Saktong 8:00 pm ng makarating kami dito sa isang 5 star hotel sa Pasay. Paglabas ni Kent sa kotse ay hindi muna ako kumilos, sa pag-aakala kong pagbubuksan ako nito ng pinto...pero na disappoint lang ako ng dumeretso ito sa gate at tinanaw lang ako ng tingin.
Padabog akong bumaba sa kotse n'ya at masama s'yang tinignan bago lumapit dito.
"Hindi ka talaga gentle dog ano?tss." sabi ko dito, pero si t*nga binaliwala lang ang sinabi ko at nilibot lang ang tingin. Minsan hindi mo talaga malaman kung ano ba talagang tumatakbo sa isip nitong mokong na'to eh!
"Act like a woman now Xyrene, don't let me lose my face infront of my future investors." sabi nito na tila nababagot sa mga pangyayari sa buhay n'ya. At ano? act like a woman? lalaki ba tingin nito sa'kin?
"tss, kung ikakahiya mo lang ako dito sana hindi mo na ako sinama." hindi ko mapigilang mairita sa mga sinasabi n'ya. Totoo naman kasi! wala akong balak makipag-sosyalan sa mga anak mayayaman, mas gugustuhin ko pang kaharap yung mga medical books ko kaysa sa mga mapanghusgang tingin na akala mo sila lang ang nakakaangat sa buhay, kahit pare-parehas lang naman amoy ng mga *tot namin.
hindi ko na inimikan si Kent at nauna ng maglakad papuntang entrance, mula sa kinatatayuan ko, masisilayan mo ang mga guard na nakabantay sa papasukan at nagkakapkap ng mga papasok. Napangiwi ako dahil sa guard na pasimpleng pinisil ang p*wetan ng isang guest, bagamat nagulat sa inasal ng guard ang babae, hindi ito nag-react at parang nagustuhan pa ang ginawa nito dahil sa pasimple nitong pag-haplos sa balikat ni kuya guard at pagbulong. Ngumisi naman ang lalaki at agad na s'yang pinapasok.
Napalingon sa akin ang lalaking m*nyakis kanina at akma na akong kakapkapan kung hindi lang ito pinigilan ni Kent at pinakita ang VIP invitation nito.
"She's with me, no one is allowed to touch her or you want me to talk to your boss just to fired you?" hindi na nakaimik ang guard ng lapitan s'ya nito ng isa n'yang kasama at binulungan. Agad na nanlaki ang mga mata nito at nakayuko kaming pinapasok habang humihingi ng tawad. Nang mapatingin ito sa akin ay agad ko itong inirapan.
Hindi ko nagustuhan yung pambabastos n'ya sa mga babae, akala mo naman ikinagwapo nila yung mga gawain nilang ganyan.
Pag-pasok sa loob makikita mo agad ang mga businessman na mga naka-business attire habang may hawak na champagne at nakikipag-usap sa kakilala. Napangiwi ako sa mga inaasal nila, If I know they are just bragging how expensive their clothes and how rich they are. This are the kind of people, I hated the most, katulad nalang nitong lalaking kasama ko na basta nalang akong iniwan para makipag-usap sa iba n'yang kakilala.
Hindi ako lumapit dito dahil sa pagkailang, As much as possible I want to avoid any attention which is I failed to achieved.
"Wife come here." tawag sa akin ni Kent, napatingin din sa akin ang mga kausap nito, habang nilalapatan ako ng tingin na kailanman hindi ko magugustuhan.
" Meet my wife Mr. and Mrs. Agonzillo, she's Xyrene Sy Lee." sabi nito at hinapit ako sa beywang. Nakipag-kamay ako sa mga ito habang may pilit na ngiti.
" Such a lovely young lady! May I know what your parents business?" nakangiting saad ni Mrs.Agonzillo, hindi agad ako naka-imik sa sinabi n'ya at bahagyang napahigpit ang hawak sa magkalapat naming kamay. Napansin naman nito iyon at dali-dali bumitaw. Hindi ko na s'ya nagawang sagutin ng magpaalam sa kanila si Kent habang iginagaya ako sa beywang.
Hindi parin ako umiimik dahip sa nangyari kanina, I feel so offended, pagsinabi ko ba na nagsasaka lang sila nanay at tatay iinsultuhin nila ito? I don't really know what's the big deal having a lot of money, nakakabawas na ba sa pagkatao ang kawalan ng pera? hindi pa ba sapat na may nakakain kayo sa isang araw kaysa sa wala? hindi ko alam kung anong magagawa ko kung sakaling makarinig ako ng panlalait mula sa ibang tao patungkol sa magulang ko. It is okay kung ako lang pero ibang usapan na pag-kasama ang mga magulang ko.
"Don't mind them, j-just don't leave my side." sabi ni Kent habang ang tingin ay nasa harapan. Hindi ko na binigyan ng pansin ang sinabi nito at tumango na lamang.
Ilang naglalakihang may-ari ng kompanya ang nalapitan namin at kanina pa ako napapagod kakangiti at paglalakad ng maisipan ni Kent na pumunta na sa designated table namin. Pag nagtagal pa ang pakikipag-plastican ko dito ay baka iniwan ko na s'ya at mauuna ng umuwi.
Hindi pa kami nakakalapit sa pwesto namin ay may bigla na namang sumingit, at talagang itinulak pa ako para kumapit sa braso ni Kent. I just rolled my eyes, at nakahalukipkip lang silang pinagmasdan.
Mas lalong naningkit ang mata ko ng walang pakialam si Kent ng maitulak ako ng babae...at talagang nakipag-kamustahan pa s'ya dun sa babaeng mukhang chuckie doll.
Ganyan pala ang mga tipo n'yang babae, so disappointing! pero ano pa ba'ng magagawa ko kung ang itsura ay binabagay sa mukha? magaspang na mukha para sa magaspang na ugali? right?
Gustong-gusto ko na talaga s'yang iwan dito dahil nagugutom na ako. Kung nasa buffet lang kami, baka iniwan ko na s'ya at tumakbo na sa mga pagkain. Napadako ang tingin ko sa isang pahabang table kung saan nakalagay ang mga pagkain, at natakam ng makakita ng strawberry shortcake, pinipigilan ko lang yung sarili kong kumuha d'on dahil sa wala manlang taong lumalapit at kumukuha ng pagkain.
Ano 'yan pagkain?display? Kaya ayaw ko sa mga mayayaman eh! aksayado sa pagkain. Yung pagkain sa lamesa, pwede na ipakain sa 300 na pamilya pero dito display lang.
Napapailing nalang ako at tumitig d'on habang hawak ang t'yan, makita ko lang talaga na may kumuha ng pagkain d'on agad akong lalapit.
Nagulat na lang ako ng may biglang humapit sa beywang ko, sisikuhin ko na sana ito ng bigla itong bumulong. Buti nalang at nakilala ko ang boses nito, kun'di namimilipit na ito sa sahig.
"Are you hungry?" sabi ni Kent at bahagya akong inalalayan, tumango naman ako dito at nagpatianod nalang. Tumigil ito sa harap ng babaeng kausap n'ya kanina, na ngayon ay nakangiti na saakin.
" This is my wife, Agatha." pagpapakilala sa akin ni Kent sa babaeng mas makapal pa ang make-up kay annabelle, naisip ko nga na bagay s'yang pumalit dito...siguro mas nakakatakot s'ya,yung tipong hindi ka talaga makakatulog sa gabi once na mapanood mo s'ya.
Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay nito habang hinahagod ang tingin sa akin mula ulo mukha s'yang paa este hanggang paa. Pilit itong ngumiti sa akin at malambot na ngumiti kay Kent.
"You have a beautiful wife here Kent." Agatha said while there's a hint of sarcasm in her smile. Pero ng mapatingin ito kay Kent naging maharot ang tingin nito, I just roll my eyes at napipilitang magpakilala.
"Hi! I'am Xyrene, nice to meet you." sabi ko dito habang nakalahad ang kamay, nandidiri namang dumapo ang tingin n'ya sa nakalahad kong kamay, pero ng makita n'yang nakatingin dito si Kent ay agad s'yang nagpanggap ma masaya at nakipag-kamay.
Nung makipag-beso s'ya sakin binulungan ko ito.
"Ang plastic mo 'te kamukha mo naman si Annabelle." sabi ko dito habang natatawang lumayo. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin.
"Who's Annabelle?" sabi nito, still confused on what I said. Parang na gets din ni Kent ang sinabi ko ng mapahigpit ang kapit nito sa beywang ko.
"ah! you didn't know Annabelle? she's an Hollywood actress with the scariest beauty." parang nagustuhan naman nito ang sinabi ko, dahil nag-flip ito ng hair at ngumiti sakin, mas mukha tuloy s'yang nakakatakot.
"I know that I'am pretty, Don't states the obvious." sarkastiko naman akong natawa dito.
"Ang t*nga nito!" bulong ko habang natatawa, hindi naman ito nakaligtas sa pandinig n'ya pero wala na s'yang nagawa ng hinila na ako ni Kent papuntang table namin. Nang mapatingin ako dito, kita ko ang pag-angat ng labi nito ang saglit na pagsulyap sa'kin.
Pagkarating sa table, saglit itong nag-paalam at pagbalik may hawak na itong isang plato ng pagkain na may iba't-ibang putahe sa kaliwang kamay at yung kanina ko pa na tinitignan na strawberry shortcake sa kanang kamay. Nilapag nito ang mga pagkain sa lamesa at naupo sa katapat kong upuan.
"Eat..." sabi nito pero sinimangutan ko lang ito.
"Anong tingin mo sa akin aso?" sabi ko dito, but I still get my spoon and fork, and started to eat.
" Buti naisipan mo na akong pakainin, kanina pa tumutunog yung t'yan ko, samantalang ikaw sayang-saya sa mga kausap mo." sabi ko pero hindi ko s'ya sinulyapan dahil busy ako sa pagkain.
" I know, kanina ko pa nariring ang anaconda mo sa t'yan, And I'am worried that you might eat my guest if I won't feed you yet." sabi nito habang nakataas ang sulok ng labi. Masama ko itong tinignan at balak na sanang patulan ang sinabi n'ya, nang makarinig ako ng pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Xyrene?"