Nakarating sina Jules, Hannah, Father Deng at Mayor Arteza sa Manila 2 hours before ng 4:10 PM flight nila to Cebu. Nang bumaba ng Pajero sa airport si Mayor ay dala nito ang malaking hiking bag, naka-hiking shoes, Oakley shades at sa ulo ay suot ang fedora. "Naks, Mayor," pansin ni Hannah at ibinaba nang bahagya ang suot na Ray-ban. "Parang Indiana Jones lang ah. "Actually, authentic na prop ito galing sa Raiders of the Lost Ark," pagyayabang ng alkalde sa kanila. "Sinuot mismo ito ni Harrison Ford." "Ikaw na, Mayor!" natutuwang sabi ni Hannah. Nagpaalam si Manong Driver at binilinan ng alkalde na huwag kalilimutan ang mga pinabibili ni Karen sa supermarket. Antayin na lamang din daw ang instruction kung kailan sila muli susunduin sa airport. Medyo umaraw na kaya't mga naka-shades si

