Angelo's Point of View It's been a month since the tragedy happens. At nagpapasalamat na lang ako sa Panginoon dahil buhay ang kakambal ko. Yes, you read it right! Magkaiba nga lang kami ng mukha pero kakambal ko siya. Kapatid ko siya. Ang sabi nga ng magulang namin ay pareho kami ng mga mata. Expressive at madali mong malalaman kung masaya o malungkot kaming dalawa. Kung si Aries ay talagang kawangis ko, si J.P naman ay may pagkakahalintulad ko. Gaya na lamang ngayon sa paglalaro. "Kuya, Angelo. Ay mali! Mga kuya ko, matagal pa ba kayo? Malapit na akong masunog dito. Sayang naman ang balat ko kung masusunog pa," si Aries. Isang buwan ko pa lamang siyang nakakasalamuha ay sanay na sanay na ako sa ugali niyang palabiro. Nakaka-good vibes kasi siya. Akalain mong ang seryoso kong tao ay n

