ISANG TAON PAGKATAPOS ng proposal ni Aries kay Maritoni ay sumugod ang mga ito sa Boracay. Sa station 3, sa Isla Paraiso Resort, na mala-Griyego ang ang set up, doon nag-stay ang dalawa. Halos hindi pa makapaniwala si Aries na sinagot siya ni Maritoni. "Ano naman ang iniisip mo ngayon, Aries?" tanong sa kaniya ni Maritoni. Nasa balkonahe ito ng room na inupahan nilang dalawa. "Ano ba 'yan? Wala man lamang sweet tawagan sa ating dalawa?" buwelta ni Aries na ang tinutukoy ay ang sweetness na tawagan. "Sinasabi mo, Aries? Wala ka namang ganoon sa katawan. Hindi ba?" pasaring naman agad ni Maritoni. Sinusubukan na naman ang pasensiya ng kaniyang pinakamamahal at one and only na si Aries Saavedra. "Ganoon ba? Bakit wala akong maalala noong makita ka? Boom Panis!?" pagbibiro nito agad sa ka

