SOMEWHERE in the small island of Palawan ay may isang lalaking lumagpas na rin sa kalendaryo ang edad. Sa maliit na pamayanang iyon na ang pangalan ay Matago, doon nanirahan ang isang lalaking inakala nila ay patay na. "Magandang umaga po, senyorito Kenith. May bisita po kayo," binati siya ng isang matanda at nang lingunin niya ito ay lumuwang ang mga ngiti sa kaniyang labi. Nasa likuran kasi nito ang lagpas kuwarenta na ang edad na ama at ina galing Maynila. Maluha-luha pa ang ina nitong nagtatakbo patungo sa kaniya habang nakasunod naman ang amang nakalimutan pa yatang tanggalin ang stethoscope nitong nakalambitin sa leeg. Napaghalataan tuloy na galing sa ospital. "Kenith, anak. Miss na miss ka na namin," bati sa kaniya ng kaniyang inang kanina pa ay hindi mapigil sa pagluha. "H

