PAGKATAPOS ng pagkikitang ng magkakapatid ay nannatili muna sina Aries at Angelo sa resthouse na nasa Batangas. Gusto nilang pansamantalang magkaroon muna ng oras ang mga ito sa isa't isa. After all, it has been about a year since the eye operation done to Prince's eyes. "Kailan naman ninyo balak magkaroon ng anak, kuya Prince?" naisingit pa iyon ni Aries habang kumakain sila nang umagang iyon. "Oo nga naman, kuya Prince, ate Charie. Para naman may rason pa kayong maging masaya," segunda naman ni Angelo. Inayos pa ni Aries ang ulo nito upang siguruhing nakatingin ito sa kaniya habang naghihintay ng sagot mula sa dalawang nakaupo sa harapan lang nila. Nagkatinginan pa ang dalawa at lihim na napangiti sa dalawa. Sumubod muna ang mga ito na kanilang kinakain. Nasa harapan sila ng mesa kun

