First Love

1171 Words
[Lea's POV] Tahimik ang naging practice namin ni Eli. Kapag naman naa-outside ang bola ay malutong na napapamura ito at halatang mainit ang kanyang ulo. Nung mag-serve siya ay sinalo ko ang bola gamit ang kanang kamay ko. Agad naman siyang napaayos ng tayo dahil sa aking ginawa. "Bakit?" Nakakunot ang noong nilapitan niya ako. "Did Eion said anything to make you upset?" Nag-aalalang tanong ko. Iniwas niya ang kanyang tingin at umiling. "Wala." Your actions doesn't say so. "Then is there a reason why you're upset? May nangyari ba? You know that you can talk to me." Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "I know, ate. I trust you. I-i just can't talk about it as of this moment... not now." Sunod-sunod akong tumango upang ipakita na naiintindihan ko siya. "Just know that i'm always here." Nung lumapad ang ngiti niya ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa baseline habang pinapatalbog ko ang bola. "I heard you fight with my brother yesterday." Mabilis ko siyang nilingon. My heart skipped a beat when I realized that she was inside her room when me and Cy fought. Hindi ko alam na nakikinig pala siya kahapon. "Forget about it, El." "Hindi ganoon kadali kalimutan ang mga narinig ko kahapon. Hearing your confession, of how brave you are to fight for my brother... made me so jealous." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw kahit nung mag-unahan na sa pagtulo ang kanyang mga luha. "You're just so good in saying your feelings out loud and it breaks my heart cause I want to be like you, it broke my heart even more when I heard you cry." Humikbi siya at panay punas niya sa magkabilang pisngi niya pero hindi maubos-ubos ang kanyang mga luha. "I can't believe na kinaya niyang tiisin na makita kang umiiyak kasi ako, ate, hindi. Sobra akong nasasaktan kapag alam kong nasasaktan ka dahil kay Kuya. I can't help but hate him for hurting you!" Nung lumakas ang kanyang hagulgol ay doon lang ako natauhan. Mabilis kong binitawan ang raketa ko bago tumakbo at mahigpit siyang niyakap. Naiiyak na rin ako. Sa bawat hikbi niya ay parang pinipiga ang dibdib ko. "Please don't, El. Don't hate your brother for hurting me. Natitiis ko naman, e... kaya ko naman. Besides, I know you can't hate him." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang nag-uunahang mga luha ko. "Tama ka... especially nung pinanood ko siya kahapon na nagmamadali sa paghahanap ng payong para sundan ka. He doesn't want to lead you on, but at the same time ay hindi ka niya matiis." Nanigas ako sa pagkakayakap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makahinga. Si Cy? Susundan ako? "S-stop it, El. Sinasabi mo lang 'yan para magkasundo na kami ng Kuya mo." Umatras siya at nakangiting pinunasan ang sariling luha. She really looks like Cy, especially ang chinita niyang mga mata. "No, sinasabi ko lang sayo para malaman mo that my brother is not heartless as you think." Napatawa ako at iniwas ang aking tingin. Gusto kong hindi maniwala dahil alam kong aasa na naman ako... masasaktan naman ako pero alam kong hindi magawa ni Eli na magsinungaling sa akin. "You don't need to overthink. Hindi mo kailangang baguhin ang desisyon mong umiwas kay kuya dahil lang sa sinabi ko." Tipid ko siyang nginitian at iniling ang ulo ko. "Nothing will change my mind, Eli. Nakakapagod nang masaktan. Ang kuya mo kasi... sobrang hirap mahalin." Mapait akong ngumiti at bahagyang tumangla para pigilan ang mga luhang namumuo na sa mga mata ko. "Pero hindi ka pa rin sumusuko." "No. I'm done, Eli. Suko na ako. After four years of chasing, I am now officially raising my white flag. Hindi ko na kaya, suko na ako." Malungkot siyang napayuko dahil sa sinabi ko. I chuckled and ruffled her hair. "Don't tell me you still want me to chase after your brother?" Biro ko. "I don't want you to chase, ate. Sa akin lang... huwag mo munang patayin kung ano man ang nararamdaman mo para kay kuya. Konting tiis pa sana, ate. Alam kong hindi magtatagal... mahuhulog din siya sayo. Hindi man niya aminin, I know that he needs you." Matapos ang training namin ni Eli ay hindi na ako pumunta sa bahay nila. Kahit na panay pilit ni Eli na roon na lang mag-dinner ay tumanggi pa rin ako. "So, how is it?" Tanong ni Mommy habang nagdi-dinner kami. "Usual lang, nothing special to tell." "Tell me, Lea. Nagpasya na ba si Cy na ligawan ka?" Napatikhim ako at mabilis na ininom ang tubig na nasa harapan ko sa out of the blue na question ni Mom. "Mom!" Angal ko na ikinatawa niya. "Why? What's with your reaction, Adelaide?" "Ako 'yung may gusto sa kanya, e." "Umamin ka na ba?" "Oo, kaso... ayaw niya sa 'kin." Malungkot akong napanguso at bumaba ang tingin ko sa pinggan na nasa aking harapan. I was expecting to hear my Mom's laugh. Dad told me that Mom had multiple boyfriends before but of course, not at the same time. Habulin daw ito ng mga lalaki, kasama na roon si Dad. Matagal na rin siyang gusto ni Mom noong college sila kaso hinintay talaga ni Mom na si Dad mismo ang mag-first move kaya nung nag-confess si Dad, hindi na nagdalawang-isip pa si Mom at naging sila agad. I wish I was her. How easy can everything be if someone could reciprocate your feelings? Sana ganoon nga kadali. Sana naging ganoon na lang kadali. 'Yung tipo na magkatitigan pa lang kayo sa mata ng isa't isa ay malalaman niyo na agad na kayo nga ang itinadhanan. Kung ganoon nga ang sitwasyon, there would no heartbreaks, no doubts, no mixed signals. "Hindi natin mapipilit ang mga bagay na hindi talaga. The more we push things to become what they are not, the more we lose sight of ourselves. Nagiging selfless tayo para magustuhan nila tayo pabalik pero hindi natin alam na mas kailangan tayo ng sarili natin. Kasi, the only person who can embrace us fully is ourselves." Nakayuko lang ako habang patuloy na nakikinig sa sinasabi ni Mommy. "Okay lang magmahal, anak, just don't lose yourself for anyone. If Cy tells you to die for him, live for yourself. Romantic love is not the only love worth dying for. Pleasing someone without thinking about yourself is like being a child suffering from starvation and yet told to eat less." Hindi ko magawang pigilan ang ngisi ko dahil sa paratang ni Mom. Nung nakita niya akong nakangiti ay ngumiti rin siya. "I'll note of that, especially if it's coming from an expert." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mom sa sinabi ko. "You had a lot of boyfriends when you were young. So, who's your first love?" "They were my flings, Adelaide. Your Dad was my first love." Namilog ang mga mata ko sa nalaman. She chuckled because of my reaction. "D-dad was your first love?" "Yes, and the last one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD