He Doesn't Want Her

1169 Words
[Lea's POV] Nakita ko siyang napalunok at agad na lumambot ang kanyang ekspresyon. "Lie down quick! We don't have all day, Mr. De Jesus." Puno ng otoridad kong utos at hindi naman siya nagdalawang-isip na sumunod. Nung makahiga na siya ay agad akong lumabas ng kwarto niya para maghanap ng gamot. "Inumin mo na ang gamot mo para gumaling ka agad." I said and I tried so hard not to look into his eyes pero hindi ko talaga maiwasan. His hazel brown eyes met mine and just like everytime our eyes would meet, I could feel the tingling and butterfly sensation inside my stomach. "Please, Cy... inumin mo na." May halong pagmamakaawa ang boses ko. Binasa niya na ang kanyang pang-ibabang bago inabot ang hawak kong baso at gamot. Matapos niyang inumin ang kanyang gamot ay ramdam kong inangat niya ang kanyang tingin pero umiwas ako. "You're making me confused," bulong niya. "Na baka nagsisinungaling lang ako na may gusto ako sayo? Na 'yung totoo kong gusto ay si Eion at hindi ikaw? Iyun ba?" Hindi siya tumango, hindi rin siya sumagot. Humugot ako nang malalim na hininga. "You're also making me confused, Cy. You never said that you like me, so don't act as if you're jealous... as if you want me. Pinapaasa mo lang ako." Agad na akong tumayo at tinalikuran siya. I like it when he act as if he's jealous pero ayaw ko na nagpapakita siya ng motibo pero hindi naman pala siya willing mag-commit. Ayos na sana kung gusto niya rin ako kaso hindi, e. Napapalunok ako habang naghihiwa ng mansanas sa kusina. I have never thought that my hopeless romantic-self would end up taking care of Cy. Hindi ko aakalain na maging ganito ako kalapit sa kanya. Abot-kamay na sana kaso iba ang gusto niya. "Will always forever be loyal to Pauline," mapait kong bulong. "Tangina naman," malutong na mura ko nung aksidente kong mahiwa ang hintuturo ko. Ba't kasi hindi ako tinuturuan sa bahay kung pa'no maghiwa. Psh. "Kainin mo 'yan at magpahinga ka. Kahit huwag mo nang i-check 'yung mga sinagutan ko, ayos lang." Nakangusong sabi ko tsaka nilapag ang pinggan na puno ng mga prutas na hiniwa ko. Nanghihina niyang sinundan ng tingin ang mga prutas. Lumipat ang mga tingin niya sa akin at kita ko ang pangungulila sa kanyang mga mata. "Don't look at me like that," ani ko sabay iwas din ng tingin. "S-sorry... uuwi ka na?" "Hihintayin ko munang makabalik si Eli. I can't leave you like this." Tumango siya at binasa ang kanyang pang-ibabang labi bago bumangon at kinuha ang pinggan. "I'm not good when it comes to slicing fruits–" "No, it's perfect. Thank you." Napaawang ang labi ko sa responde niya. Ano raw? Perfect? Eh, halos mabulok na nga 'yung mga prutas sa lakas ng paghawak ko kanina. "You make efforts... it's enough. No one has ever treated me this way, not until you. Nasanay kasi sila na magaling ako sa lahat ng bagay, na akala nila hindi ko na kailangan ng tulong ng iba. Hindi nila alam na sa dilim ay nadadapa rin ako." Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig. "Anyways, thank you for your effort." "You're always welcome, Cy... always." Hindi nagtagal ay nakatulog na rin siya at dumating naman si Eli. Alalang-alala ito kay Cy at sinisisi ang sarili kung bakit nagkasakit. "It's okay, Eli." "No, ate. It's not okay. We should take care of each other kasi wala si Mom pero heto ako, panay gala–" "No, Eli. It's fine. You actually did me a favor." Ngiti ko at agad namang sumilay ang ngisi sa kanyang mukha nung ma-gets niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Baka mahulog na si Kuya kung lagi mo siyang inaalagaan. Baka pagdepende sa ibang tao na kinakatakutan niya ay magkatotoo." Ngumiti pa rin siya at agad naman akong napayuko sa hiya. Kahit paasa si Cy ay hindi ko pa rin maiwasang umasa sa sinabi ni Eli. Boto naman siya sa 'kin afterall. "Sana nga, El. Sana nga." Nung kinagab-ihan ay binuksan ko ang phone ko at pumuputok na naman ang notifications galing sa group chat. [Pierce: Dumiretso na akong umuwi nang mag-isa.] [Eve: I totally regret agreeing to ride with Ron. Kung kanino-kaninong mga bahay ng mga babae niya ang pinuntahan namin.] [Pierce: Gosh, that jerk. Anong oras kayo nakauwi?] [Eve: Ngayon lang, pinag-initan na naman tuloy ako ni Mom.] [Pierce: Next time talaga sumama ka na lang sa 'kin. @Rowan Finn i'm gonna shove away your girls, I mean it.] [Ron: That's impossible to happen, Dear Persephone. The girls love me so much.] [Pierce: Ugh, ba't ba ganyan ka?] [Ron: Talent] Napairap na lang ako nung mabasa ang conversation nilang tatlo. Ewan ko na lang kay Ron. Minsan hindi naman siya ganyan, tinotopak na naman siguro. [Eion: Konti na lang talaga ang mga matinong tao sa mundo. Sana mabaog ka, Ron, para hindi na madagdagan.] Napatawa ako nung sumali si Eion sa usapan nila. Tiyak kong tumatawa rin sina Eve at Pierce behind the screen. [Ron: Sumali-sali ka pa, matulog ka na lang.] [Pierce: Kamusta 'yung pinag-usapan natin, @Elliot Nathaniel ?,] [Eion: I did what you asked. Hinalikan ko siya kanina sa harap ni Cy.] Napanganga ako. So, si Pierce 'yung nag-utos sa kanya? Why would she do that? Tinawagan ko sila at mabilis naman silang nakasagot. "You did what?!" Agad na pambungad ko. "Sinabihan ko si Eion tungkol sa plano nating pagselosin si Cy. Why? Ayaw mo ba nun?" "I was just surprised. Hindi ko aakalaing ganoon kabilis papayag si Eion," sabi ko habang nakatingin kay Eion sa video call. Nakabalot ito ng kumot at basa pa ang buhok. "I was bored anyway," walang ganang saad ni Eion. "So how was it, Lea? Did it work?" Excited na tanong ni Eve at tipid lang akong ngumiti. "He got upset–" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na nagdiwang ang dalawang babae. "I knew it! He likes you!" "Oh gosh, it worked!" "Which got me confused," pagpapatuloy ko nung kumalma na sila. "Hindi niya sinabi na gusto niya ako pero parang nagpapakita siya ng motibo." "Don't worry, Lea. It's okay, take risk. Nasa sayo naman ang Tangang Umaasa Award simula seventh grade kaya go! You don't have anything to lose!" Napasimangot ako sa sinabi ni Ron. Nakangisi ito at mukhang natutuwa sa reaksyon namin. "Miss na kita, Ron. Gustong-gusto na kitang makita," gigil na gigil na ani Pierce. "Naks, sweet mo naman pero no. 'Di ako tumatanggap ng mga demonyong bisita." Napapailing na lang kami nung mag-ayaw na naman si Pierce at Ron. May pagka-man hater talaga ang babaeng 'to. Kung hindi si Ron ay si Eion naman ang palagi nitong kaaway. "What do you think, Eion?" Tanong ni Eve at agad namang tumahimik ang dalawa para makinig. "Lea should just give up already. If it's not a yes, then it's a no. No need to overthink. I think it's clear that Cy doesn't want Lea."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD