Angelo's Point of View Tapos na akong maligo nang mag-ring ang cellphone ko. Unregistered ang number pero sigurado akong si Aries iyon na kapatid ni J.P. Sinagot ko ito habang naghahanap ng damit na isusuot ko. "Nandito na po kami sa ospital na sinabi mo. Saan po kayo?" "Sino po sila?" "Si Aries po. Iyong tinawagan mo kanina lang po. Kasama ko po magulang ko." "Umuwi muna ako para magpalit. Ang mabuti pa punta na lang kayo sa information desk then itanong niyo sa nurse kung saang room dinala ang bagong pasyente." "Sige po. Salamat." "Walang anuman. Malapit lang naman ako sa ospital. I'll be there in 15 minutes. Pasensya na kung hindi ko kayo nakasalubong diyan. Promise, pupunta po ako diyan. Itanong niyo na lang sa nurse na hinahanap niyo si Dr. Dimla. Siya ang tumingin sa pasyente

