[Lea's POV]
Napatitig ako sa sarili ko sa salamin nang ilang segundo. I tried to remember all the things that Cy said earlier pero kahit gaano kalalim ang pag-iisip ko ay wala talagang pumapasok sa ulo ko.
Ayan, ang yabang-yabang mo kasi!
Napapaiyak kong sinampal ang sarili ko. Sigurado ako na sa paglabas ko nitong banyo ay may mga papasagutan iyun sa akin. Mag-eexpect iyun na mataas ang score ko dahil sa kayabangan ko kanina.
Paano na 'to?
Dali-dali kong binuksan ang cellphone ko at sinearch sa google kung ano ang reciprocal.
Used to denote different kinds of mutual relation; often with reference to the substitution of reciprocals for given quantities.
Example:
The reciprocal of a number is the number you would have to multiply it by to get the answer 1.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil kahit may examples na ay hindi ko pa rin makuha. I tried to see the other definitions from other sources at doon ko lang nakuha.
So... baliktad lang pala 'yung reciprocal?
Tangina, ang tali-talino ko naman! Psh, baliktad lang pala, e. So easy! Sana hindi na lang ako nagpa-tutor kay Cy, nag-rely na lang sana ako kay google.
"Tama ba?" Pilit kong tinatago ang ngisi ko habang seryoso niyang tinitingnan ang mga sagot ko.
"You just switch the denominators and the numerators, Lea." Naguguluhan nitong ani.
"Hindi ba 'yan ang reciprocal?"
"Reciprocal ang tawag pero 'yung hinihingi kasi iba." Pinakita niya sa akin ang papel na sinagutan ko at pinaliwanag ang kailangan kong gawin.
"... Bali 'yung reciprocal hindi 'yan ang sagot. Gagamitin mo lang siya para pang-multiply para makuha ang final answer."
Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko dahil sa hiya. Marahas kong kinuha ang papel sa kanyang kamay at tiningnan ang mga sagot ko.
"Ano ang tinatawa-tawa mo?!" Galit na singhal ko nung makita ang pagnguso niya na parang pinipigilan ang sarili sa pagtawa.
"N-no, Lea. I'm not laughing, nothing's funny." Deny niya na mas lalong nagpapula sa buong mukha ko dahil sa inis especially nung makita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya.
"H-hindi pa ba dadating si Eli?" Napalunok ako matapos tanungin si Cy. Gusto ko man na huwag siyang kausapin pero alam kong hindi iyun posible dahil nandito ako sa bahay nila. Aghh! I want to act cold, pano ba 'to?
"Babalik din 'yun maya-maya!" Pasigaw na sagot niya habang inaasikaso ang kung ano sa kanyang kwarto. Umalis kanina si Eli at wala na akong tyiempo na tanungin siya kung saan siya patutungo. I badly want to ask Cy about that but no. Kailangan may limit ang pag-uusap namin. I don't want to be annoying, I need to stop.
Mabilis akong lumabas ng bahay nung makarinig ng paghinto ng sasakyan. Namilog ang mga mata ko at nagulat nung makitang lumabas si Eli mula sa sasakyan ni Eion. Kumaripas akong ng takbo palabas ng gate para salubungin siya.
"Oh my gee! Oh my gee! Is this for real?! Nag-date kayo? Ano, ano?" Sunod-sunod na tanong ko habang tumatalon-talon dahil sa excitement. Dinungaw ko si Eion mula sa bintana at sinimangutan lang niya ako.
"Nakita ko lang siya sa labas ng subdivision kaya nagpasya akong ihatid na lang." Walang gana niyang paliwanag. Sumulyap ako kay Eli ngunit iniwas lang niya ang kanyang mukha bago tumakbo papasok ng bahay.
"Ano na naman ang sinabi mo?" Nakapameywang na akusa ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"What the hell are you talking about?"
"I know for sure that rude words inevitably escaped from your tongue kaya ganoon ang reaksyon ni Eli."
"We just talked about the incoming party. Nothing more." May diing pagkakasabi niya at halatang naiinis.
"Come on, Eion. Really? Kahit anong deny mo alam kong may sinabi ka– ang bastos nito, ah! Humanda ka sa 'kin, Eion!" Malakas na sigaw ko matapos niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan nang hindi ako pinapatapos sa pagsasalita.
.
We were eating our lunch and I noticed Eli's silence. Hindi ito umiimik simula nung hinatid siya ni Eion.
"Something happened?" Napatingin ako kay Cy nung magtanong siya. Hindi niya ito sinulyapan si Eli at seryoso sa pagkain. Bumaling ang tingin ko kay Eli at kita kong bahagya siyang natigilan. Tumikhim ito bago uminom ng tubig. I thought she was about to answer but she just stood from her seat before leaving the dining.
"Finish your food," malamig na suway ni Cy sa kanya.
"I'm full." Supladang sagot niya at akmang uupo na sana sa sofa nung sumigaw si Cy. "Don't test me, Elizabeth!"
Napanguso na lang si Eli bago bumalik sa kanyang upuan na katabi ko nang nakayuko.
Pilit kong nilalabanan ang sarili na huwag ngumiti at sa sobrang pagpipigil ay hustong namula ang mukha ko. I don't know why and I know it's weird, but seeing him mad makes my heart go wild. He just look so... cute.
Bahagya akong umiling para alisin ang kung ano mang espiritu ang sumanib sa isip ko.
No, Lea, get a grip! He rejected you! He let you in the rain yesterday and it was freezing cold!
Tama! Tama! Hindi ako pwedeng maging marupok. I should have some respect for myself, nasosobrahan na ang pagka-obsessive ko kay Cy.
"Lea." Lalabas na sana ako ng bahay pero tinawag ako ni Cy. Nauna nang pumunta si Eli sa court para kami ang makauna.
Tahimik ko siyang hinarap. I looked at him and he look... just the usual. Seryoso ang mga tingin at sa lapit ng distansya namin ay hindi ko maiwasang mapaatras nang bahagya.
Even if I act cold and brave in front of him, I still couldn't help but to feel intimidated. Na kahit gaano kataas at katigas ang pader na ginawa ko ay natitibag niya sa isang titig lang.
"Can you ask Eli what's wrong? I know you're the only one she can open herself to." Nagulat man ay hindi ko pinakita sa kanya.
He asked me a favor... he just did.
"Alam kong nakakahiya na humingi ako ng pabor sayo matapos ang nangyari kahapon. Lea, I just... don't want to lead you on–"
"Stop, I don't want to hear it. Ang tungkol naman kay Eli, you don't need to ask. I know better than a heartless man like you."