"Re-forge the cross?" "Sorry, Jules, na-carried away lang ako," sabi ni Mayor Arteza. After ipakita sa kanila ang holy artifact na crucifix na pagmamay-ari di-umano ng 16th century Spanish missionary na si Father Luis Diego San Vitores, ay niyaya sina Jules, Hannah at Father Deng ng mag-asawang Arteza na maghapunan. Ang handa ay iba't-ibang seafood dishes: Inihaw na tuna belly, sinigang na hipon, rellenong bangus, ginataang alimasag at calamares. Sarap na sarap sila sa pagkain. Hindi magkandamayaw si Father Deng sa mga ulam. Minsan lang daw siyang makakain ng seafood pagka't napakadalang nito sa Rwanda. "We don't hab mene fish in Rwanda," ani ng pari. "What we hab are Matoke, which es green bananas, and mene potatoes." "Why? What happened to the fishes?" tanong ni Karen. "In 2007, Rw

