chapter 4

1749 Words
Napatuwid ako sa pagkakatayo nang marinig ang walang emosyong palatak ni Coco na para bang may nasabi akong mali na hindi nito nagustuhan. First day ko sa trabaho mukhang mapagsasabihan pa ako! Unang beses ko rin kayang magtrabaho, 'tsaka may sarili akong bodyguard dati, ngayon ko lang na-try na ako naman iyong magiging bodyguard! Dami namang trabaho pero ito talaga ang binigay sa'kin ni Lolo Felan. Number one reklamador ako kaya una pa lang ay panay na reklamo ko pero paliwanag ni Lolo Felan ay sa trabahong ito raw ako pinaka-safe dahil walang mag-iisip na magiging bodyguard ang katulad kong may Princess sa pangalan at heredera ng hindi lang legal kundi pati ilegal na mga negosyo ng mag-asawang Eralta. Pinag-training pa talaga ako ng basic self-defense at paggamit ng baril para sa trabahong ito. Hindi pang-action star ang beauty ko pero sa huli ay nakeri ko with matching luha at sipon pa dahil kasali sa training iyong pagapangin ako sa putikan. Dapat una pa lang ay sinabi na ni Lolo Felan na ganito kagwapo ang mga apo niyang babantayan ko, sana inspired ko habang nagt-training at pinapaulan ng bala. "Wala pa akong nasabi sa'yo," walang emosyong sabi sa'kin ni Coco. "Wala pa ba?" maang kong bulalas. Nang mapansing nagsalubong ang mga kilay ni Coco ay patikhim kong dinugtungan ang kagagahang pinagsasabi, "Na-orient na po ako ni Lo—Sir Felan," saad ko. Muling nagkatinginan ang magkakapatid. Lihim kong pinagkrus ang dalawang daliri ko at hiniling na sana ay huwag silang magduda. "Anong sabi sa'yo ni Lolo?" istriktong tanong ni Coco. Mukhang iniisip niyang nagsisunungaling ako, pero tama naman siya. "Wala," napakurap-kurap kong sagot. "Anong wala?" Bahagyang tumaas ang tono ni Coco at napahakbang pa ito palapit sa'kin. "Hey, relax..." mahinahong kausap ni Mhilo sa kakambal at pasimple pa itong hinarangan upang hindi makalapit sa'kin. Marahas na napasuklay ng buhok si Coco habang nanatili ang matalim na tingin sa direksiyon ko. Pero kakatwang hindi naman ako nakaramdam ng takot sa kanya. May mali yata sa'kin dahil nakikita ko na ngang naiinis na itong si Coco pero slightly pa rin akong kinikilig sa masungit niyang tingin. "Maayos iyong pakikipag-usap ko, Mhilo," may gigil na sabi ni Coco sa kapatid. Bahagya pa nito hininaan ang boses pero medyo naririnig ko pa rin. "Alam mo naman na ang pinakaayaw ko ay iyong tatanga-tanga," dugtong pa nito. Habang pinagmamasdan ang tila nagpipigil nitong disposisyon ay napaisip ako kung sino kaya ang tinutukoy nitong tatanga-tanga. Ginagalit ng taong iyon itong si Coco kaya ngayon ay parang gusto nang manapak. Mabuti na lang at magaling magpakalma itong si Mhilo. Sa dalawa ay mukhang si Mhilo iyong may mahabang pasensya, ito kasing si Coco ay parang may anger issue, ang bilis ma-trigger. Pinapanood ko ang marahang paghila ni Mhilo kay Coco palayo sa'kin habang may binubulong dito. Pinag-uusapan siguro nila iyong 'tatanga-tangang' kinainisan ni Mhilo. Dapat lang dahil muntikan na akong nadamay gayong sinasagot ko lang naman iyong tanong sa'kin. Habang nag-uusap ang dalawa ay walang magawang sinuyod ko ng tingin ang paligid. Hula ko ay opisina ito ni Mhilo dahil naroon ang pangalan niya sa desk nameplate ng CEO na nasa mesa. Minimal lang ang design, at may sitting area sa isang bahagi. Maaliwalas ang buong lugar at welcoming ang atmosphere. Pero pansin ko kanina no'ng papunta pa lang ako rito walang babaeng empleyado. Mula sa reception area hanggang dito sa top floor ay wala akong nakitang babae. "Mico..." Nabalik ang atensiyon ko kay Mhilo nang tawagin nito ang pangalan ko. Kahit pangalang lalaki iyon, bakit sa pandinig ko ay parang may lambing ang pagkakabigkas niya? "Ano pala ang bilin sa'yo ni Lolo tungkol sa magiging trabaho mo sa'min?" malumanay niyang tanong sa'kin. Grabe, ang sarap talaga pakinggan ng boses niya—'yung tipong kahit manenermon na ay parang lullaby pa rin sa tainga. Bigla tuloy parang kiniliti ang puson—este, puso ko. Puso, tama, puso! "Magiging very personal bodyguard ni'yo po ako," sagot ko nang walang kakurap-kurap. Pinagdiinan ko pa talaga 'yung 'very' para ma- emphasize na ibang level ako kumpara sa mga typical nilang bodyguard. Hindi ako 'yung tipong nasa labas lang ng pintuan, naka-shades at nakatayo buong araw. Ako iyong kasama nila kahit sa pagligo kung kailangan. "I'm not allowed to leave your side, so I have to live in the same house with you," dagdag ko pa habang inaayos ang pagkakatayo ko habang may kasamang mini press con ang delivery. In-english ko rin para kunwari ay pormal. "I’m supposed to accompany you in all your events, parties, and business meetings." Tahimik si Mhilo habang matamang nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Parang nagta-type ng mental notes sa utak niya habang nakatitig sa'kin. Hindi ko alam kung interesado siya o iniisip niya kung paano ako palalayasin nang hindi siya makakasuhan. Sinulyapan ko ang direksiyon ni Coco, curious ako kung may reaksyon siya sa lahat ng mga sinasabi ko. Pero ayun siya, nakaharap sa labas ng bintana na tila abala sa pakikipagtitigan sa mga ulap. Alangan namang may iba siyang natatanaw roon gayong nandito kami sa top floor at itong building nila ang pinakamataas sa bahaging ito ng siyudad. "You sure talk a lot for a bodyguard," biglang sabi ni Coco nang hindi man lang lumilingon. Kung iyong boses ni Coco ay pang-romance, itong kay Coco ay pang-bedroom ang atake. Kahit nagsusungit ay parang mapapa- yamete kudasai ka na lang bigla habang nakakagat-labi. Gano'n man, at least alam kong nakikinig pa rin siya kahit hindi nakaharap sa'kin. "You sure you’re not applying to be a personal assistant instead?" singit ni Mhilo habang nakatingin sa’kin, kunot noo, pero may bahid ng amusement sa dulo ng labi niya. Hindi pa man ako makasagot sa tanong ni Mhilo ay nagpakawala ng tunog nang pagtutol si Coco. Hay, kung alam lang nilang ang hirap magpanggap na lalaki habang pinipigilang kiligin sa presensya nilang dalawa. Pwede ba akong mag-resign sa planong ito na identity switch ni Lolo Felan? Hindi yata ako nito mahihirapan sa pagbabantay sa mga apo niya kundi ay sa pagbabantay sa sarili kong huwag maging marupok. "What if Coco and I have to go to different places?" tanong ni Mhilo. Mukhang hindi siya seryoso roon sa naunang tanong kanina kaya sinundan ng panibago o baka ayaw lang niyang maghurumintado nang tuluyan itong kakambal niya. "Who gets to have your protection then?" dugtong pa niya. Hindi naman ito interrogation pero nap-pressure ako bigla! Parang pinapapili ako kung sino sa kanilang dalawa ang mas masarap! Nahagip ng tingin ko ang pagpihit paharap ni Coco sa direksiyon ko. Lihim akong napalunok nang madepina ang matipuno nitong mga braso nang mag-cross arms ito at direktang tumingin sa'kin. "Yeah, that can happen a lot. We don’t always move as a pair," seryosong dagdag nito sa pahayag ni Mhilo habang unknowingly ay tinutunaw ako gamit ang matiim nitong mga titig. "Sometimes I fly out, while Mhilo usually handles local meetings." Pasimple kong pinilig ang sariling ulo, mentally, upang umayos ang katinuan ko. Dapat akong magseryoso dahil mukhang inaalam nila ang kakayahan kong gampanan ang trabahong ito. And take note— hindi ito normal na trabaho dahil direct hire ako ng lolo nila at ang main goal namin ay ang makapagtago ako. Ang alam ko sa regular company katulad no'ng sa mga magulang ko ay may HR at welcome kit. Dito ay dalawang Greek god ang pa- buenamano, iyon nga lang pwedeng pagpantasyahan pero bawal hawakan at baka mapagkamalan pa akong manyakol na bakla! Kailangang magmukha akong kalmado kapag sumasagot, kaya pasikreto akong huminga nang malalim at hindi pinahalatang parang gusto kong lumuhod bigla... upang magdasal na layuan ako ng tukso at hindi ano pa mang luhuran! "Whoever’s in more danger will be my priority," sagot ko, kunwari confident. "Or whoever has the more exposed schedule—that's where I’ll be assigned." Lihim kong binati ang sarili ko sa loob-loob ko— 'good job, self!' Ang tunog ko ay very professional! Walang halong bias at walang bakas ng kilig o pagpili. Hindi halata na mas gusto kong makasama si Mhilo dahil sa effortless niyang finesse. Iyong tipong kahit simpleng tumayo lang siya, parang may background music na jazz at slow motion ang paligid. Pero syempre, hindi rin pwedeng balewalain si Coco. May hatak din 'yung silent but deadly niyang awra na parang laging ready manapak kung may sumingit sa pila. At ewan ko ba kung bakit may parte sa’kin na gustong-gusto itong piliin para lang maranasan kung totoo ba 'yung tinatawag nilang 'cariño brutal'. Kung ano man iyon ay hayaan na lang nating ang malandi kong alter ego ang may alam. Ang mahalaga ay professional akong tingnan at pakinggan sa labas, at hindi halatang sa loob ay parang pumipili ako ng flavor! Isa pang importante ay ako lang ang nakakaalam, hindi ako nadulas at walang clue sa mga tumatakbong kabulastugan sa utak ko. "So, from now on... you'll be accompanying Coco," nakangiting sabi sa'kin ni Mhilo. Iyong ngiting, bago mo maintindihan ang kanyang sinasabi ay mapapa-oo ka na lang. "What?" gulat na bulalas ni Coco habang maang na nakatingin sa kakambal. Medyo nagulat din ako sa reaksiyon nito kaya napatitig ako sa hindi maipinta nitong mukha. "Why me?" tanong pa nito—kay Mhilo pa rin, ha, hindi sa’kin. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang last-minute burden na iniabot sa kanya. Kitang-kita ang matinding pagtutol sa ekspresyon niya. Kunot noo, at salubong ang mga kilay na parang may ini-imagine siyang worst-case scenario na ako ang dahilan. "You're always the one out and about between the two of us," paliwanag ni Mhilo, steady at parang naka-rehearse na. "You need Mico more than I do." Okay, may sense naman talaga dahil kung logistics ang pag-uusapan ay si Coco nga ang mas exposed sa public. Pero bago pa ako makangiti at tanggapin ang bagong assignment ko… "No!" biglang sigaw ni Coco. Marahas at walang preno. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na may kasamang yelo at asin. Lihim akong napapiksi. Okay, ouch! Iyong boses niya kasi parang sinabi na, 'No! I don’t want that stray cat in my car!' Hindi ko alam kung maa-offend ako, matatawa, o magpapanggap na hindi ako nasaktan sa intensity ng pagtutol niya. Ang sure lang ako, kung may paso ang rejection, aba, sunog na pati confidence ko—naglakad nang paatras habang lumuluha. Lihim kong naikuyom ang mga kama habang pinapakalma ang sarili. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili na professional ako at hindi emotionally fragile... ngayong linggo. Ako si Mico, lalaki... brusko at tigasin kahit wala namang tumitigas sa'kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD