Tutorial Video

1051 Words
[Lea's POV] Agad kong pinatay ang tawag at mahigpit na niyakap ang aking unan. I am upset dahil sa sinabi ni Eion. Parang sampal ang kanyang sinabi na kahit anong gawin ko, hinding-hindi ako magugustuhan ni Cy. Mapakla akong napatawa at inunan ang sarili kong braso. Tomorrow is another day and i'm not giving up on Cy. Never. . "Mom, aalis na ako." Paalam ko kay Mom bago kinuha ang maliit na puyo na may lamang sandwich na ginawa ni Manang. "Susunduin ka ba ni Eion?" Tanong ni Dad bago kinuha ang kanyang kape sa may kitchen counter. Umiwas ako ng tingin at ngumiti nang peke nung marinig ang pangalan ni Eion. "M-magpapahatid na lang siguro ako kay manong. He's busy, e." Natigilan ako nung makarinig ng busina sa labas ng bahay. Hindi ko maiwasang mapapikit nang mariin nung makilala ko kung sino 'yun. "That's Eion's car, right? I guess he's not busy afterall when it comes to you." Tukso sa akin ni Dad at kinindatan ako pero inirapan ko lang siya. He thinks kasi na may gusto sa akin si Eion which is a bluff. Nung makalabas ako ng bahay ay agad ko siyang inirapan nung magtama ang aming mga mata. Nakahilig siya sa kanyang Land Rover Evoque habang nakasuot ng itim na polo at jagger pants. Parang may date ito, dagdag pa ang itim niyang sunglasses na nakakabit sa kanyang ulo. "Manong, can you start the car now please?" "P-po? Sabi ni Sir Eion siya raw maghahatid sayo–" "Anak ako ng boss mo, Manong. Huwag kang makinig diyan." Mabilis namang tumango si Manong bago dumiretso sa garahe. "Nag-away ba kayong dalawa?" Nagulat ako nung lumabas sina Mom at Dad na magkahawak ang kamay. "I-i'm just not in the mood–" "She's upset about what happened last night, Tita." Nakangising sagot niya kay Mom at hindi ko maiwasang panliitan siya ng mata. "Last night? Oh my gosh! May nangyari na ba sa inyo, Lea?!" Nakaawang ang labing hinarap ko ang parents ko. Nanlalaki ang mga mata ni Mom at nakahawak sa kanyang dibdib habang si Dad naman ay magkasalubong ang kilay at umiigting ang panga. "What is the meaning of this, Adelaide Eleanor?!" "Dad, calm down! Walang may nangyari sa amin. Both of you know na nasa kwarto lang ako buong gabi. Gosh!" Napahawak ako sa noo ko at sinamaan ng tingin si Eion na nakahawak sa kanyang tiyan sa sobrang lakas ng kanyang tawa. "It's not funny, Eion. Absolutely not funny. Mom, Dad, pagalitan niyo nga si Eion, he tried to prank both of you!" Lumingon ako muli sa parents ko at parehos din silang natatawa. Nakakatawa 'yun?! Eion pranked them of sleeping with their daughter and they find it funny?! "Ewan ko sa inyo." Naiinis na bulong ko bago sumunod na kay Manong. "Tampo ka naman agad. Sige na, sumabay ka na sa 'kin." Mabilis kong iniwas ang braso ko nung akmang hahawakan iyun ni Eion. "You don't have a license." "Hindi naman gaano kalayo ang bahay ni Cy." "Quit it, Eion. Hindi ako sasabay sayo. Period." Sinamaan ko siya ng tingin at sumusukong tinaas niya ang magkabilang kamay niya. "Fine, but i'll fetch you later, Lea." Inirapan ko na lang siya bago tuluyan nang pumasok sa sasakyan. Tumingin ako sa bintana at nakitang inaya siya nina Mom na pumasok at agad din namang sumunod ang tukmol. Nag-stop over muna kami ni Manong sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng prutas. I don't care what others would think kahit mga kaibigan ko pa. I love Cy and no one is going to stop me from loving him. "Ate!" Agad akong natuwa sa reaksyon ni Eli nung makita niya ako. "Good morning! Kamusta na ang kuya mo?" "He's resting in his room. You can check him if you want." Kinuha ni Eli ang mga binili ko at agad naman akong sumunod sa kanya. "Ikaw nagluto?" Tanong ko nung makita ang omelette at sinangag sa ibabaw ng lamesa. "Of course! Madalas si kuya lang pinapaluto ko kasi tamad ako. Magpapa-tutor ka ba sa kanya, ate?" "Of course not. I'm just here to check up on him." "Naks, worried. Sige na, pumasok ka na sa kwarto niya." Nginisihan niya ako at kinindatan. I rolled my eyes at her kahit sa totoo ay kinikilig din ako. "I'll cut some fruits muna. Yung gamot niya nainom na ba niya?" Napakamot sa ulo si Eli at awkward siyang ngumiti, I guess nakalimutan niyang sabihan si Cy na uminom ng gamot. Inangat ko yung hintuturo ko habang naghihiwa, it's still sore pa kasi at ayokong madagdagan ang sugat ko. I put the bowl of fruits in a tray along with Cy's medicine and a glass of water. When I went to his room, his door was already open. I am expecting to see him lying on his bed, pero agad na nagsalubong ang kilay ko nung makita siya na kaharap ang kanyang laptop at seryosong nagpipindot nang kung anu-ano. Magulo ang kanyang buhok at maputla pa rin siya. "What are you doing? You're supposed to be resting." Mabilis akong tumungo sa mesa niya at nilapag ang tray bago siya tiningnan nang nakapameywang. "Good morning too," he sarcastically answered without taking his eyes off the screen. "Come on. Take your meds please and stay away from the screen muna at baka sumakit ulo mo." Pakiusap ko. Bumuntong-hininga siya at walang pag-aalinlangang sinarado ang kanyang laptop. Hinarap niya ako at parang instinct na lang na agad akong umiwas ng tingin. "I'm not your responsibility, Lea." "I know," napapalunok na sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Then why are you here?" "Because I care about you and you mean a lot to me, and it would help me calm down if iinumin mo na yung gamot mo." Tipid akong ngumiti at akmang aalis na nung nagtanong siya. "Ikaw ba naghiwa ng mga 'to?" Tukoy niya sa mga prutas. "Ako nga." "Ba't iba na? It's not mushy." "I watched a tutorial video kagabi kung ano paano maghiwa ng prutas properly." Nagkasalubong ang mga kilay ko nung makita ang reaksyon niya na nakanganga at namimilog ang mga mata. "What?!" "You watched a tutorial video on how to slice fruits properly?" Hindi makapaniwalang ulit niya na ikinairap ko. "Oo nga, paulit-ulit! Kairita, bahala ka diyan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD