Kinabukasan, sa wakas ay nagising akong hindi na gustong mamatay. Wala na 'yong pakiramdam na parang piniga ang buo kong kaluluwa katulad no'ng nakaraam. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon at hindi gano'n ka-heavy ang period ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, suot na naman ang uniform na tuxedo naming mga bodyguard— crisp, black as midnight, well-fitted at sa unang tingin pa lang ay lalaking-lalaki ang dating ko. Kung kahapon ay mukha akong multo na sinaniban ng dysmenorrhea, ngayon ay para akong elite operative—handa sa kahit anong threat. Sa tindig tindig pa lang ay mi mukha ng disiplinadong alagad ng seguridad, at may aura ng 'wag mo akong subukan' sa bawat hakbang. Bagay talaga akong bodyguard ng isang bilyonaryo, hindi lang dahil sa suot ko, kundi dahil sa kumpiyansa

