ANG PAGBISITA ni Angelo ang hindi inaasahan ni Prince. Ngunit iyon na rin ang matagal nitong hinihintay. Halos isang taon din ang hinintay niya. Kanina lamang ay siya ang naging topiko nila ni Charie at ni Aries. Ngayon ay kayakap na niya ito nang mahigpit. Parang ayaw pa niya itong pakawalan kung hindi lang tumikhim si Aries nang mga sandaling iyon. “Ahem. Kuya Prince, nandito pa kami ni ate Charie. Baka naman,” pagpipigil at pagbibiro nito sa kaniya. Si Charie naman ay lihim na napangiti na lamang. Pero makikitang mangiyak-ngiyak na rin dahil sa tagpong nakikita niya. Kung kanina ay pigil na pigil siya, ngayon ay tila hindi na niya napigilan pa ang pagluha. Ngunit dahil wala siyang ibang hangad at panalangin na makita muli ang dating kasintahan nang magka-amensia siya, hahayaan na lam

