CHAPTER 5

1485 Words
" Nurse Sy! pinapatawag po kayo ni Doc.Sebastian." sabi ng isa sa mga Nurse na napadaan. Tinanguan ko naman ito at nagpaalam na sa kausap ko para dumeretso na sa office ni Doc.Sebastian. Pero bago ang lahat dumaan muna ako sa powder room at nag-ayos, syempre kailangan presentable ka sa harap ng crush mo. Hindi yung panget na nga ugali mo, ang pangit pa ng mukha mo. Diba double kill?, kidding aside after fixing myself, dumeretso na ako sa office ni Doc.Sebastian at maharot na tinawag ang pangalan nito. "Doc.Sebastian pinapatawag n'yo daw ako?" sabi ko dito at hinawi pa patalikod ang buhok ko. nginitian naman ako nito at pinaupo sa katapat nitong upuan. Dahan-dahan naman akong umupo dito na parang isang tunay na binibini,pero ang totoo isa talaga akong balasubas. "Doc. Mas gwapo kapa sa sinag ng araw." sabi ko dito at mahinhin na tumawa, Natawa din ito sa tiniran ko at hindi ako sinoryoso. " You're so funny Xyrene, I told you to call me Sebastian or Seb if it's only the two of us." sabi nito. bakit hindi n'ya sinoryoso yung sinabi ko? ganun nalang ba talaga? hindi ba talaga ako kaseryo-seryoso?. pagdadrama ko sa utak ko. "Kung gusto n'yo asawa pa itawag ko sa inyo eh!" bulong kong ani, mukhang hindi naman nito narinig ang sinabi ko, at dumeretso na sa totoo nitong pakay, kaya nagseryoso na ako. "Na-aral mo na ba kung ano ang mga dapat gawin sa pag-assist sa'kin sa operating room?" tanong nito sakin. Kahit na napag-aralan kona lahat ng pinapagawa n'ya ay hindi ko parin maiwasang kabahan. Siguro gan'to talaga sa tuwing first time mo. " I already done with my assignment you have given Doc. Pero aaralin ko ulit pag-uwi ko." I said hesitatingly. "Don't pressure yourself too much Xyrene, I know that you can do it. It is already your passion kaya I'm sure that you can do it easily." he said with a hint of proudness on his voice. Nahihiya naman akong tumango dito at tumungo para maitago ang pamumula ng mukha. Hindi ko talaga maiwasa na hindi magkagusto sa kanya dahil sa mga pinapakita nya. Sino ba naman ang hindi kung gan'to magiging jowa mo halatang susuportahan ka sa lahat, pati na nga siguro kalokohan eh. " You can go now Xyrene. We will be having a team dinner after our shift later." he said. Taka naman ako ditong napatingin. "Bakit may pa-team dinner pa Sebastian?" sabi ko dito at tyaka tumayo na sa pagkakaupo. " I just want to unwind first before our major operation start." sabi nito habang nakatitig sakin. Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin nito kaya nag-paalam na ako. " Sige Sebastian babalik na ako sa trabaho ko.Have a good day." sabi ko dito at tumalikod na. Nasa pintuan palang ako ng tinawag ulit nito ang pangalan ko, kaya muli akong napaharap dito. "Xyrine I forgot to give you this." sabi nito at may kinuha sa drawer ng table n'ya, nagulat ako ng makitang may hawak na itong keychain na strawberry design. It's cute and I love it. " here... Nadaanan ko kasi yung mga nagtitinda nito kanina, kaya ng makakita ako ng strawberry naisip kita." sabi nito sabay napahawak sa batok na parang nahihiya sa ginawa. Inabot ko naman yung keychain ng hindi umiimik at tinitigan lamang ito. Pero mukhang iba ata ang pagkakaintindi nito sa katahimikan ko. " You don't like it?" sabi no Sebastian sa malungkot na tono. Nahimasmasan naman ako at ilang beses na umiling bago ito tinignan ng kumikinang na mata. "No, I love it, thank you Sebastian...Im just speechless that you give me something precious." sabi ko dito ng nakangiti, namula naman ang mukha nito at napangiti. " Anything for you Xyrene." sabi pa nito bago ako magpaalam ng tuluyan. Ngiting-ngiti naman akong lumabas sa office nito habang nakatitig sa hawak kong keychain. This is my first time receiving gifts from him, sabi na eh! may gusto talaga 'tong si Sebastian sa'kin masyado lang pakipot, gusto ata ako pa ang sumuyo sakanya eh. Natawa nalang ako sa iniisip ko, dahil aminin ko man o hindi na kahit maharot ako sa isipan, hindi ako yung tipo na maghahabol sa lalaki, aba kung gusto nila ako sila ang gumawa ng moves hindi ako noh! masyado akong maganda para sa ganyang bagay. "Hoy!" Napatalon naman ako sa gulat at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong keychain dahil sa panggugulat ni Irish. "Sh*t ka talaga Irish!, balak mo ba akong patayin sa gulat?" sagot ko dito na nanlalaki ang mata. Natawa naman ito saakin. "Ang pangit mong magulat t*nga. Nakita kasi kitang ngiting-ngiti sa hawak mong keychain, kaya ginulat kita." sabi nito na natatawa pa. Napangiti naman ako at kumapit sa braso nya. " kahit hindi ka maganda Irish kekwento ko parin sayo king ano ng kaganapan sa love life ko." sabi ko dito, nakikinig lang ang babaita kaya nagpatuloy ako sa pagkekwento. " Feeling ko talaga may gusto na sakin si Doc.Sebastian Irish, sabi n'ya sakin naisip n'ya daw ako nung nakita n'ya itong keychain. Diba pag may gusto sayo ang tao s'ya yung una mong naiisip?" sabi ko dito, pero tinignan lang ako nito ng hindi makapaniwala. " Nauntog ba 'yang ulo mo at ganyan ka mag-isip?, sige paasahin mo lang 'yang sarili mo at ng masaktan ka. Ganyan siguro talaga pag walang jowa since birth 'noh?" sabi nito, napapout naman ako sa sinabi nito, bw*sit 'tong babaeng 'to palaging kontra. "Palibhasa kasi ikaw sanay kanang masaktan" I said to her sarcastically, natigilan naman ito sa sinabi ko at hinatak ang buhok ko. "Babaita ka! wag kang masyadong mapanakit manalita parehas lang naman tayong hindi pinapalad sa love life." sabi nito kaya parehas nalang kami natawa. "Kung ako sayo...ikaw na unang lumandi kay Doc.Sebastian para makapag-asawa kana. You're not getting younger anymore." Natigilan naman ako sa sinabi nito at hindi nakaimik. Asawa.... meron na ako n'yan, artista pa nga eh! But I don't acknowledge my marriage if it is with the person I hate, siguro gan'on din naman siya, napipilitan para makuha ang yaman. "Oh? natahimik ka ata?napag-isip-isip mo na ba?" tanong pa nito. " B*bo! kung mag-aasawa ako dapat ikaw din." sabi ko dito, pero parang nandidiri pa nitong iniling ang ulo. "No thank you... masaya na ako sa buhay ko, hindi ko kailangan ng taong mananakit sa'kin." sabi nito, but I just tease her. "Manhid kana kasi!" I said to her then I laugh while running before she can grab my hair. "mamaya nalang Irish may team dinner daw sabi ni Sebastian." sabi ko dito habang kinikilig pa ng binanggit ko ang pangalan ni Sebastian. Natawa naman ito sa'kin. "Sige ang harot mo!" sigaw nito pabalik bago kami maghiwalay. After ng shift namin nagkita lang kami ni Irish sa labas para magsasabay na sana papunta sa restaurant na gaganapan ng team dinner. Nakita ko itong nagfaface powder, saglit ako nitong hinarap bago tinuloy ang ginagawa. " Ganyan nalang ba mukha mo Xyrene?Nandun pa naman yung future jowa mo...tapos pupunta kang mukhang byuda?" sabi nito na ikinahila ko ng buhok nito. " Wala na akong oras para mag-ayos sa loob dahil hinahanap ako ng Head Nurse para mag-extend ng shift." sabi ko dito tyaka nilabas narin ang face powder at nag-apply, inayos ko rin ang buhok ko at naglagay ng liptint, para kahit maganda na ako...ay gaganda parin ako sa paningin ni Sebastian. "Papansin talaga yung tabachoy nayo'n hindi ko alam bakit lagi s'yang kontra sayo." sabi nito na may halong inis, tapos na itong mag-ayos ng sarili at mukha naman na s'yang disente. "Ewan ko? siguro dahil mas masarap ako at mas maganda sakanya?" sabi ko at sabay kaming natawa. "t*nga paano mo naman nasabing masarap ka kung wala pang nakatikim sayo?" Sasagot pa sana ako dito ng makarinig kami ng busina mula sa harapan. Nang mapatingin ako dito, nakita ko si Sebastian na nakasimpleng white polo shirt lang. Gumana na naman ang pagiging maharot ko, kaya pasimple akong umayos ng tayo at nilihis ang buhok kong tumabing sa mukha ko dahil sa hangin. "Sakay na Xyrene and Ms.Irish sumabay na kayo sakin." sabi nito ng nakangiti, pakiramdam ko nasisilaw ako sa pagkakangiti nito. Natauhan naman ako ng kinurot ako sa baywang ni Irish. "kakaiba ka talaga humarot na babaita ka! akalain mo Miss tawag sakin samantalang sayo pangalan lang eh matagal narin kaming magkakilala." gigil nitong saad sakin na ikinatawa ko lang. "Hindi ba nakakahiya Sebastian?" sabi ko dito, narinig ko pa na bumulong si Irish na ang arte ko daw masyado pero ipinagsawalang bahala ko nalang. "No, I insist, beside parehas lang naman tayo ng pupuntahan." hindi pa ako nakakasagot ng agad ng sumakay si Irish sa likod na upuan. Napailing ako sa inakto nito, napaka walang hiya talaga, Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay sa passenger seat at ng makaayos agad na pinaandar ni Sebastian ang Sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD