[Lea's POV]
"Call me when you need me." Huling salita na narinig ko mula kay Eion at hindi ko na namalayang nakaalis na siya dahil na kay Cy lang ang buong atensyon ko.
Hindi pa rin ako nakaka-recover at nakaka-react sa ginawang paghalik ni Eion.
"Pasok ka, lumalakas na ang ulan." Cy didn't bother to wait for me. Mabilis siyang tumalikod at bumalik na sa bahay nila.
Yumuko ako bago naglakad nang dali-dali papasok sa gate at sinara iyun.
Napahawak ako sa ulo ko nung ngayon ko lang naalintana na nakasuot pala ako ng cap. It looks like Eion gave me his cap na hindi ko namamalayan.
Hindi ko maintindihan. Ba't niya ginawa 'yun? Why did he kiss me? Nakakagulo. Kahit nga yakap ay halos pilitan pa kung gawin niya pero kiss?! Damn, Eion, baliw mo talaga kung minsan.
Umupo ako sa couch nila at kinuha ang mga malaking folder sa mesa. Naka-compile na roon ang mga itatalakay ni Cy which are lessons from the previous quarter at konti lang ang mga lessons na idi-discuss pa lang next quarter.
Naka-summarize na roon at hindi talaga ako maiwasang mapamangha na siya mismo ang nag-type. Umabot ng halos 200 pages na konti na lang ay parang masisira na ang folder.
I think unfinished pa. 'Yung mga natapos na kasing reviewer ay nilalagay niya sa mas malaking portfolio.
"Are those lessons from the previous school year?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko habang nakaturo sa shelves na kung saan may mga portfolio roon na nakapatong-patong. Mga 12 yata na portfolio ang naroroon. Limang purple at 'yung pito ay kulay blue.
"Yeah, 'yung color blue ay from grade six to eighth grade. 'Yung purple ay mula ninth grade hanggang sa matapos na ako sa high school. Tatapusin ko pa 'yan." Tukoy niya sa folder na hinahawakan ko. Nakaturo siya roon pero nakaiwas naman ang mga mata niya sa akin.
"Start na tayo." Tumango ako at tumingin sa kanya. Naghihintay ako na lumingon siya pero nakatuon lang ang buong atensyon niya sa papel na hawak.
"We talked about arithmetic progressions yesterday, so heto." Inabot niya sa akin ang isang papel na puno ng mga variables and numbers. "Can you tell me how to add that?" He asked sabay turo sa isang problem pero nananatili lang ang mga titig ko sa kanya. Nakaawang ang mga labi ko habang sinusuri ang bawat bahagi ng kanyang mukha.
Matangos niyang ilong, mapulang labi, maputla niyang kutis at ang mala-chinito niyang mga mata na nakakahumaling. He's handsome pero sobrang suplado.
"Lea," naiiritang tawag niya at sa wakas ay napilitan siyang tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nung mahuli akong nakatitig sa kanya kaya dali-dali akong umiwas ng tingin.
"A-add ba?"
"Y-yeah, tulad ng tinuro ko sayo kahapon. Can you recall?"
"Iyung first term ay ia-add sa last term tas 'yung sum nilang dalawa ay ita-times sa number of terms, then divide sa two." Napalunok ako nung sa wakas ay nasagot ko siya.
Inangat ko ang tingin ko para tingnan ang kanyang reaksyon sa naging sagot ko pero nakanguso lang ito na parang pinipigilan niya ang pagngisi.
Binigyan niya ako ng mga five item test na puros solving about arithmetic. Tinuruan ako ni Cy ng maraming techniques na kung saan ay mas napadali ang pag-solve ko.
"You're the greatest teacher I ever had in Math." Wala sa sariling sambit ko nung walang kahirap-hirap kong natapos ang pina-solve niya.
"I'm not good at teaching, maybe you just want to study really well to impress me. Nasa courage ang pagkatuto, hindi sa nagtuturo."
"Kung alam mong hindi ka magaling magturo, ba't nag-offer ka na i-tutor ako?" Tumingin ako sa kanya at binasa niya ang pang-ibabang labi niya bago binaba ang papel na hawak.
"Because I want to help and I also need yours." 'Yun lang ang sinabi niya at tinuro ang isa pang papel na kinakailangan kong sagutan. Tumayo na siya at walang imik na pumasok sa kanyang kwarto.
Napanguso ako bago tumayo rin para umihi sa banyo. Hindi ko maiwasang mapatitig sa salamin nung makita ko ang sariling repleksyon. Agad na dumapo ang mga mata ko sa pisngi kong hinalikan kanina ni Eion. Hinawakan ko ang mismong spot na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mga labi niya.
Why, Eion?
Mabilis kong iniwas ang tingin ko mula sa salamin nung unti-unting pumula ang buong mukha ko.
"Cy, Tapos na ako!" I announced while pouting as I slouched. Ilang problems lang 'yung sinagutan ko pero parang sobrang sakit na ng ulo ko. Argghhh, this is the reason I hate studying. It exhaust me a lot.
"Cy? May ginagawa ka pa ba?" Tumayo ako at nagtaka nung hindi siya sumagot. Naglakad ako patungo sa kwarto niya at nakabukas nang bahagya ang pinto.
"Cy?" Tawag ko muli sabay tulak sa pinto nang mahinahon.
"Cy, are you alright?" Kumaripas ako nang takbo papunta sa kanyang kama. Nakahiga siya at maputla ang kanyang mukha. Nakabalot siya ng kumot at. nanginginig ang kanyang labi.
"Ang init mo!" ani ko matapos kong hawakan ang noo niya. "Sandali lang, babalik ako." Natataranta kong sabi bago lumabas ng kanyang kwarto.
Napasabunot ako ng buhok nung mapadpad ako sa kusina. s**t, ano ang gagawin ko?
Think, think! Think, Lea!
Ano ba ginagawa sa taong may lagnat? s**t, wala akong alam. Nagkakalagnat lang ako once every five years.
Natigilan ako nung maalala ang panahong nilagnat si Ron nung sumulong ito sa ulan. Si Eion 'yung nag-alaga sa kanya nung wala ang mga magulang ni Ron.
"Sumulong ka ba kanina sa ulan?" Tanong ko habang pinapahiran siya ng mainit na tubig gamit ang towel sa kanyang mukha.
Napalunok ako dahil kahit maputla siya ay sobrang gwapo niya pa rin. Magulo ang buhok nito at nakapikit ang matamlay niyang mga mata pero hindi ko pa rin maiwasang mabighani.
"Y-yeah, bumili ako ng prutas sa labas." Napabangon ito at iniwas ang mukha sa akin nung napaubo siya.
"May gamot doon sa medicine niyo, diba? Sandali lang, kukunin ko." Hindi ako nakaalis dahil pinigilan niya ako sa braso.
"You're taking care of me, I suggest you stop. You don't want your boyfriend to be upset, right?"
"B-boyfriend?"
"I saw Eion kissed you earlier. Both you and him have something. Don't bring me meds, I can take care of myself." Tumayo siya at tinalikuran ako.
"It was just a friendly kiss. Walang namamagitan sa amin ni Eion!"
"Oh, really? Then why did you blush? Hindi ka pumunta ng Miraya para manood, you went out on a date with him. Tama ba ako?!" Tumaas ang boses niya at nung hinarap niya ako ay namumula ang gilid ng kanyang mga mata. He's upset.
"Don't act like you care about me, Lea. Don't act like you want me when there is someone else." Parang naalimpungatan ako dahil sa kanyang sinabi.
"Why? Bawal ba na gustuhin kita? Bawal bang ipakita ko kung ano 'yung nararamdaman ko? There is no one else, ikaw lang."
"Eion likes you, damn it! He's always around you, he cares for you and both of you are close... really close. Tapos sasabihin mo na gusto mo ako?"
Napalunok ako at hindi ko na kaya ang nararamdaman ko kaya ay sinalubong ko ang kanyang tingin gamit ang matatalim kong titig. My heart wants to pop out and I can't take it.
"Humiga ka," malamig na utos ko.