sa kanga.
“Dayo ka ba ngayon lang kita nakita dito?” Tanong niya sa akin.
"O yes hindi ako taga dito. Nag bakasyon lang po ako good for 2 weeks.” Sagot ko sa kanya.
“Ganun ba? Galawan mo parang taga manila ka? Am I right or wrong?" Tanong niya sa akin.
" Lagot na parang nag bubusisi siya agad.”Sambit ko sa isipan ko.
" Right." sagot ko agad.
“Sabi ko na nga. Iba ka sa mga taga probinsyana." Sagot niya sa akin.
"Oh ganun po ba!” Sagot ko sa kanya.
Patingin-tingin ako sa relo ko.
“Paano na aalis na po ako nice meeting you na lang sir Mathias.” Wika ko sabay abo sa kamay.
"Parang ang bilis mo naman.” Wika niya sa akin.
“Baka sir may hinihintay po kayo dito sa table mo.” Wika ko sa kanya agad.
"Wala, wala naman akong hinihintay kaya pwede kang umupo hangga't gusto mo.” Wika niya sa akin.
"Wait order tayo inumin ano bang gusto mo?” Tanong niya sa akin.
"Okay na ako sa san mig light." Wika ko sa
kanya.
Pumalakpak lang siya at pinuntahan kami sa kinaroroonan namin.
"San mig light isang bucket.” Utos niya agad sa tinawag niya.
“Parang ambilis niyo po mag order sir?" Tanong ko sa kanya.
“Kilala ko ang mga tao dito." Sgot niya sa akin.
“Ganun po ba." Wika ko sa kanya.
" Ito na San mig natin.” Sabi niya sa akin.
“Thank you." Wika ko sabay inom sa san mig
“Wow ang sarap ng lamig niya." Pangiti kong sabi sa kanya.
Ngumiti din siya sa akin habang napangiti ako.
“Taga saan ka dito banda iha?" Tanong niya sa akin.
" Taga dito lang po ako malapit sir.” Sagot ko sa kanya.
"Huwag mo na akong tawagin sir Mathias na lang.” Wika niya sabay hawak sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay ko ng hinawkan niya agad.
"Okay Mathias.” Sagot ko sa kanya sabay ngiti.
Naka ilang bote na kami ng san mig ininom puro lang kwentuhan lang kaming dalawa.
“Alam mo ba ako ang may ari nitong bar." Wika niya sa akin.
“Ano po sa inyo ito? Edi mayaman ka pala sir." Wika ko sa kanya.
" Hindi naman gaano iha. Kailangan lang magpursige magtrabaho.” Sabi niya sa akin.
“Tama naman kailangan magtrabaho." Wika ko sa kanya.
Mukhang namumula na siya sa ininum namin. Naubos ang isang bucket na san mig light. Tinawag ulit niya ang inutusan niya kanina.
“Isang bucket pa nga." Sabi niya sa inutusan niya tauhan niya sa bar.
Dinalhan ulit kami ng isang bucket at inilapag sa mesa sa harapan namin.
“Excuse lang muna Mathias punta lang ako banyo.” Paalam ko sa kanya.
" Balik ka dito uubusin pa natin ito.” Sabi niya sa akin.
" Okay babalik ako.” Sagot ko sa kanya.
Habang papunta ako sa banyo bigla akong hinila sa gilid.
"Maliyah lasing ka na baka mapano ka!" Wika ni Blake sa akin.
" Oh Blake nakapasok ka na pala sa loob." Pangiting sabi ko sa kanya
" Naiihi na ako Blake banyo muna ako." Wika ko sa kanya.
" Sige mag banyo ka na muna hihintayin kita dito." Wika ni Blake sa akin.
Nang naka ihi na ako ay bigla na niya aking hinila palabas ng bar.
" Ano ba Blake hindi pa ako tapos doon." Wika ko sa kanya .
" Huwag ka ng bumalik lasing ka na Maliyah uuwi na tayo." Wika niya sa akin.
" No may plano ako sa kanya Blake." Pilit ko sa kanya.
" No hindi pwede ganito sitwasyon mo lasing ka na! Pwede na lang sa ibang araw natin pagplanuhan kaya iuuwi na kita ngayon." Wika niya sa akin.
" Halika na bilis baka makita pa tayo dito." Pagmamadaling sabi ni Blake sa akin
" Saglit nga hindi naman ako lasing Blake kaya ko naman sarili ko." Pilit na sabi ko sa kanya.
" Tara na huwag ng matigas ang ulo Maliyah. Nasobrahan ka na sa alak. Tingnan mo nga sarili mo lasing ka na Maliyah kaya uuwi na tayo." Wika niya sa akin .
Inalalayan niya ako palabas ng bar saka naghintay ng masasakyan pa balik sa hotel.
"Bakit ang tagal niyang bumalik. Nasaan na siya?" Patanong ni Mathias
Lingon ng lingon siya kung saan na ako napadpad.
Tumayo siya at pumunta siya sa banyo para abang sa paglabas
ilang minuto nakalipas wala siyang nakita doon . Naglakadlakad siya sa loob ng bar para hanapin ako.
"Boss." Tawag ni Blake
Huminto ang isang sasakyan sa aming harapan. Halika na sabi mo hindi ka pa lasing pero lupay pay ka na . " Sambit ni Blake sa akin
Isinakay niya ako sa kotse sa umalis na kami agad sa harapan ng bar.
" Saan kayo boss? " tanong ng driver.
" Sa Sunlight Hotel boss. " Sabi ni Blake sa driver.
Nagmadaling nagmaneho ang driver papunta sa Sunlight Hotel.
"Tignan mo sabi niya hindi pa daw cxa lasing pero naka tulog na sa balikat ko." Wika ni Blake sa akin.
"Blake hindi pa ako lasing naririnig kita." Sagot ko sa kanya.
"Huwag ka nga maingay dyan lasing ka na. Kung wala pala ako doon baka anong nangyari na sayo doon." Wika niya sa akin.
"Bigla na lang siyang nawala. Saan kaya siya nagpunta?" tanong ni Mathias
" Sayang kakikilala ko lang sa kanya pero nawala siya bigla." Sambit ni Mathias habang naghahanap
Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang tauhan niya nasa labas.
"May nakita ba kayong babae dyan mahaba ang buhok at naka black jacket?" tanong niya sa mga tauhan niya kausap sa phone.
"Kanina boss may napansin kami may kasamang lalaki . Isinakay ito sa sasakyan boss." Wika ng tauhan niya.
" Ganun ba sige.Lalabas na ako para umuwi na din." Wika ni Mathias sa
kanyang tauhan.