Chapter 2

2232 Words
"Huwag mo nang ipagkaila sa akin, Javier! Nakita ko kayo ng babae mo! Nakita mismo ng dalawa kong mga mata!" "Tang ina! Puwede bang tigil-tigilan mo ako riyan sa kahibangan mo, Grace? Nagtatrabaho ako nang maayos dito! Huwag mo akong pinagsasalitaan ng ganiyan!" Natahimik sila sa labas at nanatili lamang akong tuod sa loob ng kuwarto ko. I sighed heavily and continue scribbling on my notebook. Napangiti ako sa dami ng naisulat ko. Sometimes, pain was really helpful, huh... Pain was not bad after all. As a writer, I need to feel pain and love at the same time. That makes us feel alive. It was like a food for the heart. Sa dinami-rami ng nangyayaring hindi maganda sa mundo, itong puso kong natatanging nakaramdam ng sakit ang mayroong kakayahang makaintindi noon. Pain makes us understand even more and empathizes. Pain was motivating. "Nagtatrabaho ako para sa inyong dalawa ng anak natin!" My Father's voice was uncontrollably weak and emotional. Napahigpit ako ng hawak sa ballpen at itinuon ang atensyon lalo sa ginagawa. "Kung ganoon magtatrabaho ako, Javier upang wala ka ng maisumbat pa sa akin!" si Mama iyon. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng pinto sa kabilang kuwarto, marahil tunog na gawa ng Ina ko. Gaano ko man iwasan ang mga bagay-bagay rito sa loob ng bahay ay hindi iyon maiiwasan. Hindi ko maaaring takpan ang mga tainga at mata, sa ganoong paraaan mawawalan ako ng kakayahang makakita at makarinig. Higit na kailangan iyon para sa sarili ko gaya ng makaramdam. And even when I rest them for a while, my mother and father quarreling will be the only image I could see and sound I could hear. It's heartbreaking but I will be fine. It will be fine as long as I can feel that I am still existing. Ganoong paraan ko man sila parating nakikita, masaya pa rin ako. Sa tuwing lumilitaw ako sa gitna ng away nila ay pipilitin nila ang mga sariling magbati. If my existence was selfish, that doesn't matter to me at all. Kahit pilit man ang lahat ng iyon masaya ako dahil ganoonpaman, sinusubukan nilang magkaayos para sa akin. I feel important and happy. "Lunch time!" sigaw ko nang matapos ang huling subject namin sa umaga. Tumango si Amanda at ngumiti nang marahan sa akin. I flashed a grinning face. Nag-unat ako ng katawan bago nagsimulang magligpit ng mga notebook. I feel so exhausted inside our class. Kung yayaman kaagad ako sa pagsusulat, hindi ko na gagawin ang pag-aaral! Nakakapagod naman iyon at minsan hindi pa nasusuklian ang pagod mo. Sometimes studying too much will make other students hate you for being ahead of them so why would we even love to go ahead just to be hated? Going ahead will just give them an opportunity to hold onto your feet. Either to get dragged by you or to stop you midways. Mabigat ang may dinadalang pabigat at nakakababa sa sariling makitang nauuna na sila pagkatapos ka nilang mapigilan. Naunang akong natapos sa pagliligpit dahil kaunting gamit lang naman ang inilabas ko. Amanda was very keen in taking down notes. She was using lots of pen in different colors. May highlighters pa at stickers. If there's someone's notebook they could borrow to be certain of good scores, it could be Amanda's. Iyon nga lang, ako lang naman ang nakakahiram nito. "Tara na!" Hinila ko kaagad siya palabas ng classroom nang matapos siyang magligpit. Nagulat ito sa ginawa ko at halos nagpahila na lang sa taranta nang hindi na kayang tulungan ang sarili. Humalakhak ako habang hila-hila si Amanda sa kamay. She was panting so hard when we reach at the cafeteria. "Gia, bakit tayo nandito?" aniya pa at luminga sa maraming tao. "Bakit naman hindi? Mas maganda nga maraming tao kaya mas masaya!" "Puwede bang sa iba na lang tayo?" "Georgina!" hiyaw noong nasa isang mesa. Lumingon ako at kumaway sa kanila. They waved back at me with the huge grins plastered on their faces. Hinila ko si Amanda kung nasaan ang mga dati kong kaklase. I've been friends with them before. Magkaklase kami last school year pero dahil nagkahiwalay kami ng classroom, hindi na kami masyadong nagkakasama. That's when I get to know Amanda and make friends with her since she's alone. I am not usually a sucker for loners but I pity her for having no one. I do not know how it feels to be alone but I know it sucks so I tried my best to get close to her. Ngayon, sisikapin kong magkaroon din siya ng kaibigan bukod sa akin. "Gia, sa iba na lang ako kakain." Lumingon ako sa kaniya at napatigil sa kalagitnaan ng paghila. "Huh? Bakit naman? Naroon ang mga kaibigan ko, Amanda." "Iyon nga. Doon ka muna sa mga kaibigan mo. Sa iba na lang muna ako kakain." "Huh?" Natawa ako. Hindi ko siya maintindihan ngunit pinipilit ko iyong ilagay sa isipan ko. Napailing ako nang sa huli wala ring makuha. "Hindi. Ipapakilala kita sa kanila!" Her lips parted and left with nothing said. Wala siyang nagawa nang hilahin ko at nang makalapit na kami sa mga kaibigan ko sa kabilang section. "Georgina, upo ka rito." "Na-miss ka namin!" They pulled a chair for me. Nang makita si Amanda ay nagkatinginan sila bago rin siya pinaghila ng upuan katabi ko. "This is Amanda, my friend. Amanda, they're—" "Your friends," aniya bilang pagpatuloy sa sasabihin ko sana. Tumango ako at ngumiti nang malawak. She smiled at me too and nodded. "Nice to meet you, Gia's friends," bati niya sa kanila. Nagkaroon kami ng pag-uusap habang kumakain. I was laughing too hard whenever someone make a joke. Nanatiling tahimik si Amanda at kumakain lamang katabi ko. I wanted her to join in the conversation so she could try getting involved with other people aside from me. Napapansin ko namang sinusubukan din nilang pakisamahan si Amanda kahit palaging isang sagutan lamang ito. That alone made me felt relieved. Kadalasan kasi ay wala na talagang nagtatangkang kausapin si Amanda at para bang mas gugustuhin na lamang na manahimik siya. At minsan ay hindi na talaga sinusubukan pang umupo kasama sa iisang mesa si Amanda. "He was really so hot!" Humagikhik sila, pinag-uusapan na ngayon ang kadadaan lamang na lalaking schoolmate. Sinundan nila ito ng tingin at para bang kumikislap ang mga mata. May lumapit na mga lalaki rito at tinapik siya sa likuran. The guy grinned, namula ang pisngi ng mga kaibigan ko. Natawa na lang ako at tinutudyo sila. They liked him. They, I mean all of them and there was no rivalry at all. They just fancied him because he was handsome and popular. Hindi naman problemang magkagusto kayo ng kaibigan mo sa iisang lalaki. It will be a problem if you make a fuss about it. "Wala akong naaalalang may nagustuhan kang lalaki, Gia. Baka ngayon mayroon na!" "Hindi 'yan nagkakagusto sa lalaki. Ayaw niyan sa totoong mga lalaki!" biro pa nila. Humalakhak ako at sumabay sa biro nila. They were joking about how different the boys from books and reality were and then laughed it off. Hindi kailanman tumawa si Amanda kahit siya talaga ang unang gusto kong tumawa sa mga ginagawa kong biro. "Ikaw, Amanda? May crush ka 'no?" I fired, getting into the mood. Ngumisi ako dala ng panunudyo at sinundot siya sa tagiliran. "Uy!" Nagsimula na silang mang-asar dito at maghalakhakan. Amanda tugged her lips for a small smile. Mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para mang-asar sa kaniya at tanungin pa siya. Ganoon din siguro ang nararamdaman ng mga kasama ko at marahil naginhawaan dahil gumagaan na ang loob nito. Amanda and I were not really that close. Kakakilala pa kasi namin. I wanted to know her more. There was something about her that makes me stick to her. Isa sa mga dahilan ay ang naaawa ako sa kaniya ngunit alam kong kaunting porsyento lang iyon sa mga dahilan ko. More of it was still unknown to me and I wanted to figure it out. "Meron naman dati," aniya pa. They cheered her and pushed to give more details. "Pero pinipili ko lang ang gusto ko. Iyong alam kong gugustuhin din ako pabalik." "Ang boring naman no'n, gugustuhin ka pabalik! Gusto ko iyong maghahabol ako tapos ire-reject niya ako ng ilang beses epro hindi ako susuko. Tapos noong napagod na ako, siya naman iyong naghahabol!" "Oo nga!" They hit high fives for having the same ideology. I know it was a joke but seeing how Amanda’s eyes glint with annoyance scared me. Napailing si Amanda at natawa. Tumawa rin sila ngunit hindi ko na magawang ingiti ang mga labi. I felt like something's wrong that even if it's hard to figure out, I knew then through her aura. "You are all sticking out to the idealisms from the book. Hindi naman kayo fictional characters para maglaro nang ganoon." "Hindi naman kami naglalaro, Amanda," depensa ni Moore. "Talaga? Bakit iniisip ko mukha kang puppet sa ipinapahiwatig mo kanina? Gusto mo iyong takbo nang takbo kahit wala ka namang paroroonan. Hindi mo masisigurado na magugustuhan ka pabalik ng hinahabol mo." Doon lang tuluyang humalakhak si Amanda. She sipped on her softdrinks before talking again. "Baka nga ikatutuwa pa ng lalaki na sumuko kayo. Sometimes desperate girls are really annoying. No offense!" Nag-peace sign siya at malaki ang ngiti. I held my breath and wanted so bad to say anything. Nanatili akong tuod at sarado ang bibig gaano man kagustong sawayin sila para matigil na ang pangyayari. People with different principles in life wouldn't just get along especially if they were not aware of their differences. They will try to rake it on you and would scratch you if you were not to believe what they believed in. "May galit ka ba sa amin, Amanda?" Kumunot ang noo ni Amanda. Hinawakan ko siya sa kamay para ipahiwatig na huwag ng sumagot. Bumaling siya sa akin, nawala na ang ngiti kanina at parang iritado na. "Huh? Bakit naman ako magagalit sa inyo kung hindi ko naman kayo kilala?" "Right!" Maria laughed humorlessly. Tumingin siya sa akin, my breathing hitched. Iyong tingin nito ay parang dismayado sa akin dahil sa mga nangyayari. My lips parted, unable to talk. "Kaibigan nga pala kami ni Gia. We're just mutuals." Nagsitayuan sila kahit hindi pa naman tapos sa kinakain. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo na rin para subukan silang pigilan. "Hindi niyo pa tapos ang pagkain." "I am really disappointed, Georgina. You brought your friend with us." "We knew about her and that attitude but we wanted to be with you so we tried to get along. Sinubukan naming pero ayaw naming makisalamuha sa ganiyang ugali. Just phone us if you stop befriending her." "Teka lang!" Hinawakan ko ito sa braso. She looked at me with hostility. Napaatras ako at binitawan na lamang ang braso nito. "She just ruined our friendship." Umirap ito sa akin bago dinala ang sarili palabas ng cafeteria. I heard the dragging of the chair and Amanda stood up. Napalingon ako sa kaniya. "Huwag mo nang subukan." Ngumiti siya at umiling. "Amanda, galit ka ba sa akin?" "Hindi ako galit sa'yo o kanino man. I just hate it when you forced me to fit in your circle. It's obvious I don't belong anywhere, Gia. Huwag mo nang ipilit." "I just wanted to help you..." Humalakhak ito nang peke at naubo pa sa sinabi ko. Umiling-iling siya, kalahating gusto iyon sinabi ko at kalahati ring inaayawan ang ideyang iyon. "Why don't you help yourself first, Gia? You cannot expect yourself to pull someone up when you are falling over yourself. Huwag mo na akong tulungan dahil hindi ko na pinoproblema ang problemang iniisip mo sa akin." Inabot niya ang softdrinks niya bago naglakad paalis. Naiwan ako sa mesa ng cafeteria. Napaupo at at napasabunot ng buhok. I would never understand why she never thought of it as a problem! That was certainly a problem she doesn't want to admit! Bumalik ako sa classroom para ipagpatuloy ang klase. Amanda never spoke to me again that afternoon and neither I. Hindi ko na rin tinangka pa iyon. Kailangan ko munang walain iyong nangyari para hindi maging awkward sa gitna namin kung sakaling magkausap man kaming muli. I went home exhausted for the school quizzes. Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko si Mama na may kausap sa cellphone. Napasulyap siya sa akin at nagdadalawang isip kung ibababa ba iyong tawag o ipagpapatuloy. Iwinasiwas ko ang kamay at nagmano sa kaniya saglit. Tumuloy lang ako papasok ng kuwarto pagkatapos para makapagpatuloy na siya. Bago ko iyong tuluyang maisara, narinig ko ang boses ni Mama. "Oo, ayos na. Puwede na tayong mag-usap ulit. Pumasok na siya ng kuwarto at wala pa si Javier." Iniling ko iyon at isinara ang pintuan. I knew something in this family was wrong. Alam kong may problema at marahil binubuo na iyon ng isipan ko kung ano man iyon. I was there, I knew what was happening but I chose to ignore all of it. After all, ignorance is a bliss. The more I ignored it, it will be less heavy. Siguro nga kagaya lang rin ako ni Amanda. Alam kong may problema ngunit pipiliin kong huwag iyon isipin na problema. That it was all normal and nothing's wrong. Because that will be less burden. My life will be easier if I don't meddle with it. And maybe either I don't belong to any circle at all. Sa tuwing bumubuo ng bilog ay nilalagyan ng butas upang makawala. Upang sa tuwing magkakaroon ng problema ay basta-basta na lamang akong makakalabas at hindi na magpaikot-ikot pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD