Chapter 31: Pananabik Sa Kapatid

1745 Words

ISANG TAON MATAPOS ANG OPERASYON ni Prince sa mata, hindi pa rin nito nakikita ang kapatid na si Angelo. Ang kapatid na isinakripisyo ang mata para sa kaniya. Ang kapatid na isinantabi ang pagmamahal sa pakakasalan noong si Charie. Ang kapatid na sabik na sabik nang makita. “Are you okay, Prince?” tanong sa kaniya ni Charie. Kasalukuyan silang nasa isang rest house ng kaniyang ama, sa Batangas. “Malalim ang iyong iniisip. Huhulaan kong si Angelo iyan. Tama ba?” Ang mga mata ni Prince ay nasa karagatan lang nakatingin. Tila wala sa wisyo itong hindi sinagot. Hindi rin yata alam ni Prince na tinatanong siya ni Charie. Nakaupo na nga si Charie sa tabi niya. Dalawa na sila ngayong nagmamasid sa tahimik na karagatan. Ilang minuto ring katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa bago n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD