chapter 2

1599 Words
"Hindi ugali ni Lolo Felan ang humihingi ng pabor," kunot-noong wika ni Mhilo habang tila nalulunod sa kung anong iniisip ang kakambal na si Mhilo. Gusto sana niyang matawa dahil unang beses na tila hindi sigurado ang isang Coco Carson sa pinasok nito, pero may parte rin sa kanya ang kabado dahil kahit matanda na ay master manipulator ang Lolo nilang iyon. Ilang mga pinsan ba nila at mga tiyahin at tiyuhin ang muntikan nang magkandaletse-letse ang love life dahil sa pakikialam ng Lolo nilang iyon? Pero sa kabilang banda ay mas lamang naman ang naitulong nito, pero iyon nga lang naging kumplikado pa muna bago naaayos. Feeling cupid din kasi ang matandang iyon, cupid na hindi pana ang bitbit kundi ay baril, ang matamaan ay wasak! "Iyon na nga!" eksaheradang bulalas ni Coco. Napapiksi pa si Mhilo nang biglaan itong tumayo mula sa pagkakaupo. "Dahil nagulat ako sa pakiusap niya ay bigla akong napa-oo!" mulagat na dugtong ni Coco bago nagpalakad-lakad sa harapan ng kakambal. "Ano bang favor ang hiniling sa'yo?" Nadagdagan ang curiosity ni Mhilo lalo na at halatang ginugulo niyon ang isipan ng kalmado niyang kakambal. "Gusto niyang magtrabaho sa'tin iyan," sagot nito sabay abot kay Mhilo ng hawak na folder. Nagtataka man ay tinanggap iyon ng huli at binuklat. Kumunot ang noo nito nang unang bumungad sa paningin nito ay ang logo ng security company na pag-aari ng Lolo Felan nila. Sa katunayan ay roon din nanggaling halos lahat ng mga security personnel na personal na pumuprotekta sa bawat Carson. Pagkabuklat ni Mhilo sa ikalawang pahina ay bumungad sa kanya ang maamong mukha ng isang... lalaki? Kailangan pa niyang kumurap-kurap upang siguraduhing lalaki nga ito at hindi siya nagkakamali. Batay sa maikli nitong buhok at manipis na bigote na hindi naman bagay sa maliit nitong mukha ay lalaki ito, pero mali iyong hugis ng mga labi at maging iyong mga mata at ilong nito. Parang may mali, hindi niya lang masabi kung sa larawan ba o sa mga mata niya dahil iba iyong nakikita niya sa nabubuong konklusiyon ng kanyang utak. Hindi naman logic ang nasa harapan niya, pero parang na-challenge bigla ang kanyang utak. "Sino 'to?" wala sa sarili niyang tanong kay Coco. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila ayaw bumitiw ng tingin niya sa mga mata ng lalaking nasa larawan. "Mico Altare?" Binasa ko iyong pangalan habang iniisip kung pamilyar ba ang apelyido nito. "Magiging karagdagan daw iyan ng personal bodyguard natin," pabuntonghiningang sagot ni Coco. "Kulang pa ba iyong personal bodyguards natin?" napataas ang kilay na tanong ni Mhilo. "Iyon nga, maging karagdagan iyan at kailangan daw nating bantayan," hindi maipinta ang mukhang wika ni Coco. "Siya iyong magiging bodyguard natin, pero tayo iyong magbabantay. Ang gulo, 'di ba?" "Magulo nga, pero um-oo ka," sarkastikong sagot ni Mhilo. "Alam mo naman kung anong convincing power meron si Lolo Felan," pagtatanggol ni Coco sa sarili. "Wala pang kayang humindi roon, at kahit naman aayaw ako ay makakahanap iyon ng paraan upang pumayag ako," namimilog ang mga mata nitong dagdag. "Natanong mo ba kung bakit kailangan natin itong bantayan?" kunot-noo kong tanong. "Busy ako sa kompanya kaya wala talaga akong oras mag-baby-sit dito," dugtong ko pa. "Bodyguard nga natin iyan, bakit babantayan?" nayayamot na pahayag ni Coco. "Kakasabi mo lang na pababantayan sa'tin 'to," iritableng paalala ni Mhilo. Kahit kilala sa pagiging maintindihin ay ang kakambal niya ang kalimitang sumusubok sa mahaba niyang pasensya. "Iyon nga!" namaywang na sagot ni Coco. "Ganito iyan, sa'tin siya magtatrabaho pero kailangan nating bantayan." Maging ito ay tila hindi sigurado sa pinagsasabi kaya sa dulo ay nagpakawala ito ng malulutong na mura. "Kakausapin ko si Lolo Felan," bumuntonghiningang pahayag ni Mhilo. "That's a good idea!" hiyaw ni Coco. "Tanggihan mo rin," nakangisi pa nitong utos habang naglliwanag ang buong mukha. "Ikaw nga hindi nagawa iyon, ako pa kaya?" napapantastikohang tugon ni Mhilo. Bumagsak ang balikat ni Coco dahil totoo nga naman ang sinabi ng kakambal. Masyadong tuso si Felan Carson at nag-iisip ka pa lang ng gagawin ay alam na nito kung paano ka pasusunurin. Kinuha ni Mhilo ang sariling cellphone at naka-isang ring pa lang ay sumagot na agad ang matandang tinawagan. Sarkastiko tuloy na napailing-iling si Mhilo dahil masyadong halatang inaasahan ng matanda ang tawag niya. "I know why you're calling," magiliw pa nitong bungad bago pa makapagsalita si Mhilo. Nagkatinginan saglit ang magkambal bago binalik ni Mhilo ang atensiyon sa kausap. Ni-loudspeak niya para marinig din ni Coco. "Hi, Lo," pinasigal ni Mhilo ang boses. "Kumusta ka na?" tanong na pa niya at hindi pinansin ang bungad ng matanda. "I'm way too old to be this busy," tumatawa nitong sagot sa kabilang linya. "But hey, thanks to you two—I might actually get to breathe a little." "So, this Mico Altare guy," diretsahang panimula ni Mhilo. "Do you know him personally?" Hindi agad siya nakatanggap ng sagot mula sa kabilang linya. Ilang sandaling katahimikan muna ang dumaan bago narinig ni Mhico ang malalim na buntonghininga ng matanda. "Mico needs to lay low for a while," sagot ng matanda matapos ang ilang sandali. "He's caught up in something messy—I'm working on it. For now, I’m hoping you can take him in as one of your bodyguards. Don’t worry, he knows what he’s doing." Sa tono ng matanda ay mukhang seryoso nga ang kung anong kinasusuungang sitwasyon ni Mico Altare. Parang tuksong bumalik sa alaala ni Mhilo ang mukha ng lalaki kaya hindi niya napigilang mapangiwi. "One more question," sabi niya sa kanyang lolo. "Is he gay?" Kahit si Coco ay biglang napaubo dahil sa lumabas na tanong sa bibig ng kakambal. Hindi rin nito naiwasang mapamura nang mahina, sabay bigay ng maang na tingin kay Mhilo na para bang sinasabi: 'Talaga bang tinanong mo 'yon?' Hindi agad sumagot ang matanda pero naririnig ni Mhilo ang kaluskos nang kilos nito sa kabilang linya. "Is there a problem if he is?" tanong nito. Hindi alam ni Mhilo kung bakit tila may himig nang pagkaaliw sa tono nito. "Not at all. I just think it’s important to know the person I’m working with," napakamot ng ulong sagot ni Mhilo. Hindi niya rin alam kung bakit naitanong niya ang tungkol sa bagay na iyon gayong mas marami namang dapat na itanong. Maririnig ang mahinang palatak ni Felan Carson sa kabilang linya. "Then consider it none of your business—unless he decides to make it yours," makahulugang pahayag ni Felan Carson sa apo. Hindi nakikita ng kambal ang ngiting nakapaskil sa labi ng matanda at ang kakaibang kislap sa asul nitong mga mata. "And please, don't interrogate Mico for any information that you want to know," malumanay na dugtong ni Felan, ngunit may diin ang boses sa dulo. Natigilan si Mhilo habang humalukipkip naman si Coco. Malinaw na hindi pabor ang huli sa kahilingan ng matanda. Gano'n pa man ay walang ibang masisisi kung bakit bigla ay nandito sila sa sitwasyong ito kundi ay ito mismo dahil ito naman ang unang pumayag sa pakiusap ng kanilang lolo. Hindi naman lasing o nakainom no'ng kausapin ito ni Felan Carson, pero parang wala sa katinuan itong mabilis na napapayag ng matanda. "He’s not going to be there to explain himself to you or to anyone," dagdag pa ni Felan. "He’ll be there because I asked him to be. That should be enough." Walang naglakas-loob na nagsalita sa magkambal. Sa pamilya nila ay ginagalang at sinusunod si Felan Carson hindi dahil ito ang namumuno sa Carson Empire kundi ay dahil bawat ginagawa at desisyon nito ay para sa ikabubuti ng lahat. Kahit medyo mapaglaro ito minsan ay kalakip iyon ng karisma nitong taglay. At kapag sinabi nitong 'huwag nang magtanong' mas mabuting sumunod kaysa kumontra. Kung sinuman itong Mico Altare ay mukhang isa ito sa mga taong tinuturing na pamilya ni Felan Carson na walang dugong Carson. "At pakisabi na rin kay Coco na huwag masyadong mahigpit pagdating kay Mico," bilin pa ni Felan. "Alam kong nakikinig siya ngayon, pero nagpapanggap akong hindi ko alam iyon." Sinundan pa nito nang tawa ang huling sinabi. "Alam mo, Lo, pwede ka nang pumalit sa mga kontrabida sa pelikula," pumapalatak na pahayag ni Coco. "Kuhang-kuha mo iyong tawa." "Mag-lolo talaga tayo," humahalkahak na sagot ng matanda. "Ako tawang-kontrabida... ikaw naman ay galawang gano'n din! Si Mhilo lang yata ang nagmana sa Mommy ni'yo... inosente at sobrang bait." Nagkatinginan ang magkakambal. Laging sinasabi ng mga nasa paligid nila kung gaano kabait at parang anghel daw sa kainosenitahan ang ina nila, pero ni minsan ay hindi nila iyon nakikita. Iyong dalawang tatay nga nila, mga boss sa sariling mga kompanya pero alipin ng hindi katangkaran nilang ina. Kahit iyong dalawa nilang nakababatang kapatid na spoiled sa kanila ay tiklop pagdating sa Mommy Kikay nila... isang tingin lang mula rito ay napapasunod na kahit ang mga sigang si Kiro at Kenzo Carson. Nang magpaalam ang Lolo Felan nila at maibaba na ni Mhilo ang tawag ay nataon namang may kumatok sa pintuan. "Nakalimutan ko palang sabihin sa'yo," kausap ni Coco kay Mhilo habang patuloy sa pagkatok ang sinumang nasa labas. "Kasama ko ngayong dumating si Mico Altare..." Pagkasabi ni Coco sa huling pahayag ay s'ya namang pagbukas ng pintuan kasabay nang pagpasok ng lalaking laman ng usapan nila. Napakurap-kurap si Mhilo at hindi alam kung ano ang iisipan habang tuluyang tumambad sa paningin niya ang kabuuang ayos ng lalaking kanina lang ay kinukwestiyon niya ang kasarian. Kung sa larawan nito ay may manipis itong bigote, sa personal ay sobrang linis ng mukha nito. Napaisip siya na mukhang tama yata ang hinala niyang bakla ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD