[Lea's POV]
Napalunok ako nung unti-unting umikot si Pauline dahilan para mapatingin siya sa gawi ko.
"Lea? Cy, look! Lea is here."
Waley na, deds na me.
"P-pau, magti-take out kayo?" Pilit akong ngumiti. Kalma lang, Ley. Don't panic, don't stutter, don't stumble. Ipakita mo na hindi ka nai-intimidate kay Pauline at hindi ka naiilang sa presensya ni Cy.
Lumingon si Cy at nagtama ang mga mata namin, at halos mabitawan ko na ang mop. Bwisit, yung puso ko hindi magawang kumalma.
"You're working here?" Oo, obvious na obvious kaya. Akala ko ba matalino ka?
"Y-yeah, part-time lang."
"Really? Diba your Dad is a pilot and your Mom is working as a bank manager?" Tumango ako. "Why do you need a job anyway?"
"They don't actually know. Nagta-trabaho ako para matustusan ang mga luho ko."
"You mean, playing tennis?" Wala na ba siyang maisip na ibang bagay? Kapag tennis, luho agad? Akala ko malawak ang utak nito.
"Parang ganoon na nga."
Come on, please stop talking to me. Nakakarindi ang mukha mo kahit mas maganda ka pa sa akin.
"Order muna kami, Ley."
"Yeah, sure."
Lumapit na si Pauline sa counter habang si Cy naman ay naiwang nakatingin sa akin. Hindi ko maigalaw ang mga katawan ko. Kahit na gusto kong iiwas ang mga tingin ko ay hindi ko magawa. Kakausapin ba niya ako? Palihim kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nung akmang magsasalita na siya–
"Cy! Ano nga yung sayo?" Psh, sarap ilampaso.
Napairap ako at padabog na kinuha ang balde bago naglakad patungong kusina.
Tsk, he was about to talk to me... for freaking real! Kung wala lang sana si Pauline, everything would have been easy for me to get Cy.
.
"Miss Gonzaga, kindly solve the question on the board." Napalunok ako nung marinig ang apelyido ko.
Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa board. Kinuha ko ang chalk at napaestatwa nung makita ang tanong.
The arc length of a central angle is 8 and the radius length is 5. What is the measurement in degrees of the central angle?
Paano nga kunin ang measurement ng central angle kung ang given ay ang arc length at radius?
Napakagat ako sa aking labi nung nanginginig ang kamay ko habang nakahawak ng chalk. Hindi ko alam kung paano... kung ano ba ang dapat kong gawin para masagot ang tanong.
"Miss Gonzaga, we need an answer right now."
Hindi ako makasagot at nagsimulang maglagay ng answer na hindi ko alam kung saan ko napulot.
120 degrees
"Paano mo nakuha yan, Miss Gonzaga? We need to see the process."
Yun lang nga ang problema. Marunong akong umimbento ng sagot pero hindi ng formula o ng process.
"Go back to your seat, Miss Gonzaga!" Napayuko ako at bumalik na sa aking upuan. My teacher gave me a glare before she starts to answer the question on the board and explain every process.
"You failed again this time, Miss Gonzaga. Ano ba ang hindi mo maintindihan sa leksyon natin?"
Napayuko ako nung tinawag ako ng History teacher namin pagkatapos ng dismissal. Ako kasi ang may pinakamababang marka sa test kanina.
"You're talented and skillful, Miss Gonzaga... but all of it is useless if you don't have intellegence. How do you plan to make it in life?" My Biology teacher asked me.
"Do you have any dream, Miss Gonzaga? Bukod sa paglalaro ng tennis, ano pa ang alam mo?" Kwestiyon sa akin ng MAPEH teacher namin sa kalagitnaan ng klase.
Napahigpit ang yakap ko sa aking unan habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
They talked as if i'm the worst and dumbest student they know. Just because I failed my acads, they have rights to criticize my future. Hindi nila maintindihan, hindi ako sumasaya sa pagbabasa ng libro o pagsagot ng mga test. Schooling was never fun for me.
Dahil lang madali sa ibang estudyante ay dapat madali rin sa akin. Kung kaya nila, kaya ko rin? Oo, alam kong kaya ko pero wala akong courage... kasi hindi ako masaya sa pag-aaral. Why can't those teachers make me feel that learning is fun? Why can't they make me smile while studying?
Between me and those teachers. Mas sasabihin ko na sila ang failures. They failed to educate me according to my needs. They all teach us the same way with no fun nor excitement at all.
"Or am I just making up reasons to cover up my stupidity?" Napabuntong-hininga ako at suminghot.
Hindi ko na alam. Parang ang bobo-bobo ko kung tumingin sila sa akin. Maybe that's the reason why Cy likes Pauline, because she's intelligent, beautiful and guy's dream... habang ako, nandito lang, nakatunganga at hindi alam kung makakapasa ba ako ngayong school year.
.
Nakamukmok lang ako sa ilalim ng puno habang nakatingin sa mga estudyante sa loob ng gym na nakaupo at naghihintay na tawagin ang kanilang mga pangalan para kumuha ng awards sa stage.
You bet it, hindi ako nakapasa. My average is 84 and both my minors and majors didn't made it either.
"Tapos na kayo? Congrats." Ngumiti ako sa mga kaibigan ko nung makita ang medals sa kanilang mga leeg.
"Thank you! Ikaw dapat next time ay kasama ka na namin."
"I'm still working on that one."
"Lea!" Tumingin ako kay Ron matapos siyang makipag-usap sa kanyang kaklase. "Ano?"
"Narinig mo na? Hindi raw nakapasa si Cy."
"H-ha?" Parang nahirapan pa yung utak ko para i-sink in ang sinabi ni Ron.
"Hindi raw nakapasa si Cy."
"Seriously? Si Theo Cyrus De Jesus ba talaga yung tinutukoy mo, Ron?" Magkasalubong ang mga kilay na pagkompirma ni Pia.
"Yeah, kahit halughugin mo pa ang buong gym ay wala siya roon. Kahit yung mga kakilala ko sa section niya ay ganoon din ang sinabi. Hindi raw siya nakapasa ngayong quarter."
"But that's nearly impossible. Cy is smart and he even won brainy competitions before."
"It's nearly impossible, but not totally. Malay mo nawalan siya ng gana ngayong quarter," pagbibigay ng rason ni Eion.
"Saan ka pupunta?" Tanong nila nung tumayo ako at inayos ang aking uniform.
"I need to find him."