Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili nang makita ko kung anong oras na. Late na akong nagising dahil sa pagbabasa ko ng mga medical book para sa research na pinapagawa ni Doc. Sebastian, dahil sa ako ang naatasan na mag-assist sakanya sa operating room next week ay kailangan ko malaman kung ano ang mga gagamiting tools. Hindi pwedeng maging tanga do'n lalo na at first time ko makapag-assist sa operating room isa narin sa dahilan ang na lagi lang ako noon sa Emergency Area at syempre ang pinaka dahilan ko talaga ay hindi ako pwedeng mapahiya sa aking crush.
Matagal ko ng crush si Doc.Sebastian nag-aaral pa lang ako sa medical school noon ay palagi ko na siyang nakikita, isa s'ya sa mga top students ng batch nila noon. Masasabi ko na nga na naging stalker ako kasi palagi akong nakasunod sa kanya, meron pa sa sobrang papansin ko noon ay merong nahuhulog ko yung libro sa harapan nya o 'di naman kaya ay nadadapa ako, tinatawanan na nga lang ako ni Irish kasi lahat daw gagawin ko para makapag-papansin lang, pero nagpapasalamat din ako sakanya kung hindi nya ako tinulak ng pagkalakas-lakas noon ay hindi ako mapapansin ni Doc.Sebastian.
Natigil lang ako sa kalandian ko nang malaman ko na may girlfriend si Doc.Sebastian, ilang araw ko ring iniyakan yo'n dahil nasasayangan ako sa effort ko like...naglalagay ako ng love letter sa locker niya na may kasama ko pa'ng kiss mark as my signature at dahil nahihiya ako kahit hindi uso sakin yo'n, hindi ko magawang umamin hanggang sa tumagal na nga ng ilang taon, at kahit pa nag-break na sila ng girlfriend niya ay hindi parin ako umamin. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? gwapo,matalino, sexy. lahat na sa kanya na at parang gusto mo na lang magpa-angkin.
Napaismid ako sa pagpapantasya ko kay Doc.Sebastian at nagmadali ng kumilos. Paglabas ko ng apartment ay nakasabay ko pang lumabas si Kent, tinitigan lang ako nito sandali at nauna nang maglakad, napairap ako dito at inunahan ko na s'yang maglakad. Pero malaing desisyon yo'n dahil paglabas palang namin ng gate ng apartment ay dinagsa s'ya agad ng mga reporter at kung ano-ano ang tinatanong. Hindi na ako nakapag-react ng maitulak ako ng isang reporter kaya natumba ako sa sahig.
Nang makita kong nadumihan ang suot kong stocking ay inis akong tumayo at sisigaw na sana ng may bigla nalang na nagtaklob sakin ng leather jacket.
" You can go now, I don't accept any interview as of the moments. And Please be mindful with your actions, nakakasakit kayo ng iba." sabi nito at nilayo na ako sa mga reporter. Pero hindi pa kami nakakalayo ng bigla nalang nagtanong ang isa sa mga lalaking reporter.
" Kaano-ano mo ba s'ya Kent?bakit nag-aalala ka sakanya?, knowing you hindi ka mag-aabala na tumulong sa iba right?" sabi nito na may mayabang pa na ngiti sa labi, tumingin pa ito sa mga katabing reporter para humingi ng suporta. Yung iba ay sumang-ayon pero marami din ang nag-iwas ng tingin na parang alam na nila yung posibleng mangyari pagnakisali pa sila.
"What's your name and company?" sabi ni Kent ng may pagbabantang tingin, kaya natigilan ang mayabang na reporter at may pag-aalinlangan itong sinagot.
"M-Mark Bautista sir from HBS." sabi nito at umiwas ng tingin. Saglit ko pang naramdaman ang paghigpit ng hawak sakin ni Kent bago n'ya ito sinagot.
" Okay, prepare your resignation, I will talk to your manager." sabi nito at mabilis na akong hinatak. Nang hindi na namin matanaw ang mga reporter ay nagpumiglas na ako dito at hinagis sa mukha n'ya yung jacket. Masama naman ako nitong tinignan.
"Is that how you say your thank you?" sarkastiko nitong pagkakasabi, inirapan ko ito at sinagot.
" Ikaw naman ang may kasalanan nito diba? why should I thank you?" sabi ko dito at inirapan ulit, feeling ko matatanggal na yung eyeballs ko kakairap sa piste na'to. Hindi nalang ito umimik. Inirapan ko ito at naglakad na palayo, pero hindi pa s'ya nakakalayo ay hinawakan ko sya sa balikat at hinarap sa akin.
"will you really talk to his manager?" sabi ko dito, tamad lang ako nitong tinitigan at tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat nito. tss... napaka-arte. Kahit na hindi ko nagustuhan yung tabas ng dila ng reporter ay hindi ko parin mapigilang mag-alala dahil sa panahon ngayon mahirap ng maghanap ng trabaho.
"Yes... I don't like him, at kung paano n'ya ako sagutin." sabi nito na parang diring-diri s'ya.
"Jerk! you don't have to do that, hindi porke't marami kang pera at impluwensya gagawin mo na lahat ng makakaya mo para makasira ng iba." hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin at malamig lang akong tinignan.
" He talk nonsense about us. And I don't like the way he speak." hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng lalaking 'to.
" Dahil lang do'n? napakababaw mo naman palang tao. I can't believe you." sabi ko dito at ako na ang naunang umalis, napatingin ako sa suot kong relo at nakitang 30 minutes nalang ay tuluyan na akong malalate. Namomoblema pa ako kung sa masasakyan ko dahil sigurado ako napakahaba na naman ng pila sa jeep. Hindi namana kasi ako mayaman para sumakay sa mamahaling sasakyan,ang sahod ko sa pagiging Nurse ay sapat na para sa renta ko sa apartment at panggastos araw-araw.
Natigil ako sa pag-iisip ng masasakyan ng may bumusina sa likod ko, Naiirita ko itong tinignan at ng mapagtanto kong sasakyan ito ni Kent ay tumabi ako at mabilis na naglakad palayo. Pero yung g*go nakasunod parin sa akin at patuloy na bumubusina, kaya naman ay inis ko itong pinuntahan at pinukpok ang bintana n'ya. Kulang nalang ay dumampot ako ng bato at ipukpok sa kotse at sa amo nito. Nakangisi nitong binuksan ang bintana ng kotse at seryoso akong tinignan.
"Hop in.." sabi nito at binuksan ng kaunti ang pinto.
"Tanga kaba? ikaw lang ba may-ari ng kalsada kung makabusina ka." sabi ko dito at hindi pinansin ang sinasabi nito.
"Just hop in. Ihahatid kita sa trabaho mo." sabi parin nito at binaliwala ang sinabi ko nito sakanya, saglit akong napapikit sa pagkainis sakanya, pakiramdam ko ay maaga akong puputi ang buhok dito, hindi ko maintindihan yung ugali.
"No need, I can handle myself." I said to him and turn around. Naglakad na ako palayo pero hindi pa ako nakakalayo ng bumusina na naman ito ng sobrang lakas at sunod-sunod. Hindi ko ito pinansin at naglakad parin pero hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan at kahit pati sila ay naiirita narin sa tunog ng busina. Nagmamartsa akong lumapit dito at padabog na sumakay sa kotse n'ya para lang matigil s'ya.
" Masaya kanang H*yop ka? , bwisit ka talaga sa buhay ko."nanggigil kong sambit nito pero si T*nga umangat lang ang labi at pinaandar na ang sasakyan.
Habang nasa byahe ay hindi maiwasang mainis sa tuwing naiisip ko na asawa ko s'ya, kahit sa papel lang yo'n, malaki parin ang epekto lalo na at hindi ko yo'n inaasahan o mas magandang sabihin nauto ako ng palaro ni lolo Bernard, sana pala hindi ko yun ginawa edi sana single parin ako ngayon, Hindi ko man lang naranasan magkaroon ng boyfriend gamit ang kaharutan ko at masyado pang upgraded at asawa agad.
" Teka nga!? Kung inaantay mong makuha yung yaman mo sa lolo mo ano yung benefits ko dito sa kasal na'to? dahil kahit saan mo tignan ang unfair sa part ko." sabi ko dito habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Don't worry... at the end of our contract you will get your money worth 10 million." sabi nito at tinignan lang ako ng patagilid saglit. Natahimik naman ako at hindi malaman ang sasabin, I think it is enough right? malaki rin naman yung naging papel na ginampanan ko sa kasal na ito. Hindi ko na ito inimikan at nagsuklay nalang ng buhay dahil nakikita ko na yung hospital na pinagtatrabahuan ko.
" Where's your ring? bakit hindi mo sinusuot?" saglit ko lang itong sinulyapana at nagpatuloy sa ginagawa.
" I don't need to wear it all the time, pwera nalang kung nasa harapan na yung mga magulang natin." sabi ko dito. hindi na ito umimik pa at hminto nalang sa tapat ng hospital gate. Agad akong bumaba at nag-paalam dito.
"Thanks for the ride." pero hindi pa ako nakakalayo ng matigilan ako sa sinabi nito.
"Xyrene... I won't do it, j-just take care." sabi nito at pinaandar na ang kotse palayo. Saglit ko pa'ng tinapunan ng tingin ang papalayong sasakyan and smile mentally. My konsensya din pala si T*nga.