Kinabukasan ay sobrang aga kong nagising, alas tres ng madaling araw. Hindi dahil gusto kong bumawi sa paggising ng alas otso kahapon kundi ay dahil ang sakit ng puson ko. At ayon nga... isang hindi ko napaghandaang problema ang dumating, may buwanang dalaw ako! "Perfect timing," sarkastikong bulong ko habang namamaluktot sa sakit ng puson ko. "Dahil wala naman akong mas importanteng iniisip sa buhay kundi mag-cramps sa gitna ng pagpapanggap kong lalaki." Para akong maiiyak sa sakit. Pakiramdam ko ay sinasakal ng invisible na ahas ang balakang ko habang may boxing match ang kaluluwa at ang matris ko. Pero hindi pa doon nagtatapos ang kapighatian ko dahil nang maghalungkat ako sa drawer at bag ko ay parang inaapi ako ng pagkakataon. Wala akong dalang napkin. Nawaglit sa isip ko na kah

