bc

Buwan

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
mystery
dystopian
like
intro-logo
Blurb

"magpapakamatay na lang ba ako or papatayin ko na lang yung taong nanakit sakin?"

ang kadalasang naiisip ni Kristal kapag nagiisa na lang sya sa kanyang silid.

napakaraming masamang tao sa mundong ito, kahit sarili ko nabibilang sa masasamang tao na yun, hinasa ng malagim na nakaraan, paano nagagawang ngitian ako ng mgataong nanakit sa akin na akala mo walang ginawa sakin, nakakasuka.

chap-preview
Free preview
Parang hinde Prank
Isang hating gabi sa lugar ng Pasig habang tahimik ang buong lugar, iilang tambay ng mga kabataan ang makikita mong nag kukwentuhan sa tapat ng isang tindahan, nakatingin sila sa cellphone ng isa sa kasama nila napatahimik ang lahat matapos nilang panoorin ang live video vlog ng isa nilang paboritong Vlogger na si Kristal,. si Kristal ay isang famous na vlogger ang laman ng kanyang mga content ay patungkol sa mga pagkain, pagsayaw at pagpapakita nito ng kanyang katawan, marami ang nang huhusga sa kanya marami rin ang natutuwa sa kanya. nabitawan ng isa sa kanila ang cellphone dahil sa bandang huli ng video ay maririnig ang isang malakas na pagbasag sa salamin saknyang likuran at ng tumalikod ito upang tignan ang salamin mayroon nanamang isang malakas na tunog mula sa baril ang narinig nila pagkalipas ng isang segundo ay naging duguan si Kristal, napatingin ito sa bandang pintuan ng kanyang silid nakatulala lang ito malaki ang kanyang mga mata hinde alam ang gagawin halata sa kanyang mga mata na kilala nya ang bumaril sa kanya kinuha nya ang cellphone pinatay ang video, at nag iwan ng isang malaking katanungan sa kanyang mga manonood kung ano ang nangyare sa kanya. Kung isa ba tong malaking joke or live nilang nasaksihan ang pagpatay sa kanilang idolo. 6 buwan bago ang naganap na pagbaril Nakaharap si Kristal sa kanyang telepono nakatapat sa kanya ang isang malaking ringlight, binuksan nito ang kanyang vivotube at nag umpisa ng sumayaw sayaw magpatawa at pagkatapos ay . Kristal: "Hi ako nga pala si Kristal, 23-Anyos dalaga at walang planong magkaanak haha, gusto ko lang maging freshness hanggang pagtanda ko, ang dami ng bata sa mundo mag dadagdag pa ba ako ? magalit na kayong lahat ng Maritess dyan mga kutis ampalaya pero amoy kamias mapapapikit ka sa asim, pwede nyo ng itigil panonood nyo sakin, pwede rin namang makinig pa kayo sa mga susunod kong sasabihin para naman mas dumami yung views ko hahah, pero syempre kailangan ko din mag hello sa mga Diamond ko :) sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal sakin, syempre magpapahuli ba yang mga m******s dyan na mula una pa lang pinapanood ako. maraming salamat bukas ulit" pinatay na nito ang kanyang telepono at humiga na sa kanyang kama, magpapahinga na sana sya ng biglang nag text ang kanyang Mama Jaya sa kanya. Kristal: bakit po? Mama Jaya: kausapin mo kapatid mo, nababarkada sya at hinde pumapasok sa kanyang eskwela, Kristal: Okay sige. Mama Jay: meron akong sakit di ako makahinga Kristal: bakit? Inom ka ng gamot. Mama Jay: wala akong pera. Kristal: kakapadala ko lang ng pera sayo huh, Mama Jay: tanga ka ba ? di ka ba nanonood ng balita? di mo ba alam na mahal na ang gastusin ngayon? Kristal: hinde naman kasi kagad dumadating sahod ko, wala pa akong pera na pwede kong ipadala nagiipon pako pambayad para sa matrikula na erick, Mama Jay: wag ka ng maraming sinasabi, si Andrea kailangan nya ng damit para sa party nya sa school, Si Rome kailangan din ng bagong cellphone nabagsak yung dati nyang cellphone, mahal magpagawa at kesa naman magpagawa bumili na lang daw bago tutal naman konti na lang diperensya mas maganda yung mga bago ngayon kahit hinde mahal mas maganda ang quality. Kristal: ang kulit mo kakapadala ko lang, at saka wag mo kong gawing tanga alam ko na bumalik ka nanaman sa dati mong bisyo, pwede wag mong idamay mga kapatid ko, kapag di ka nagtino irereport kita sa dswd para kunin sayo mga kapatid ko, wag mo kong gawing tanga, maghintay ka ng para sayo, nagpadala nako ng grocery para dyan sa bahay, at nagbayad nako ng bills di mo kailangan ng cash, kung gusto mong magbisyo pagtrabahuhan mo yan. Bumuntong hininga si Kristal at binagsak ang telepono sa unan , pero kinuha nya pa rin to, tinignan ang isang online shop tinignan nya yung magagandang damit na gusto nyang bilhen online, tinignan nya ito , sabay pindot sa "cancel order", napangiti to sa sarili nya sabay sabi na, " sa sususnod ko na lang kayo bibilhen". sabay tinawagan ang kapatid nyang si Erick. Erick: Ate? Kristal: bakit di ka daw nag aaral sabi ni Mama? Erick: hinde ate huh, Kristal: Erick di ako nagpapakahirap magtrabaho dito para mapag-aral ka para lang ipang bulakbol mo lang, kung balak mo lang magbulakbol wag mo naman sayangin pera ko huh, Erick: akala mo naman ate talagang nahihirapan ka, eh ngumiti at sumayaw ka lang naman sa mga videos mo madami na kagad pera mo, ano kaya gawin ko na lang din yun? Kristal:bakit gwapo ka ba?, malas mo magkaiba tayo ng tatay, yung tatay ko amerikanong may matangos na ilong kaya nakuha ko yun , yung tatay mo at yung nanay mo niloko yung tatay ko kaya sama ng loob lumabas ng pinanganak ka. Erik: hoy ate forda knives ang peg mo? sobrang sakit mo naman magsalita ate. Kristal: haha, kaya mag aral ka dyan galingan mo sa kurso mo , para gumawa ka ng maraming website or ponze website para mang scam na lang tayo ng tao, nakakatamad ngumiti kahit badtrip ka sa mundo. Erik; hayaan mo ate kapag ok na ang lahat titigil ka na din dyan sa trabaho mo na yan,. sige na magpaka beauty rest ka na dyan. Binaba na ni Kristal ang telepono sa sobrang pagod nakaiglip ito sa kanyang panaginip patuloy syang tumatakbo sa isang madilim na lugar, hingal na hingal to, nasa isang maze sya puro bintana ang pader pero sa labas ng bintana madilim na lugar lang ay liwang sa taas, bigla syang napunta sa taas pero madilim pa rin ang lahat, hinahabol nya yung isang lalake na hinahabol din sya pero hinde sila magtagpo, paghakbang nya sa isang poste napunta sya sa dati nilang bahay, nakahiga lang sya isang lalake an gpilit syang hinahalikan, tumakbo sya at pagkatapos ay nahablot nito ang kanyang kamay, pinilit syang ihiga nito sa isang sahig, pilit syang hinahalikan nito naramdaman nito na ang dila ng lalake na pilit pumapasok sa kanyang bibig , pagtingin nya ang itsura ng lalake ay naging isang malaking itim na mabalahibo naging isa tong halimaw, ng muntik na sya nitong mahubaran,nagising to na hingal na hingal at umiyak ng tuluyan, takot na takot at diring diri sa sarili nya. naalala nya ang isang pangyayare sa kabataan nya na hinde nya alam kung nangyare nga ba talaga or isang panaginip na lamang na paulit ulit napapanaginipan kaya tumatak na sa utak nya, Nung bata sya ay iniwan sya ng kanyang Ina at mga kapatid sa kaibigan nilang lalake na ka jamming nila sa pag gamit ng masamang gamot, naaalala nyang kinausap sya nito at pinakita nito kung paano nito kinain ang isang ipis at binuhat sya nito sa pader at niyakap yakap sya,. isang malupit na gabi ay ng pinabayaan sya ng kanyang nanay umalis ito kasama ang bago nyang asawa ang kapatid na lalake ng bagong kinakasama ng nanay nya ang pumasok sa kanyang silid habang natutulog sya at ginawan sya ng hinde maganda sa kanyang pagtulog, dahil ss sobrang takot natulog na lang sya at inisip na isa lalmgn iyong masamng panaginip.napamura si Kristal sa kanyang naalala. Kristal : Putang Ina!!! sarap pumatay putang ina. Nanginig ang kanyang katawan. poot at galit ang kanyang naramdaman isang pandidiri sa kanyang katawan, at galit sa kanyang Ina ang nangibabaw sa kanya ng mga oras na yon.,bumangon sya sa kanyang higaan at pumunta sa kabilang kwarto, niyakap nya ang isang batang natutulog don, niyakap ng mahimbing, at sinabi nitong mahal na mahal nya to, nagising ang bata na si Diamond 4 na taong gulang,nagulat rin ang nagbabantay kay Diamond na si Anasthasia na isa nyang matalik na kaibigan. Kristal: tulog ka lang ulit baby, gusto ka lang igigil ng mommy sobrang cute mo kasi, kaya tinatawag ako ng power mo para igigil ka. sabay halik sa pisnge nito. Diamond:Okay po mommy goodnight. Anasthasia: bakit? Kristal: wala, pagod lang to, Anasthasia: Okay sige pahinga ka na. Kristal: sige, dito na lang din ako sa tabi nyo matutulog. Kinabukasan Diamond: Good morning mommy, Kristal: Good morning baby, pero sleepy pa si mommy huh, tulog muna ako. Diamond: okay po mommy,

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
29.1K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
38.7K
bc

Ang Pait Nang Kahapon

read
10.3K
bc

The Nympho Meets The Casanova ( Dela Cuadra Series 1 )

read
14.8K
bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
41.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
77.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook