CHAPTER 6

1432 Words
Pagpasok palang namin sa loob ng reataurant, mahahalata mo na agad ang karangyaan ng paligid. Simula sa chandelier at mga lamesa naghuhumiyaw ang kulay gold, sure ako na pati ang mga pagkain dito color gold na'rin. Natawa naman ako sa mga iniisip ko at nagpatianod kay Irish na hatak-hatak ang braso ko papunta sa mga kasamahan na nasa reserve area na. Samatalang si Sebastian ay prente lang na naglalakad kasunod namin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Napatingin ako sa mga kasamahan namin na kung makatitig ay puno ng panghuhusga, palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Sebastian na may pahiwatig. Ningisihan ko sila dahilan upang matawa ang mga ito. Alam kasi nila na may gusto ako kay Sebastian kaya todo kung sumuporta ang mga 'to. Kakaupo palang namin ay agad ng bumanat ang Anesthesiologist ng Team namin. "Irish dapat hindi ka na sumabay sakanila, napupurnada ang love life ng kaibigan mo." sabi nito na ikinatawa nila, pero ikinapula ko. Nang tignan ko si Sebastian napansin kong ngumiti lang ito at uminom ng tubig. Sana naman tamaan s'ya ng hiya at umamin na sa'kin, pagsusumamo ng maharot kong utak. " haynako Doc! hindi magkaka-love life 'yan, dahil daig pa n'yan ang pagiging pilipina sa kaartehan hindi naman maganda." sabi ni Irish na sinabayan nila ng tawa. Nanggigigil ko naman itong kinurot sa tagiliran pero hinampas lang nito yung kamay ko kaya napanguso nalang ako. Buti dumating na 'yong waiter at hiningi yung order namin. Dahil kanina pa ako gutom, yung pangmalakasan talaga 'yong inorder ko, Nag-order din 'yong mga kasama ko ng wine for early celebration daw. Pagdating ng inorder namin ay agad kaming nagsimulang kumain, tinabi ko yung kamatis na nasa vegetable salad ko, hindi kasi ako nakain no'n, pero nagulat nalang ako ng kinuha ni Sebastian ang mga kamatis at nilagay sa plato n'ya at ibigay sakin ang iilang karne nito. Nahihiya ko itong ibinalik sakanya. "Naku Doc, baka wala ka ng makain kung ibibigay mo sakin itong mga karne." sabi ko dito, pero inilingan lang ako nito at binalik ang karne sa plato ko. "it's okay Xyrene, hindi ako kumakain ng karne." sabi nito at nagpatuloy ng kumain. Tumango ako dito at balak ko na sanang isubo ang bigay nito ng mapatingin ako sa mga kasamahan ko na ang tahimik, only to find out that they are staring at us as if we are some kind of entertainment. Ibinaba ko naman ang pagkain at tinanong sila, which is a wrong move. " Doc. Sebastian kung ako sa inyo ligawan n'yo na si Nurse Xyrene at baka maunahan kapa ng iba." sabi ng isang Nurse habang natatawa. Tinignan ko rin si Sebastian kung ano ang magiging reaksyon nito. Aba! syempre kailangan natin umasa para sa love life. Kinakabahan ko itong tinignan ng uminom ito ng wine at nagpunas ng bibig. "Soon..." makahulugan nitong sabi na nagbigau ng kanya-kanyang reaksyon sa mga kasama namin, at dahil bilang dalagang pilipina tinignan ko ang mga ito and flip my hair, na ikinalakas ng hiyawan nila. Pero natigin lang ang mga ito ng may marinig kaming kalabog sa kalapit naming table. "You're just wasting my time." sabi ng lalaking nakatayp sa kabilang table. Pamilyar ang boses nito pero hindi ko s'ya mamukhaan dahil sa suot nitong mask. Nang tumingin ito sa pwesto namin, agad akong kinabahan sa paraan ng pagtingin nito sa amin at pakiramdam ko ay ako ang tinititigan nito, kaya wala sa loob kong itinungga ang wine sa kalapit kong table, huli na ng mapigilan ako ni Sebastian dahil simot na ang laman nito. At dahil mahina ang tolerance ko sa alak, ramdam ko ang pagkahilo kaya napasandal ako sa upuan habang papikit-pikit. Hindi alintana ang ingay ng mga kasama ko at ang pagtapik sa akin ni Sebastian at Irish sa pisngi. Naririnig ko pa ang paghingi ng tawad no'ng lalaki sa kausap nitong nakamask bago mag-paalam. Nakaramdam ako ng kiliti sa kaliwang tenga ko ng may bumulong dito. "Are you okay Xyrene? let me take you home." sabi ni Sebastian na may bahid ng pag-aalala sa boses. Tumango ako dito at nagpaalam muna sandali para mag banyo, nag-offer pa itong sasamahan ako pero tumanggi ako hindi ko na kaya at nasusuka na ako. Dali-dali akong naghanap ng banyo at pumasok sa available cubicle at doon sumuka. Sh*t! bakit ko ba kasi naisipan inumin 'yon, at bakit ako kinabahan sa klase ng tingin na ibinbigay ng lalaking 'yon. Nanghihina aking napasandal sa pintuan at ng mahimasmasan agad aking lumabas. Dahil narin siguro sa pagkahilo ay muntik na akong matumba. Buti nalang may sumalo sakin. Sa pag-aakalang si Sebastian ito, at dahil narin sa espiritu ng alak naisipan ko na naman itong harutin at ikawit ang kamay sa leeg n'ya. "Sebastian ang sweet mo naman! ba't kasi hindi mo pa ako ligawan sasagutin naman kita-" hindi ko na naituloy ang pagdadrama ko dito ng magsalita ito. " Enjoying yourself wife?" sabi nito sa akin, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran nito. Napaka-pamilyar ng boses nito, paanong hindi eh isa ito sa mga kinaiinisan kong tao...Kent Lee. Agad akong bumitaw sa pagkakakapit sa leeg nito at pinagpagan ang damit ko. Baka may germs! " What are you doing here?" sabi ko dito ng hindi s'ya nililingon. "tss... Do you own this place?" inis ko naman itong nilingon dahil sa pabalang nitong sagot. Nang makita nito ang masama kong tingin ay napabuntong hininga ito at inayos na ang pagkakasagot. " I've met my client here." sabi nito, tinignan ko naman ang suot nito. Naka-office attire na black at maayos na nakataas ang buhok nito, ng mapatingin ako sa mukha nito doon ko napansin ang nakababa nitong mask. "Ano yan? new fashion?" sabi ko dito pero inis lang ako nitong tinignan. That's when I realize, na s'ya yung taong nagdabog kanina. " So, ikaw pala 'yong makapagdabog kanina ay akala mo nasa telenobela ka?" kunot noo naman ako nitong tinignan at inismiran. "tss...so anong problema at gan'on ka makapagreact?" saglit itong hindi umimik at nag-iwas ng tingin. "Nothing....I just don't like his offer." sabi nito at nakaiwas parin ng tingin. "Yun lang?napakababaw mo talaga o talagang OA kalang. Jan ka na nga!" sabi ko dito at tumalikod na. Pero hindi pa ako nakakalayo ng hinatak nito ang kwelyo ng damit ko. "And where do you think you're going young lady?" sabi nito at hinatak ako palapit sakanya, irita ko namang inalis ang kamay nito sa kwelyo ko. " Ano ba! malamang sa mga kasamahan ko, magpapahatid nalang ako kay Sebastian." by just saying Sebastian name, kinikilig na ako. Agad naman kumunot ang noo nito. "Who? that guy you keeps on flirting?" sabi nito sa iritang boses. Pansin ko lang kanina pa ito naiinis sa'kin may nagawa ba ako sa g*gong 'to? "Pake mo?" sabi ko dito, kahit ako naiirita na sa paraan ng pagsasalita nito. Ano bang pakialam n'ya? although we are married in paper, it doesn't erase the fact that we are a stranger and as far as I can remember, nakalagay sa contract na walang pakielamanan ng private life. " Stop meddling with my business, tandaan mong nakasaad y'on sa kontrata." saglit itong natigilan sa sinabi ko pero hindi parin natinag. " No! you will go home with me or do you want me to announce to your colleagues that you are my wife? at para hindi narin makalapit sayo 'yong lalaki mo?" sabi nito, para naman akong namutla sa sinabi nito at hindi maiwasang tignan s'ya ng masama. Pero ang g*go parang tuwang-tuwa pa sa kinasasadlakan ko bago tumalikod. " hihintayin kita sa labas." sabi nito at tuluyan ng umalis. Padabog naman akong bumalik sa pwesto namin at kinuha ang gamit ko. Balak na sanang tumayo ni Sebastian para ihatid ako pero pinigilan ko s'ya at sinabing gusto kong umuwi mag-isa. " Gabi na masyado Xyrene, hindi na ligtas para sayo ang umuwi mag-isa." naguguilty ko naman itong tinignan.B*wisit kasing lalaki na'yon ang daming alam sa buhay, hindi tuloy ako maka-score kay Sebastian. "It's okay Sebastian, tumawag na ako ng taxi sa labas." sabi ko dito, hindi na ito nagpumilit pa kaya nagpaalam na ako kanila Irish. Pagkalabas ko kita ko agad ang sasakyan ni Kent na nag-aabang sa labas ng restaurant, nagmamadali ako ditong sumakay sa takot na may makakita sakin na mga kasamahan ko. "Happy?tss..." sabi ko dito at inirapan s'ya, pero ang loko tinignan lng ako ng malamig at pinaandar na ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa mga umaandar na Sasakyan at dahil narin siguro sa pagod at kalasingan, hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD