Chapter 8

1509 Words
Chapter 8 Blake’s Pov Huminto na kami sa harapan ng hotel. “Boss ito po bayad namin.” Wika ko sabay abot sa driver. Bumaba muna ako saka binuhat ko agad si Maliyah. “Ito yung sinasabi mo na hindi lasing? Hay naku hindi mo kaya talagang mag lasing. Ito ang magpapatalo sayo ang kalasingan." Sambit ko habang buhat-buhat Maliyah. “Ang sarap ng tulog mo. Hindi mo nararamdaman na binuhat kita. Kung hindi lang kita gusto baka iniwan na kita doon at hinayaan.” Sambit ko sa kanya. “Ang bigat mo din akala ko magaan ka! Hay naku! Inom ka pa talaga.” Sambit ko habang binubuhat pa siya pa punta sa taas. “Ano ba! Ibaba mo na ako!" Sambit niya habang nakapikit siya “Ay nagawa mo pa talagang mag ngawngaw kahit lasing ka tindi mo rin." Maktol ko sa kanya. Nang malapit na kami sa kwarto ay muntik ko pang mabitawan. Binuksan ko na ang pinto para makapasok na kaming dalawa. Binaba ko na siya sa kama at pinahiga. “Huh salamat nakarating din kami dito. Napagod ako sa pagbubuhat sayo Maliyah." Sambit ko habang napahingal akong nakatingin sa kanya. Bigla na lang siya naghihilik habang mahimbing siyang natutulog sa kama. “Grabe nadala niya pang humilik talaga! Lagot ka talaga sa akin bukas!” Sambit ko habang tulog siya. Hinubad ko muna ang aking damit sa init na init na ako sa katawan ko. Lumapit ako ulit sa kanya para tanggalin ang kanyang suot na sandal sa kanyang paa. Tinanggal ko din ang suot niyang Jacket . Kitang kita ko na ang kanyang dibdib. Kinuha ko ang kumot saka kinumutan ko ang kanyang katawan. “Napagod talaga ako gusto ko na din matulog.” Wika ko sa kanya. Nagtungo ako agad sa sofa saka humiga na doon. Nakaramdam si Maliyah na naiihi bigla siyang bumangon para magtungo sa banyo kahit papikit pikit. “Ihing ihi na ako! Sambit niya habang pahawak hawak siya sa pader para umihi. Nang natapos siya agad niyang itinaas ang kanyang panty saka binaba ang kanyang pang ibabang suot. Bumalik siya sa kama niya ng naka panty . Mag alas otso na nagising ako. Naginata inat ako sa katawan ko habang nakahiga sa kama. Napatingin ako sa kinahihigaan ni Maliyah nakita kong naka panty na lang siya sa suot niya habang natutulog sa ibabaw ng kama. Nagpainat inat siya ng nagising sa ibabaw ng kama. “Ahh! Array ang sakit ng ulo ko!" Wika niya na balibag ng balibag sa higaan. “Buti gising ka na lasinggera!" Sabi ko sa kanya Nakakunot noo siya nakatingin sa akin. Napatingin siya sa kanyang sarili. “Oh bakit naka panty na ako?" Gulat na tanong niya sa akin. “Ewan ko sayo anong ginawa mo." Wika ko sa kanya “Siguro ginalaw mo na naman ako!" Singhal niyang sabi sa akin. “Isipin mo anong ginawa mo doon sa bar." Wika ko sa kanya. Napaisip siya habang hawak niya ulo nito. “Array! Ang sakit talaga ulo ko!" Sambit niya habang hawak niya ulo nito. “Nakipag inuman ako kay Mathias.” Diretso sabi niya sa akin. “O tapos mas nauna ka pang nag lasing talaga. Kung hindi kita pinuntahan sa loob lasing na lasing ka na doon tapos kung saan ka dadalhin yung Mathias na yun.” Sermon ko sa kanya. “Bakit lasing na lasing ba ako kagabi?" Tanong niya ka gabi sa akin. "Oo binuhat na kita kagabi hindi mo ba namalayan?” Tanong ko sa kanya “Hindi eh binitbit mo ba talaga ako pag uwi?” Tanong niya sa akin. “Malamang binitbit kita alangan iwan kita doon hayaan kasama ka niya." Wika ko sa kanya. "Lasing talaga ba ako Blake?” Tanong niya ulit sa akin. “ Sana na videohan kita sa mga pinaggagawa mo!” Wika ka ko sa kanya " Bakit naka panty ako?” Tanong niya sa akin. ‘’Malay ko sayo baka bumangon ka at nagpunta ka sa banyo. Hindi kita ginalaw Maliyah may respeto din ako sayo kahit tingin mo sa akin manyak pero hindi ako ganun.’’ Wika ko sa kanya Napatingin siya sa akin ng masama. ‘’Ganun ba wala ka talagang ginawa sa akin?’’ Tanong niya sa akin ‘’Promise wala talaga Maliyah.’’ Sagot ko sa kanya ‘’Sakit ng ulo wala ka bang gamot dyan Blake?’’ Tanong niya sa akin. ‘’Meron naman akong gamot bonamine nga lamang!’’ Birong sabi ko sa kanya ‘’Sira ka ba bonamine talaga ipapa inum mo sa akin?’ Anong akala mo sa akin nahihilo sa dagat? Masakit nga ulo ko sa alak tapos bonamine ibibigay mo!” Inis na sabi niya sa akin. “Bakit sinabi ko bang iinumin mo? Ang sabi ko meron lang akong gamot bonamine lang." Sabi ko sa kanya. “Sakit ng ulo ko!” Wika niya habang nakahiga pa sa kama. “Sige baba ako bibili ako ng gamot." Wika ko sa kanya Hindi siya umimik ng lumabas ako sa kwarto. "Ano ba itong ginagawa ko bakit kasi nag lasing ako sakit tuloy ng ulo ko." Sambit ni Maliyah habang naka subsob sa kama. Nang naka bili na ako ay bumalik na ako agad para maka inom na siya ng gamot. “Ito gamot inumin mo na." Wika ko sa kanya sabay abot sa kanya. “Salamat.” Sabi niya sa akin. Agad niyang ininom ang gamot saka humiga ulit sa kama. “Ano iinom ka ulit?" Tanong ko sa kanya. “Sa tingin mo bakit ako uminom para naman sa mission natin.” Wika niya sa akin “ Kahit na dapat alam mo controlin sarili mo.” Wika ko sa kanya. "Okay sige sa susunod magkausap na kaming dalawa. Nasobrahan niya ata pag order ng inumin kaya na lasing ako kagabi.” Wika niya sa akin. “Sa susunod na pagkikita namin lagot na siya sa akin.” Sambit ni Maliyah sa akin. “Ahh pero ang bigat ng pakiramdam ko talaga.” Sambit ni Maliyah. “Eh ligo mo na lang kaya ya para mahimasmasan ka kaya.” Wika ko sa kanya. “Baka nga mawala nga ito pag niligo ko.” Sambit ni Maliyah Nagtungo si Maliyah sa loob ng banyo para maligo. “Saan na kaya yun babaeng nakausap ko gabi? Saan ko kaya siya makikita?” Tanong sa isipan ni Mathias habang nag kakape. “Hi honey kamusta negosyo mo doon sa Coron?” Tanong ni ni Loreen sa kanyang asawa na si Mathias. “Okay naman honey medyo kailangan lang minsan puntahan sa Coron.” Wika ni Mathias sa kanyang asawa. “Ganun ba malakas din pala doon.” Wika ng asawa niya habang hinihimas ang kanyang balikat na naka pwesto sa likod. “Oo okay naman din bentahan doon. Yun nga lang malayo doon kaya kailangan puntahan.” Wika ni Mathias. “Pag bumalik ka doon sama ako honey para din makapunta ako doon.” Wika ni Loreen kay Mathias “Sige pag bumalik ako doon isasama kita.” Sagot ni Mathias. Biglang tumunog ang cellphone ni Mathias saka sinagot ito. “Yes pa napatawag ka?” Tanong ni Mathias sa kanyang papa. “Saglit Loreen napatanyag si papa kailangan ko lang kausapin.” Wika ni Mathias sa kanyang asawa. Tumayo siya ang nagpunta sa malayo para kausapin ang papa nito. “ Mathias ano ang nangyari sa negosyo natin?” Tanong ng kanyang papa “Mahina ang negosyo natin sa illegal ngayon pa.” Paliwanag ni Mathias sa kanyang papa “Kailangan mo habapan ng paraan yan Mathias hindi ganyang negosyo natin noong ako ang humahawak yan.” Singhal ng kanyang ama habang kausap niya ito. “Opo pa hayaan nyo aayusin ko din ito.” Wika ni Mathias sa kanyang papa. “ Siguraduhin mo lang yan Mathias na maayos mo . Ayukong pabayaan mo mga pamana ko sayo Mathias. Wika ng kanyang ama sa kanya. “Sige papa aayusin ko po lahat.” Sagot ni Mathias agad. Agad siyang pinatayan ng phone ng kanyang ama. Tinawagan niya ang kanyang tauhan na si Jun para kausapin. “Hello Jun anong nangyari na dyan? Kailangan ng makipag deal na tayo sa buyer galit na galit na si papa sa akin." Wika ni Mathias sa kanyang tauhan na si Jun. “ Boss hindi pa sila tumatawag malaki kasi offer ninyo kaya nag back out sila boss." Wika ni Jun kay Mathias. “Sige sabihan mo bibigyan ko sila magandang offer para mabenta lang natin. Ako malalagutan ni papa pag hindi tayo makipag deal aa kanila.”Wika ni Mathias kay Jun “Sige po boss sasabihin ko po.” Wika ni Jun " Pag okay sila sa offer makikipag kita ako sa kanila.” Wika ni Mathias kay Jun. "Sige po boss makakarating sa kanila.” Sagot ni Jun kay Mathias. "Bakit kasi ang baba naman gusto nilang mangyari kami naman malulugi sa negosyo nito." Sambit ni Mathias na naka kunot ang noo. "Kung hindi sila madadala sa pakiusap baka madala sila sa santong paspasan." Dagdag na sambit ni Mathias .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD