CHAPTER 7

1414 Words
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kiliting nararamdaman ko sa kaliwang tenga at sa brasong naka-tanday sa beywang. Dali-dali kong kinapa ang sarili at ng mapagtantong wala akong suot na Br* ay nataranta ako. Napatingin ako sa katabi kong lalaki na nakatabon ang mukha sa unan at ng nilibot ko ang tingin sa katawan nito naka-boxer lang ito at walang damit pang-itaas. Ny*mas! hindi ako pwede mavirginan ng hindi ko nararamdaman, Sana manlang ginising n'ya ako. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng sarap ang naramdaman namin kagabi. Nataranta ako ng bigla itong gumalaw at ng akmang lilingon na ito, agad ko itong sinipa at hinatak ang kumot pabalot sa ktawan ko. "Sh*t!" bulalas nito, at ng akmang tatayo ito ay agad ko itong sinapak sa mukha kahit hindi ko pa kilala kung sino itong h*yop na ito. Naiiyak ako dahil hindi kona maibibigay kay Sebastian ang pinaka-iniingatan ko, sinabi ko pa namang dalagang pilipina ako, pero may lahi talaga akong maharot. Hindi naman ganito si Nanay at si Tatay, pero bakit ganito ang anak nila? kasalanan talaga 'to ni Irish eh! kung hindi dahil sa pinanood n'ya ako ng p*rn noong high school kami. "What the f*ck!!" sabi pa ulit nung lalaki, akmang tatayo ulit ito ng sinapak ko ulit s'ya. Napaka-walang hiya s'ya na nga 'tong namantala sakin tapos ako pa ang mumurahin? hustisya naman diba? "What the h*ll is wrong with you woman?" nagtaka pa ako dahil unti-unti ng nagiging pamilyar ang boses nito. Pero hindi parin ako nagpatinag ng makita ko na naman s'yang babangon. bakit ba hindi 'to mawalan-walan ng malay? gan'on naba kakapal ang mukha nito para hindi tamaan ng sapak? kaya hindi na ako nagdalawang isip at agad kong kinuha ang lamp shade sa gilid at sumisigaw na ihahampas sa kanya ito, pero pagharap ko nakatayo na s'ya sa harap ko. Pero mas lalo akong napasigaw ng makitang si Kent ito. Masama itong tumingin sa akin habang lumalapit, nakapikit kong mas nilakasan ang sigaw. Pero napatigil ako ng hawakan ako nito sa magkabilang kamay at hinalikan sa gilid ng labi. "You're too loud woman!" nakatulala parin ako ng bitawan ako nito. " tatahimik ka lang pala pag-hinalikan ka, sana sinabi mo." he said while there's a visible smirk on his face. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha nitong g*go na'to. "Ang kapal mo! Anong ginawa mo sakin? bakit wala akong suot na br*? bakit naka-boxer ka lang? bakit mo ako pinagsamantalahan? sana ginising-" naputol ang sasabihin ko ng mapagtanto kong wala ng kabuluhan ang susunod na lalabas sa bibig ko. " Why? don't worry...next time I will wake you up, para alam mo kung anong klaseng sarap." sabi nito habang nakangisi. Masama ko naman itong tinignan at binato ng unan, pero natatawa n'ya lang itong sinalo. " T*ng*na mo Kent! bakit ka nandito?" sabi ko dito pero malamig lang n'ya akong tinignan. " Your mouth woman... the next time I heard you say profanities...I will kiss you real hard." sabi nito na ikinatikom ng bibig ko. Aba! ayaw kong mangyari yo'n, this delicious lips are only reserved to my Sebastian, I smile with that thought. " And to answer your question... ikaw ang naghubad ng bra mo, at kahit pigilan kita hindi ka nakinig sakin dahil sabi mo hindi ka makatulog ng naka-br*. Second sinukahan mo yung damit ko, I was supposed to go home already to change my clothes, but you won't let go and keeps on calling me Sebastian." sabi nito habang nagsusuot ng pantalon. Hindi na ako nakipagtalo dahil kahit lasing pala ako gumagana yung kagagahan ko. " Are we good now? bilisan mo mag-ayos, paglutuan mo ako ng breakfast." sabi nito at lumabas na ng kwarto, inambahan ko pa ito bago padabog na pumasok sa kwarto. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si g*go sa sala habang nanonood, napansin ko rin na malinis ang sala at wala yung mga damit at pinagkainan ko ang nakakalat. Nang mapadaan ako sa harap nito ay agad itong nagsalita. " Babae kaba talaga? parang lungga ng ipis at daga 'tong bahay mo...masyado mo na akong naaabala. I'am too busy to clean your mess. Learn and do it yourself" sabi nito. Inis ko naman itong sinagot " Sinabi ko bang ikaw ang maglinis? at bakit kaba nandito? umalis kana kaya?" sabi ko dito pero tinignan lang ako nito ng malamig. " How I love to leave already! but I still have business with you." he said sarcastically, pagak din akong natawa sa sinabi nito. " At ano na naman yun aber?" sabi ko dito pero hindi na ito bumaling sa akin. " My lolo announce to my future investors that I already have a wife, and they want to officially meet you." sabi nito, kulang ang salitang gulat sa sinabi nito. Lolo Bernard naman pabigat na nga 'tong asawa ko kuno, nag-dagdag kapa ng mga nakakaalam. "what the f-, Anong gagawin ko?" hindi ko na natuloy yung pagmumura ko ng tumingin ito sa akin ng masama at dahil naalala ko ang ainabi nito kanina. Ang aga-aga pero yung mga bumubungad sa'kin hindi na kaaya-aya, makita ko ba naman pagmumukha ng Kent na'to sa umaga sino hindi mamalasin diba? Kailangan ko na siguro ng matinding ligo, dahil pakiramdam ko nakapit sakin yung malas eh! " For now cook my breakfast. I'm hungry." sabi nito. Ang kapal talaga ng mukha ng h*yop na'to. Wala ba s'yang bahay o kaya pagkain at dito n'ya naisipang kumain? hampas lupa pala si g*go, tsk... Nagluto lang ako ng Hotdog,itlog tyaka nag-sangag ng kanin. Ang kapal naman n'ya kung dadamihan ko diba? kasama ba s'ya sa budget ng pamilya? tyaka pang-isang linggo nalang yung lamn ng ref ko, need ko ng magtipid. Pagkatapos kong maghain agad kong tinawag si Kent. Paupo pa lang ako ng agad na itong umupo at nagsimulang kumain. " Ang kapal talaga! hindi man lang ako hinantay kumain, feeling bahay ng k*ng*na." bulong kong ani at naghain narin ng sariling pagkain. "Bakit ganito lang yung pagkain?naghihirap kaba?" sabi nito habang tuloy-tuloy ang pagsubo. " Ang k*pal na ng mukha mo kung magre-request ka pa diba? tyaka naka-budget na yung grocery ko para sa SARILI KO LANG. malay ko bang makikilamon kapa? hindi ko naman alam na hampas lupa ka pala." sabi ko dito at pinagdiinan ang sarili ko lang. Pero parang hindi nakiramdam ang lalaki at nagrequest pa ng kape. " Nasa pamamahay kita. Wala kang katulong dito mag-timpla ka mag-isa mo." sabi ko dito at inirapan s'ya. " But you're my wife." sabi nito, p*ny*t*ng dahilan yan. kunot noo ko s'yang tinignan. " Is that how you will treat your wife? mas mabuti sigurong wala kang makasama habang buhay." sabi ko dito ng walang buhay. " Is that so? I thought having a wife, is like having a nanny." sabi nito na akala mo napaka-inosente, pero malamig lang itong nakatingin sa akin habang nakataas ang gilid ng labi. " aba! kumain ka na nga lang d'yan at lumayas ka na sa pamamahay ko." natatawa itong kumain nalang at hindi na sumagot. Pagtapos kumain, ako parin ang nag-hugas ng plato.Agad na umalis si Kent at susunduin nalang ako mmayang 7 pm. Pinag-aralan ko lang ulit ang pinapagawa ni Sebastian, at nung 6:00 pm na agad na akong nag-ayos. Nagsuot lang ako ng off shoulder fitted dress and a white sandals, Naglagay lang ako ng light make up at nilugay ang buhok. Since natural wavy lang naman s'ya, hindi ko na kailangan ang mag-effort. Napatingin ako sa salamin, at hindi makapaniwala sa nakikita... Sh*t! ang ganda ko na nga mas lalo pa akong gumanda, kung sana si Sebastian ang kasama ko sasaya pa sana ako. Ilang sandali pa ng marinig kong may kumakatok na sa pinto, kaya dali-dali na akong lumabas at pinag-buksan ng pinto si Kent. Natulala pa ito sa'kin at hindi nakapagsalita agad. "Hoy! alam kong maganda ako, pero hindi mo kailangang tumitig ng ganyan. My beauty is already reserve to someone else." sabi ko, and flip my imaginary hair. Malamig lang ako nitong tinignan at bumuntonf hininga. " I'am just wondering if this your first time looking like a normal person." sabi nito. H*yop! wala talagang matinong salita ang nalabas sa bibig nito eh! hindi mo malaman kung sa'n 'to ipinagmana ng nanay n'ya at ganito ang ugali. "Let's go... don't waste your time fantasizing someone." sabi nito at naglakad na palayo. Hindi man lang ako hinintay, hindi n'ya ba alam na naka-heels ako.?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD