Prince Point of View Kanina pa ako iyak nang iyak. Kanina pa ako pinipigilan nina nanay, tatay, at ni Aries na huwag lumabas. Tanong ako nang tanong sa kanila kung nasaan si Angelo. Pero hindi nila ako sinasagot. “Nay, Tay, Aries! Please, nakikiusap akong sabihin ninyo sa akin kung nasaan si Angelo. Dalhin ninyo ako sa kaniya. Please?” nagmamakaawa na ako. Sinubukan kong umalis sa hospital bed pero pinipigilan nila ako. “Anak, wala na rito sa ospital si Angelo. Nauna na siyang sinakay sa helicopter para dalhin sa Malaysia. Doon siya ooperahan para kunin ang mata niya at na-idinonate sa iyo. Sa Singapore ka naman dadalhin para doon operahan,” naiiyak na pagpapaliwanag sa akin ng aking inang si Queen. “Nay, hindi puwede. Bakit hindi ninyo pinigilan si Angelo? Bakit?!” napapasigaw na ak

