Marioni's Point of View Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Matagal kong inasam ang pagkakataong makasama siya. At sa huli ay nagtagumpay ako. Ngayon ay hawak ko ang kaniyang mga kamay habang naglalakad kami at gumagala sa station ng Boracay. "Are you okay, Toni?" tanong niya. We were strangers back there. He was a stranger to me. "No, okay lang ako, Honey?" nagbibiro kong sagot sa kaniya. Napahigpit pa ang kapit ng kamay ko sa mga bisig niya. Napangiwi na naman ito nang mag-puppy eyes ako. "Darling, aso ka ba?" niluwagan ko agad ang pagkakayakap ko sa kaniya nang marinig ang tanong niyang iyon. Minsan lang magbiro at sumakay sa mga biro ko si Aries, kaya naman hindi ko iyon palalagpasin. "Honey, bakit?" excited kong turan. "Tumahol ka nga," muling utos niya sa akin. Ako n

