Napaismid ako habang kumakain ng strawberry at nakaupo dito sa sala. Hanggan ngayon ay hindi ko parin makalimutan yung pagsarado n'ya ng pinto pagkatapos n'yang iabot sakin yung sing-sing. Masama kong tinignan ang singsing na nakapatong sa lamesa. Maganda ito at malaki ang bato sa gitna. Sinubukan ko pa itong isukat sa daliri ko at nag-sakto naman na para ba'ng ginawa para lang saakin. Pero ganun parin kahit gaano pa ito kaganda ay hinding-hindi ko ito susuotin kung hindi naman kinakailangan.
Dahil nabobored na ako sa cartoons na pinapanood ko ay nilipat ko ito sa channel 47 kung saan ibinabalita ang lalaking hambog na y'on, isa iyong talk show na ang mga iniinterview ay mga korean celebrity actor.
"Mr. Kent Lee, you said that you will go back to the Philippines. Do you have a plan coming back here in korea, you know your career starts here, why bother going back to the Philippines?" said by the talk show host. Saglit na nawala ang ngiti ni Kent pero dahil magaling s'yang magpanggap ay agad itong bumalik sa dating expression. Tumikhim ito at tumitig sa camera.
" I have something to take care, and probably I will comeback here after 1 year." sabi nito na napag-paismid sakin, parang ako ang kinakausap nito dahil sa paraan ng pagbibigay ng tingin nito sa camera. Pero agad din itong nag-iwas ng tingin nang may sabihin ang host.
"How about Jessica Kim, does she know about this?" hindi parin naalis ang pagkakangiti ni Kent sa labi pero mapapansin mo ang pasimple nitong pagtalim ng tingin sa host.
" It is my personal decision, she has nothing to do with it." sabi nito at basta nalang tumayo sa kinauupuan at umalis. Jerk! girlfriend nya bayung Jessica nayun at ganyan nalang s'ya kung makareact?. Natapos na ang show ng nagpaalam na ang host, pinatay kona yung Tv dahil hindi na interesante ang sumunod na palabas. Pagkatapos kong ibalik ang pinagkainan ko sa kusina at balak na sang matulog nalang, ay nakaring ako ng ingay mula sa labas. Agad ko itong pinuntahan at sumili sa maliit na hole ng pintuan.
Kita dito si mang.Rene na may mga binubuhat na kahon-kahon at nilalagay sa tapat ng pintuan ni Jerk. Nang umalis si mang.Rene ay siya ring pagbukas ng pintuan ni Jerk at binitbit ang kahon. Napatulala pa ako dito ng wala itong pantaas na damit at kitang-kita ang ang six pack abs nito samahan mo pa ang biceps and triceps na nagfeflex pagkabuhat n'ya ng mabigat na kahon.
"Sh*t! ang sarap!" sabi ko, kahit ayaw ko sakanya ay hindi ko maipagkakaila na maganda ang hubog ng katawan nito. Saan kaya ito pinaglihi ng mommy nya?. Agad akong natauhan sa lumabas sa labi ko ng tumitig si Kent sa pintuan ng apartment ko na para pang nakikita at naririnig n'ya ako, lumayo ako sa pinto sa pag-aakala na nakikita n'ya ako.
napatawa nalang ako sa sarili ko ng marealize kona ang b*b* ko sa part na'yun, imposibleng makita n'ya ako.maliban nalang kung x-ray ang mata n'ya. At dahil bored ako at wala akong maisip na gagawin ay naisipan ko nalang na pagtripan s'ya. Sumilip ulit ako sa peep hole kung nand'on pa s'ya, at nang mapanisin ko na wala na s'ya ay dali-dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo. Ngayon palang natatawa na ako sa reaksiyon niya. Dahan-dahan akong lumabas ng pintuan na parang magnanakaw t'yaka lumapit sa malaking kahon na nasa harapan ng apartment n'ya.
Tinignan ko muna sandali ang paligid bago ko simulang itumba ng dahan-dahan ang kahon at tanggalin ang tape na nagsususporta sa bigat nito gamit ang kutsilyo. Pagkatapos n'on ay agad akong tumakbo papasok ng apartment ng makarinig ako ng mga yabag ni Kent sa loob. Saktong pagsarado ko ng pinto ay ang paglabas n'ya at kahit pinagpawisan ako sa ginawa kong kalokohan, ay sumilip parin ako sa peep hole para malaman ang resulta ng kalokohan ko.
Nang binuhat nito ang kahon ay nahulog mula sa ilalim ang mga gamit nito kasama ang brief? What the? anong ginagawang brief jan?. Para akong kamatis na sobrang pula dahil sa nakita ko. Bakas sa mukha ni Kent ang pagkainis ng tignan nito ang ilalim ng kahon saka masamang tumingin sa apartment ko. Agad akong kinabahan ng maglakad ito papunta sa apartment ko saka kinatok ng sobrang lakas ang pintuan ko. Dahil sa pagkataranta ay basta ko nalang hinagis ang kutsilyo sa kung saan dahilan para madaplisan ako sa kamay.
Patakbo ako bumalik sa sofa at binuksan muli ang Tv habang sipsip ang daliri kong nasugatan. Alam kong tagaktak na ako ng pawis sa kaba. Nalintikan na, ako yung gumawa ng kalokohan pero ako itong kinakabahan. Mula sa pwesto ko ay sumigaw ako para kunyari nanonood lang ako ng Tv.
"Sandali lang! kung makakatok parang bahay mo ah?" sabi ko habang binubuksan ang pinto. Natulala pa ako sa mala adonis nitong katawan at natauhan lang ng tinawag ako nito.
" Did you do this?" sabi nito habang tinuturo ang mga gamit na nasa sahig. Napatingin din ako dito ng makita ko pa ang puti'ng brief na may tatak pa ng calvin klein ay namula ang mukha ko sa hiya. Napaismid ako at inosente s'yang tinignan.
"What are you talking about?NAnonood lang ako ng Tv dito." sabi ko dito habang nagpipigil ng hagikgik. Natatawa ako sa mukha nito na parang papatay ng tao. Kung sa iba siguro ay natako na sila, pero saakin natutuwa pa ako sa inis nitong mukha.
" Then Why are sweating? as if you run from your own crime?" he said while looking at me directly in my eyes. Napa-iwas ako ng tingin dito at nauutal na sumagot.
" nagpupush-up ako habang nanonood ng Tv eh bakit ba?" sabi ko dito ng nakataas ang noo. Nangunot din ang noo nito na para bang huling-huli na ako pero hindi ko parin gumawang umamin. As if naman na aamin ako, pambawi ko y'on sayo sa pagkakaksarado mo ng pinto. I evilly laugh in my mind ng natigilan ako sa sinabi nito.
"Then why do you have a cuts in your finger?" sandali akong natahimik at nawalan ng sasabihin kundi ang tumitig lang sakanya. Pero hindi parin ako umamin at itinanggi parin.
"Kumain ako ng strawberry gamit kutsilyo, nadaplisan ko." sabi ko dito buti nalang magaling akong magsinungaliung.
"tss..stupid reasoning." sabi nito at tumalikod na. Kinuha nito ang isang first-aid kit na nahulog din pala kasama nung brief at ibang gamit. Hindi ko na ito pinatulan pa at papasok na sana ako sa aprtment ko ng hawakan ako nito sa balikat at pinaharap sa kanya. Sisigawan kona sana ito dahil kanina pa napupurnada yung tawa ko dahil sakanya, ng inilahad nito ang bandaid sa harap ko.
Nagtataka ko naman s'yang tinignan, feeling ko tinubuan s'ya ng sungay sa ginagawa n'ya. Nang mapansin nito na hindi ako kumikilos at hindi ko kinukuha ang inaabot n'ya, ay sya na mismo ang nag-abot sa kamay ko at naglagay ng bandaid, habang ako ay tulala lang na nakatingin sa kanya.
" The next time that you will do some prank on me make sure that I won't be seeing it." sabi nito saka ibinaba ang tingin bago bumalik sa apartment n'ya, habang ako ay naiwang nakatulala. Alam naman pala n'yang ako yun eh bakit pa s'ya nagtanong?. Sa huli imbis na s'ya ang mainis ay kabaligtaran ang nangyari, dahil ako ang nabwisit sa kanya.