chapter 3

1566 Words
Pakiramdam ko ay bigla na lang akong natutunaw sa kinatatayuan ko nang sumalubong sa'kin ang dalawa pares ng asul na mga mata ng kambal na sina Mhilo at Coco Carson. Grabe, mahal sila ni Lord, ginalingan iyong paghulma kaya lumabas na perfect! Alam kong magandang lahi iyong mga Carson, pero iba talaga ang dating ng dalawa kong kaharap. Sa totoo lang ay marami akong mga pangarap simula no'ng bata pa lang ako, pero lahat iyon ay mukhang mapapalitan na. Nasa harapan ko na iyong mga pumalit... dalawa. No'ng unang pinakilala sa'kin ni Lolo Felan si Coco Carso ay muntik ko nang nakalimutang nagpapanggap pala akong lalaki. Muntik nang malaglag ang matris ko dahil sa kagwapuhan nito, kaya ngayong dalawa na sila ay gusto ko na lang maglupasay sa sahig. Bakit naman kasi huli na no'ng na-inform ako ni Sir Felan na ganito pala kalakas ang appeal ng tinutukoy niyang mga apo na magiging temporary boss ko. Imagine, magiging personal bodyguard ako nitong dalawang gwapo! Literal na babantayan ko iyong mga yummy body nila! Lihim akong napalunok nang pasimpleng naglakbay ang mga mata ko sa katawan ng dalawa kong kaharap. Kasunod niyon ay agad ko ring pinaalala sa sarili ko na lalaki ako! Kahit na may pempem ako at coco melon ay lalaki ako ngayon kaya dapat ay umasta akong lalaki. Hindi ganitong nakakita lang ako ng gwapo ay parang tutulo na laway ako at mag-heart-heart na iyong mga mata ko. Sa titig pa lang ni Coco Carson ay kinikilig na ang pempem ko! Ngayong dalawa na sila ni Mhilo Carson ay dumoble ang sensasyon, at gusto ko nang ipagsigawan na babae ako! Grabeng pagsubok naman itong pinaglagakan sa'kin ni Lolo Felan! Nilalayo nga niya ako sa kapahamakan pero nilalapit naman ako sa tukso! Dalawang tukso na ang pagkakaalam ay isa akong lalaki at hindi kami talo! Pero sa pormahan at ayos ko ngayon ay baka mapagkamalan akong bakla! "Mico, this is my brother, Mhilo Carson," pukaw ni Coco sa naglalandi kong isip. Muntikan ko pang nakalimutan na Mico pala ang pangalan ko. Hindi pa ako sanay na tinatawag nang gano'n. Ang layo naman kasi ng Princess Jamaicah Joy Eralta sa Mico Altare. Napipilitan man ay wala akong choice kundi ay makiayon sa plano ni Felan Carson na magpanggap akong lalaki habang magtatrabaho sa mga apo niya. Kailangan ko munang magtago sa bagong katauhan kong ito upang matakasan ang mga taong gusto akong patayin matapos pumanaw ang mga magulang ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kambal ang totoo dahil kabilin-bilinan ni Lolo Felan na kailangang walang makakaalam hangga't hindi pa namin alam kung sino ba talaga ang kalaban. Hindi pa nga ako totally naka-recover sa malaking rebelasyon na bahagi ng underground society ang mga magulang ko at nagpapatakbo ng isang malaking sindikato ay bigla may mga gustong tsumugi sa'kin dahil ako raw ang magmamana ng sindikato. Sa ganda kong ito ay iyon talaga ang mamanahin ko? Hindi ako pang-undeground world, pang-spot light ang beauty ko! Sayang iyong Princess sa pangalan ko kung magiging gangster lang ako! Teka, gangster ba tawag doon? Ay, basta, iyon na yun! Mayaman naman ang pamilya ko, pero mukhang wala sa kalingkingan ng mga illegal nilang negosyo ang kabuuang net worth ng mga legal nilang assets. Kaya kahit na ideklara kong wala akong interes sa mga illegal nilang gawain lalo na sa sindikato ay ayaw pa rin makampante ng mga kalaban nila at gusto talaga akong iligpit. Ang mas malaking problema ay kung sino ang taong gustong mag-takeover sa mga illegal na negosyo ng magulang ko at katulad ng mga kalaban ay gusto rin akong ipaligpit upang mag- disappear sa landas nila! Anong akala nila sa'kin, kalat? Hindi pa nga ako tapos sa pagkakalat kasama ang mga bakla kong friends ay naputol na ang pagliwaliw ko dahil kailangan kong unahin ang kaligtasan ng sarili kong buhay. Mabuti na lang talaga at kahit pala sa mundo ng mga sindikato ay makakatagpo ka ng tunay na kaibigan... at iyon ang natagpuan ng mga magulang ko sa katauhan ni Felan Carson. Kilala sa bansang Austramica ang mga Carson, mas malakas pa nga ang impluwensya nila kaysa mismong namumuno ng bansa. Balita ko ay ilan sa kanila ang royalty sa karatig bansa ng Austramica. At hindi ako makapaniwalang kaibigan nina Mommy at Daddy si Felan Carson... I mean, alam kong magkakilala sila dahil Lolo pa nga ang tawag ko sa huli kahit mukha itong godfather kaysa grandfather pero hindi ko alam na sobrang-dikit pala nila at ito ang ginawa nilang legal guardian ko. Ako lang yata ang twenty-one-year-old na may legal guardian pa. Eh 'di ako na ang bata pa rin sa mata ng batas. Pero sige, fine, kung ang pagkakaroon ng guardian ang paraan para manatili akong ligtas mula panganib na hatid ng mundong kinabibilangan ng namayapa kong mga magulang, edi go! Pero ang mas nakakagulat ay iyong mismong guardian ko—oo, si Felan Carson—eh konektado pala sa mga ilegal na gawain ng mga kilalang personalidad na mas pinipiling kumain ng bala kaysa ng breakfast sa umaga. At hindi lang basta 'konektado' dahil isa pala siya sa mga pangalang hindi basta binabanggit sa mga kwentuhang kanto—kasi 'pag nadinig ng maling tao, baka ikaw ang susunod na 'nawala nang walang paalam' dito sa mundo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na siya ang guardian ko o mangangamba ako na baka isang araw, isama niya ako sa mga meeting na may code name pa ang bawat isa at bawal ang cellphone. Pero sa totoo lang, effective siya. Parang instant shield ang presence ni Lolo Felan. May konting perks din naman pala ang pagiging 'ward' ng gurang na katulad ko— lalo na kung ang guardian mo eh parang walking government exemption. Matagal nang alam ng buong mundo na maimpluwenaya talaga ang mga Carson lalo na si Felan Carson. Usap-usapan na ‘yan kahit saan, sa negosyo man o sa politika. Kaya understandable naman na umaabot na sa mga lugar na hindi naaabot ng galamay ng batas ang pangalan ni Felan Carson. Kung gaano kagiliw ang mga ngiti nito, ay sa likod pala niyon nakakubli ang isang mapanganib na tao. Salamat na lang at kakampi ko ito— very good ang mga magulang ko sa part na ito ang itinalaga nilang legal guardian ko! Mabait kasi ito sa'kin at ramdam kong totoo ang malasakit nito at maging ng sariling pamilya para sa'kin... at ang gwapo ng mga apo nito! Hindi ko alam kung alin ang dapat unahin kong ipagpapasalamat kay Lolo Felan, iyong buhay pa ako hanggang ngayon o iyong nandito ako ngayon sa posisyon kung saan ay pwede kung pagnasahan ang mga apo niya. Hindi naman ito ang unang beses na may nakasalamuha akong mga Carson, iyong iba nga ay mga kaedaran ko pa... pero bakit dito sa dalawa nag-react si Mareng Pinky at biglang kumati? Sabi ni Felan ay twenty-nine years na raw itong mga apo niya, single at successful. No'ng una ay balewala lang sa'kin ang impormasyong iyon, pero no'ng una kung makita si Coco ay biglang naging importante na agad sa'kin ang relationship status nito! Mas maganda kasing pantasyahan iyong walang sabit, dahil baka sakaling madala ng manifesting! "Are you okay?" "Huh?" bahagyang pumiyok ang boses ko. Nabigla kasi ako nang magsalita ulit si Mhilo. Naputol ang paglulumikot ng imagination ko. Napansin ko ang makahulugang palitan nila ng tingin kaya mabilis kong inayos ang pagkakatayo at tumikhim. "It's nice meeting you, Sir!" alerto kong pahayag. Kulang na lang at sumaludo ako. Iyong boses ko ay pinilit ko pang lakihan nang konti para magtunog barako. Nang bumalik ang tingin ni Mhilo sa'kin ay parang gusto ko tuloy magsisi kung bakit lalaki ako ngayon. Kung hindi sana ako nagpapanggap ay baka pa-subtle ko na silang nilandi ng kakambal niya. Hindi nga lang ako sire kung kakayanin kong landiin ang mga katulad nila gayong wala pa akong gaanong experience sa bagay na iyon. Naka-isang boyfriend pa lang ako tapos hindi pa masarap humalik! Ni hindi nga kami umabot sa exciting part dahil wala akong spark na naramdaman. Ngayon namang sobrang tindi no'ng mga sparks kahit titig pa lang ang natatanggap ko ay kailangan ko namang magpigil dahil nga ako si Mico... isang lalaki! Gusto ko nang magdabog sa totoo lang. Pwede kayang kausapin ulit si Lolo Felan at hilinging cancel na muna itong nasimulan namin? Pero buhay ko naman iyong magiging kapalit kapag malaman ng mga hindi pa namin kilalang mga kalaban! Ayokong madamay pati itong dalawang pogi niyang mga apo. Buhay nga naman! Sobrang unfair! Hindi pa bagay sa'kin itong tuxedo kong suot, naiipit din iyong coco-melon ko dahil sa binder kong suot. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng binder at huwag naman sanang ma-flat nang tuluyan ang mga ito. "Na-orient ka na ba ni Coco sa mga tungkulin mo bilang bodyguard?" tanong sa'kin ni Mhilo. Tunog mabait naman ito, hindi katulad ni Coco na nakakaintimida at nakaka-freeze ang kalamigang taglay. Pero kahit gaano pa ito kalamig ay kaya pa ring painitin ng titig nito ang buo kong katawan. Ito nga ang unang nagpa-realize sa'kin na may taglay pala akong kalandian. Bigla ko tuloy na-miss ang mga kaibigan kong mga bakla. Nahawaan pa naman ako ng kabaklaan nila kaya baka biglang maging bakla ako nito kaysa magmukhang lalaki. "Y-yes, Sir!" medyo nautal kong sagot. Hindi ako sure kung na-orient na ba ako. Paano pala ang orientation sa ganitong trabaho?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD