MAULAP ang panahon. Maaliwalas ang paligid. Maraming bumibisita sa Q&A Resort. Aligaga si Duke at ang ibang mga staff sa pag-aasikaso sa mga bisita at mga turista sa resort na siya ang nagma-manage. Wala itong kaalam-alam na habang nasa bakasyon sa Boracay si Aries ay may isang balita palang naghihintay sa kaniya. Isang balitang magpapasakit sa kaniyang puso. At iyon ang pagbubuntis ni Maritoni. "Sir Duke, jam packed po tayo ngayong araw. Fully booked na rin ang mga online reservations natin," masayang bati sa kaniya ng isa sa mga staff. "Kaya nga e. Siguraduhin nating naaasikaso sila sa kani-kanilang mga reservations lalong-lalo na ang paparating pa lamang na mga guests natin. Okay?" masiglang sagot naman ni Duke nang tanghaling iyon. Sa pag-usad ng resort kung saan ay si Aries ang so

