Chapter 10
Maliyah’s Pov
“Sir thank you sa treat mo sa akin ." Wika ko sa kanya.
‘’Walang ano man basta need mo tulong ko tawagan mo lang ako.’’ Wika niya sa akin.
‘’Sige po sir pag iisipan ko pa itong offer mo sa akin tatawag po ako.’’ Sagot ko sa kanya.
’’ Saan ka ba nakatira? Para ihatid kita sa bahay ng lola mo.’’ Tanong niya sa akin
‘’Huwag na po sir okay lang po ako nakakaabala na po ako sa inyo sir Mathias.’’ Sagot ko sa kanya.
‘’Maliit na bagay lang yan Maliyah. O sha ayaw mo naman kasi magpahatid mauuna na ako may pupuntahan kasi ako ngayon. Yung offer ko sayo na trabaho pag isipan mo maigi sayang din malaking sweldo din ito.’’ Wika niya sa akin
‘’Sige po sir pag iisipan ko po.’’ Sagot ko na lang sa kanya .
Agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan si Mathias saka umalis na sa harapan ko.
Napataas ang kilay ko ng makaalis sa harapan ko. Kinuha ko ang calling card saka tinitignan ng mabuti ito.
‘’Kailangan kong makapasok sa kanya para malaman ang mga transaction na hawak nila.’’ Sambit ko habang hawak ang calling card.
Agad na akong bumalik sa hotel para makausap si Blake sa mga plano namin dalawa.
‘’Anong oras hindi pa talaga umuwi mag alas tres na!’’ Sambit ni Blake habang palakad lakad sa loob ng kwarto.
Nang nakarating na ako sa harapan ng hotel ay pumasok na ako agad at umakyat na sa taas. Pagdating ko sa taas agad kong binuksan ang pinto saka pumasok agad.
‘’Bakit ang tagal mo?’’ Bungad ni Blake sa akin ng pagpasok ko sa loob.
‘’Aksidente akong nakita ni Mathias muntik niya akong mabundol kanina. Ayun ni yaya tuloy niya akong kumain sa restaurant hindi naman ako makatanggi na kaya sumama na lang ako saglit.’’ Paliwanag ko sa kanya
Matalim na tingin ang natanggap ko kay Blake habang nagpapaliwanag ako sa kanya.
“ Bakit ka ganyan ka tumitig sa akin?” Tanong ko sa kanya
“Nakikipag kita ka kasi hindi ka nagsasabi.” Inis niyang sabi sa akin.
“Sabi ko nga aksidente diba! Alangan naman sungitan ko eh kailangan natin makalapit sa kanya.” Wika ko sa kanya.
“Alam mo binigyan niya ako calling card. Gusto niya pa nga akong kunin bilang assistant niya nga kung gustuhin ko daw.” Wika ko sa kanya
“Pumayag ka naman din sa offer niya?” Tanong niya sa akin.
“Hindi pa naman pero parang ganun papasok ako maging assistant ni Mathias. Hindi muna ako pumayag para sabihin muna kita sa plano ko.” Wika ko sa kanya.
“Sa tingin mo papayag ako ng ganun?” Tanong niya sa akin.
“Oo naman bakit gusto ko lang naman ipaalam plano ko para aware ka din kung anong gusto kong gawin.” Singhal ko sa kanya.
“Ah basta ayoko na magtrabaho ka doon.” Wika niya sa akin.
“Sino ka naman para ayaw mong pumayag magpanggap akong assistant? Pagkakataon ko na yun para makapasok at maman manan mga kilos niya.” Wika ko sa kanya.
“Haisst bahala ka nga ayaw mong makinig sa akin.” Wika ni Blake sa akin.
“Alam ang feeling mo? Porket may nangyari sa atin minsan akala mo maangkin mo na ako agad! Trabaho pinuntahan natin dito kaya huwag kang ipal na akala mo pagmamay ari mo ako.” Singhal ko sa kanya sabay pumunta ako sa kama.
“Bahala ka nga nag mamalasakit lang ako sayo Maliyah.” Sambit niya sabay punta sa couch na upuan.
Hindi ko siya inimikan dahil na inis ko sa kanya.
Biglang tumawag si boss Milton sa phone ko at agad kong sinagot.
“Hello boss.” Wika ko sa kabilang linya.
“Kamusta kayo dyan?” Tanong niya sa akin.
“Ito boss nakahanap na ako ng paraan para mapalapit kay Mathias. Papasok ako bilang assistant niya boss para makakuha ako ng impormasyon tungkol sa mga kinikilos nila sa loob.” Wika ko sa kanya.
“ Mabuti naman Maliyah para maman manan mo sa loob kailangan natin makakuha ng impormasyon sa mga transaction nila.” Wika ni boss Milton sa akin.
“Sige po boss pagbutihin ko trabaho ko boss.” Wika ko sa kanya.
“Si Blake ano naman plano niya?” Tanong ni boss Milton sa akin.
“Hindi ko alam kung anong plano niya boss.” Sagot ko sa kanya.
“Nasaan ba siya?” Tanong ni boss Milton sa akin.
“Nandito nakadungaw sa labas boss.” Wika ko sa kanya
“Sige gawin mo ang nararapat kung mapalapit ka sa pamilyang Valdez.” Wika ni boss Milton sa akin.
“Sige po boss maaasahan mo ako boss.” Sagot ko sa kanya.
Binaba agad ni boss Milton ang phone. Pumunta ako agad sa banyo para mag shower.
“Akala niya magpapatinag ako sa mga sinasabi niya wala naman siya nagagawa puro lang plano.” Sambit ko habang nagtatanggal ng damit sa katawan.
Ilang sandali nag shower na din ako para malamigan ang buong katawan. Naalala ko na naman wala pala akong dalang damit pambihis. Pagkatapos kong nag shower saka tapis ng tuwalya. Lumabas na ako sa banyo saka diretso na sa maleta ko para kumuha ng damit. Nagmamadali na akong kumuha ng panties at bra para suotin ko. Sa pagmamadali ko bigla akong napadulas sa sahig saka bumagsak ako agad.
“Anong nangyari sayo?” Tanong niya sabay lapit sa akin habang na bagsak ako sa sahig.
“Ouch ang sakit ng balakang ko!” Wika ko habang hawak ko balakang ko.
“Ayan kasi bakit ka kasi tumakbo.” Sabi ko agad sa kanya
“Nakalimutan ko kasing kumuha ng damit ko kanina kaya pumunta ako para kumuha ng isusuot ko.” Sabi ko sa kanya.
“Pwede ka naman mag dahan-dahan bakit ka naman kasi tumakbo.” Wika niya sa akin.
“ Alam mong basa ka galing sa banyo tapos tatakbo ka agad.” Wika niya sa akin
Halika na buhatin na kita.” Wika niya sa akin
“Huwag na kaya ko magbibihis lang ako sa banyo saglit.” Wika niya sa akin.
Halika na tutulungan na kita.” Wika niya sa akin.
Tumayo ako saka inalalayan niya akong tumayo.
“Aray ang sakit ng bewang ko!” Iniinda ko
“Ayan kasi hindi ka kasi nag iingat.” Wika niya sa akin.
Inalalayan niya ako papuntang kama para maka upo ng maayos.
“Ang sakit ng balakang ko.” Sambit ko habang tinutulungan niya akong makalipat sa kama.
"Halika tulungan na kitang magbihis." Wika niya sa akin.
"Ano tutulungan mo akong magbihis?" Sagot ko agad bigla napamulat ako.
"Huwag na kaya ko naman tumalikod ka lang magbibihis lang ako." Wika ko sa kanya
"Kaya mo ba magbihis mag isa?" Tanong niya sa akin.
"Kakayanin ko magbihis mag isa." Sagot ko sa kanya.
"Sige na tumalikod ka na magbibihis ako." Sambit ko sa kanya.
"Okay." Sagot niya
Dahan-dahan kong isinuot ang damit ko para makabihis na ako agad. Nang naisuot ko na ang pang itaas na damit ay isinuot ko na din ang panties ko at isinuot ko na din ang short ko agad.
"Tapos ka na ba?" Tanong ni Blake sa akin.
"Oo tapos na nakabihis na ako." Sagot ko sa kanya.
"Pwede na ba akong humarap?" Tanong ko sa kanya
"Pwede na tapos na akong nagbihis." Sabi ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at tinignan niya ako agad.
" Ano okay ka lang ba? Masakit pa ba balakang mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo masakit kaya ihiga ko na lang muna." Wika ko sa kanya.
" Salamat sa pagtulong sa akin Blake." Wika ko sa kanya.
"Sa susunod mag iingat ka baka may naipit na ugat dyan sa balakang mo kaya masakit yan." Wika niya sa akin.
"Hayaan mo mawawala din ito i uunat ko lang ito." Wika ko sa kanya..
"Okay huwag mo lang pwersahin ilakad lalong sasakit yan ." Wika niya sa akin
Tumango lang ako sa kanya habang pinapayuhan niya ako .
"Lagot na ang damit ko nasa banyo." Sambit ko sa sarili.
"May ointment ako dyan lagyan mo balakang mo para hindi mamaga yan agad." Wika niya sa akin.
Pumunta siya sa mga gamit niya para kunin ang ointment na sinasabi ni Blake.
"O ito ointment lagyan mo balakang para hindi mamanhid balakang mo." Wika niya sa akin.
"Kung gusto mo ako na lang para masahiin kita." Wika niya sa akin.
" Huwag na ako na lang baka himashinasin mo pa katawan ko swerte mo naman." Wika ko sa kanya.
"Haisst naman inaalala ko lang yan sasakit yan kinabukasan." Pag alala niya sa akin.
" Ako na lang kaya ko lalagyan ko na lang ng ointment na binigay mo sa akin." Wika niya sa akin.
"Ikaw bahala kung anong gusto mo." Wika niya sa akin.
Pumunta siya sa couch na upuan para umupo doon. Kita ko sa mata niya nag alala siya sa akin.