Charie's Point of View Nanatili lamang akong nakaupo sa gazeboo. Pinagmamasdan ang ganda at tahimik na kapaligiran. Pero patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha mula sa aking mga mata. "Matagal na panahon kitang hinintay na makita. Pero bakit pakiramdam ko ay malayo ka pa rin sa akin?" Tama ka nga, Prince. Malayo. Napakalayo na ang loob mo sa akin. "Kahit alam kong sinaktan mo ako noon ay hindi ko magawang magalit sa iyo." Hindi ko sinasadyang saktan ka pero nagawa ko. Mali akong gawin sa iyon. "Mahal na mahal pa rin kita, Charie. At ngayong nagbalik na ang alaala mo ay ako naman ngayon ang parang naninibago. Akala ko ay naka-move on na ako sa ginawa mong panloloko pero hindi pala." Mahal din kita, Prince. Mali akong iwanan ka. At hindi totoong hindi kita minahal. "Hindi ba dapat

