Chapter 11

1608 Words
Chapter 11 Maliyah’s Pov Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa ininda kong sakit sa balakang. Nakita ko si Blake tulog malapit sa tabi ko nakahiga sa couch na mahaba. Binantayan niya talaga ako habang tulog ako. Bumangon ako ng dahan-han para kumuha ng maiinom sa mesa. Pa lakad na sana ako ng biglang “Saan ka punta?” Tanong niya sa akin. “Kukuha sana ako maiinom pero kaya ko naman bumangon.” Wika ko sa kanya “Ako na kukuha para sayo Maliyah." Wika niya sa akin. Bumangon siya sa kinahihigaan niya para kumuha ng maiinom ko na tubig. Lumapit ulit siya ng nakakuha na siya ng maiinom kong tubig. “Ito tubig inumin mo na." Wika niya sa akin sabay abot. " Salamat.” Sabi ko sa kanya Ininom ko na ang tubig na binigay niya sa akin. “Okay na ba yang pakiramdam mo?” Tanong niya sa akin. “May kirot pa kaunti pero babangon na ako ngayon kailangan.” Wika ko sa kanya. Inilapag ko ang aking paa sa sahig saka sinubukan kong tumayo para maglakad. “Okay na ako may konti kirot pero nalalakad ko na din.” Wika ko sa kanya. “Sinabi ko nga i massage ko ng kaunti para hindi siya sumakit lalo ayaw mo naman.” Sabi niya sa akin. “Ayoko nga baka manyakin mo na naman ako.” Sagot ko sa kanya. “Haisst naman concern lang ako sayo Maliyah. Iba naman iniisip mo din.” Sabi niya sabay kamot ng ulo. “Hayaan mo na kaya ko naman at saka hindi na din masakit gaya kanina.” Aniya ko sa kanya. Naglalakad ako papunta sa salamin at dumungaw sa tanawin sa labas. “Napaka ganda niya sana pumayag siya sa offer ko.” Wika ni Mathias habang nakaupo sa kanyang sa loob ng kanyang opisina. Napatulala siya habang malalim ang iniisip habang pinapaikot ang ballpen. Biglang may kumatok sa kanya ng pinto. “Pasok.” Sabi ni Mathias. “Boss may naghahanap po sa inyo.” Wika ng isang tauhan niya. “Sino daw?” Tanong ni Mathias. “Mathias Valdez.” Sambit ng isang lalaki biglang lumitaw sa likod ng tauhan niya. “Tiago, ikaw pala yan.” Sabi agad ni Mathias “Kaibigan kay tagal natin hindi nagkita.” Sabi ni Tiago sa kanya. “Kamusta ano kailangan mo napa rito ka?” Tanong ni Mathias kay Tiago “Magpapatulong sana ako sayo isang cargo namin hindi mailabas alam kong marami kang koneksyon. Sana matulungan mo ako kaibigan.” Wika ni Tiago “Anong laman ba yan?” Tanong ni Mathias kay Tiago. “Isang kargamento gagamitin namin sa pagpapatayo ng negosyo namin nahirapan mga tauhan kong makuha dahil kulang sa papel na hawak namin.” Wika ni Tiago kay Mathias. “Nasaan na ba ngayon?” Tanong ni Mathias ka Tiago “Nasa shipment pa Mathias .” Wika ni Tiago. “Titignan kung anong pwede kong gawin.” Wika ni Mathias kay Tiago. “Salamat kaibigan. Kamusta na din negosyo mo ngayon?” Tanong ni Tiago sa kanya. “Okay naman kahit papaano.” Sagot ni Mathias kay Tiago “Napaka ilap ang mga negosyo ngayon dito sa lugar natin.” Wika ni Tiago kay Mathias. “Sinabi mo pa! Ewan ko ba lagi nilang hinaharangan ng mga taga Maynila. Pagdating dito sa lugar natin pahirapan pang maibaba kasi kailangan ng mga papel ang higpit na nila ngayon.” Wika ni Mathias kay Tiago. “Paano yan hindi na ako magtatagal Mathias at ako’y aalis na marami pa akong aasikasuhin.” Pagpapaalam ni Tiago kay Mathias . “Sige kaibigan mag ingat ka.” Wika ni Mathias kay Tiago. “Salamat Mathias alis na ako.” Wika ni Tiago sabay alis Napa tayo si Mathias saka napalakad at kumuha ng alak na maiinom niya. Bigla na naman may kumatok sa pinto at bumukas ito. “Honey.” Sambit sabay pasok sa pinto ni Laureen. “Oh bakit nandito ka? May lakad ka ba?” Tanong ni Mathias sa kanyang asawa. “Bakit hindi ba kita pwedeng puntahan dito?” Tanong ni Laureen kay Mathias. “Hindi naman sa ganun.” Sagot ni Mathias “May pupuntahan ka ba honey kaya napadaan ka dito?” Tanong ni Mathias sa kanyang asawa. “Wala honey pinuntahan lang kita bakit bawal ba?” Tanong ni Laureen sa kanya. “Hindi naman sa ganun. May mga negosyo akong atupagin.” Wika ni Mathias sa kanyang asawa. “Okay nextime honey magpapaalam na ako pag pumunta dito. Pero sa ngayon hayaan mo na ako honey nandito ako namimiss na kita eh. Pag sa bahay naman lagi kang wala saka hindi na kita naaabutan kaya pinuntahan na lang kita kahit papaano makikita kita dito.” Wika ni Laureen kay Mathias. Biglang lumapit si Laureen sa kinaroroonan ni Mathias at yumakap siya agad. “Ano ka ba Laureen busy din kasi ako kaya nagmamadali din ako maka alis dahil may mga trabaho din ako.” Wika ni Mathias agad. Bumalik si Mathias pag upo sa kanyang upuan. Bigla din sumunod si Laureen sa kanya saka umupo sa mesa. “Bakit hindi ba ako trabaho para sayo honey?” Tanong ni Laureen kay Mathias. Bigla na lang hinawakan ang mukha ni Mathias ni Laureen saka hinimas ito. “Hindi mo ba ako hinahanap ang katawan ko honey?” Tanong ni Laureen kay Mathias. Napa urong si Laureen sa gitna ng mesa at hinarap niya si Mathias. “Ano bang ginagawa mo Laureen.” Wika ni Mathias sa kanyang asawa. Biglang nilapit ni Laureen ang kanyang mukha kay Mathias para halikan na ito. “Laureen kahit dito ba gusto mong landiin ako!” Singhal ni Mathias sa kanyang asawa. “Gusto ko Mathias kahit saan ako abutan basta makipag s*x ka lang sa akin.” Wika ni Laureen kay Mathias. Nahalikan ni Laureen si Mathias sa gusto niyang mangyari habang nakaharap siya sa kanyang asawa. Hindi na nakatanggi si Mathias sa kanyang asawa. Nakipaghalikan na lang din siya sa kanyang asawa. Bigla na lang kumalas sa pagka halik si Mathias at tumayo agad. “Laureen alam mong nagtatrabaho ako tapos ginaganito mo ako.” Wika ni Mathias sa kanyang asawa. “Pero honey namimiss na kasi kita.” Wika ni Lureen sa kanya. “Umuwi ka na at hindi ito oras na ginugusto mo Laureen.” Wika ni Mathias kay Laureen. Umalis na si Laureen sa pag upo sa mesa at tumayo na ito. Umalis na agad si Laureen sa loob ng opisina ng kanyang asawa na nagdadabog ito. “Haisst kung ano na lang ginawa ni Laureen kahit dito gusto nya pa talagang makipagtalik sa akin.” Sambit ko sa sarili na biglang uminit ulo niya. Kinuha niya ang alak tsaka nilagyan niya ang kanyang baso at ininom agad ito. Napabuntong hininga na lang siya sa nangyari. “Hindi ko alam kung bakit parang nawawalan ako ng gana kay Laureen.” Sambit niya sa sarili sabay inom ng alak “Maliyah baba muna ako may bibilhin lang ako sa labas.” Wika ni Blake sa akin. Lumabas siya sa kwarto saka sinarado ang pinto. “Saan kaya siya pupunta?” Tanong ko sa sarili Tumayo ako saka kinuha ang calling card na binigay ni Mathias sa akin. “Kailangan kong makapasok doon kaya kailangan kong macontact si Mathias.” Sambit ko habang hawak ang calling card. Kinuha ko ang phone saka tinawagan na ang number na binigay ni Mathias sa akin. Biglang nag ring saka hinintay ko sagutin niya ito. “Yes good morning.” Bati sa kabilang linya. “Ito po ba ang office ni Mr. Valdez?” Tanong ko agad sa kabilang linya. “Yes, Sino ito?” Tanong sa kabilang linya. “Mag apply sana bilang assistant niya po.” Wika ko. “Maliyah ikaw ba ito?” Tanong niya sa akin. “Yes po sir tatanggapin ko na po offer ninyo sa akin.” Wika ko kay Mr. Alvarez. “Sige Maliyah kailan ka pupunta dito sa office?” Tanong niya sa akin. “Bukas pwede ba akong magduty na yan sir?” Tanong ko sa kanya. “Oo naman pwede na pero kailangan naka formal attire ang isusuot mo. Kung wala naman pwede naman kitang bilhan muna saka mo na bayaran pag sahod mo.” Wika niya sa akin “Sige sir Alvarez kung ano po ipasuot niyo wala kasi ako uniform na formal naiwan lahat sa Manila.” Wika ko sa kanya. “Okay bukas pag pasok mo masusuot mo na magpabili na lang ako sa tauhan ko.” Wika niya sa akin. “Sige po sir Mathias bukas na lang po.” Wika ko sa kanya. Agad ko ng binaba ang phone saka umupo sa kama. “Alam ko din papayag ka sa offer ko ka Maliyah at ngayong papalapit ka na sa akin.” Wika ni Mathias habang hawak ang phone nito. “Oh saan ka galing?” Tanong ko sa kanya “ Bumili ng pagkain para sayo.” Sagot niya sa akin. “Ito sopas kumain ka na habang mainit pa Maliyah.” Wika niya sa akin. “Salamat.” Sabi ko sa kanya. “Dapat sinabi mo bibili ka ng pagkain para nagpabili ako sayo.” Wika ko sa kanya. “Okay na yan almusal lang naman yan.” Wika ni Blake sa akin. “Masarap itong nabili mo sopas.” Wika ko sa kanya. “ May utang ka sa akin ha bayaran mo ako.” Wika niya agad sa akin. “ Akala ko libre mo ako yun pala utang pala ito.” Sambit ko agad sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD