Charie's Point of View Nandito na ako ngayon sa Sky Ranch sa Tagaytay. Ang sabi ni Charlie ay sa KFC daw ang venue. Mukhang nauna yata ako sa pagdating at wala pa naman ang hinihintay kong si Charlie. So, O decided to walk around muna. Pumasok muna ako sa entrance ng Sky Ranch. Siyempre, kailangan bumili ng ticket. Habang nakapila ako ay hindi ko maiwasang mailang dahil pinagtititinginan ako ng mga tao. Akala nila siguro artista ako. Mukha lang akong artista pero hindi e. Napailing na lang ako. Nang makakuha ng ticket ay nagulat ako nang may dalawang dalagang lumapit sa akin at nag-request na magpa-picture. Ngumiti lang ako at pinagbigyan sila. Tuwang-tuwa pa silang napayakap sa akin. Ganito pala ang pakiramdam na sikat ka kahit deep inside ay hindi o ayaw mo. Nang makapasok ay nasam

