J.P's Point of View Matapos ang confrontation ng aking magulang tungkol sa nawawala kong kakambal ay heto ako ngayon nagmamaneho patungo sa opisina namin. Kailangan ko lamang magreport muna doon tungkol sa progress ng kompanya namin sa Amerika. Matagal mang itinago sa akin o sa amin ni Aries ang katotohanan ay thankful naman ako dahil hindi nila kami pinabayaan. Kaya ganun na lamang ang pagkainis ko sa kanila noon. Iyon pala ay may rason kung bakit. Iyon ay dahil hindi na nila mahanap ang kakambal ko. Sumasagi sa isipan ko ang imahe ni Angelo. Magkita pa kaya kami? Makilala na kaya niya ang tunay niyang pamilya? Paano kung malaman niyang ako pala ang kakambal niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? I mean, ano ang magiging reaksyon ko. Sa sobrang lalim ng isip ko ay hindi ko na n

