"Jules! Ano na nangyayari?" Hawak ni Jules ang kanyang cellphone at may frustration sa kanyang mukha. "Nagriring lang! Walang sumasagot!" aniya. Nasa may labas sila ng yate ni Tulsa sa may wooden platform at hindi sila mapakali. Nang ibalita ni Hannah na nasa matinding panganib si Bishop Israel dahil ito ang sinabi sa kanya ng multo ni Sister Juanita, ay agad nilang tinawagan ang obispo, nguni't hindi nila ito ma-contact. "Someone es gooing to kill de bishop?" panic na rin si Father Deng. "Yes, father," sabi ni Hannah. "Jesus almighte!" "Try his butler!" suggest ni Mayor Arteza. "What's his name again?" "Arturo," sabi ni Jules. "Pero, wala akong number niya." Sinubukan uli ni Jules ang number ni Bishop Israel. Bumalik si Tulsa galing ng kanyang yate para kumuha ng bote ng mineral

