"Nagkita rin tayo, Charie. Ikaw ang pumatay sa kapatid ko, hindi ba? Kaya, ihanda mo ang iyong sarili sa gagawin kong pagpatay sa iyong pinakamamahal na si Prince! Ipaghihiganti ko ang aking kapatid!" "Hindi!" Hingal na hingal na nagsisigaw na naman si Charie. Sunod-sunod ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata nang mga sandaling iyon. Nagtatakbo naman mula sa kusina papasok sa kuwarto si Prince nang marinig ang sigaw ng kaniyang asawa. "Charie?" "Prince!" Mabilis na niyakap ni Charie ang asawa at humagulgol ito. Mabuti na lamang at tulog pa ang katabi nitong anak na si Quennie dahil sa iyak nito. "Binangungot ka na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Prince sa asawa habang mahigpit pa ring nakayakapa sa kaniya. Tumango lang at tuloy pa rin sa pag-iyak si Charie. Hindi iyon an

