[Lea's POV]
"Table number four at table number twelve." Kinuha ko na yung tray bago lumabas ng kusina para ihatid ang mga orders at nagulat ako nung makita ang mga kaibigan ko sa labas na nakatingin din sila sa akin habang nakaawang ang mga labi.
Kita ko silang dali-daling pumasok habang ako ay abala naman sa paghahatid ng mga orders.
"Shutangina, kanina pa kami naghihintay, nandito ka lang pala." Nakasimangot na hinarap ako ni Pia.
"Ang bagal-bagal niyo, yan tuloy naghanap na lang ako ng trabaho."
"Seryoso ka, Lea? Does your parents know about this?"
"I bet your Mom would go crazy if she sees you here."
Napabuga ako ng hangin nung minention nila si Mom. They're right, I could already see my Mom crying and begging me to leave the shop.
"I don't have any choice. Mas makakalaro agad ako kung iipon ako ng pera at sa ibang court na lang maglalaro." Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ko.
"Lea, maybe you should just focus more on your studies–"
"Lea!" Napalingon kami nung may tumawag sa akin at nakita ko si Miss Chin, ang manager ko, na pinapaypay na niya ako.
"Got to go back, may trabaho pa ako. Kayo na lang tumambay muna." Nakangiti akong kumaway sa kanila bago tumalikod na.
.
Hindi ko maiwasang magpangalumbaba habang tinititigan ko ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Nagbabasa siya ng libro habang nakaupo sa bench na hindi gaano kalayo mula sa kahoy na tinatambayan ko. Mag-isa lang siya at tutok na tutok sa kanyang binabasa.
"Yung panga mo, Lea, pakipulot."
"Baka matunaw si Cy niyan, Lea."
Napairap na lang ako nung dumating na ang mga epal. Tss, sarap magmuni-muni, e.
"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya? Ilang taon mo na siyang crush, ah."
"Paano ko sasabihin sa kanya? Eh, hindi nga niya ako pinapansin." Napanguso ako.
"Baka kasi nahihiya rin siya sayo kasi crush ka rin niya." My head immediately turned to Pia for what she said. "Sa tingin mo ba, gusto rin niya ako?"
"Siguro, bakit hindi–"
"Ayy, Lea, huwag kang magpapaniwala diyan. Niloloko ka lang niya, walang alam yan sa mga lalaki."
Napabusangot ako dahil sa turan ni Ron. Ang isang 'to talaga mahilig manira, sarap ipangpunas sa mesa.
"Epal mo talaga. Tintanong ko lang kung may chance ba ako kay Cy."
"Ilang taon mo nang crush, it's obvious that he doesn't likes–"
"Isang sabat mo pa, tatamaan ka talaga sa akin." Banta sa kanya ni Pia dahilan para mabilis niyang tinikom ang kanyang mga labi.
"Come on, Pia. Masasaktan lang si Lea kung patuloy mo siyang kukunsintihin. She's still 16, I bet she'll find someone else." Napatahimik silang lahat nung biglang magsalita si Eion nang nakakunot ang noo. Hindi ko maiwasang mapayuko sa huling sinabi niya.
I'll find someone else? Gosh, I can't imagine myself falling in love with someone else. I mean, everything looks so blurred when he's around... he's the only one that I can see.
"May nanligaw noon sayo diba, Lea? Nung nakaraang summer?"
"Yeah, but I turned him down."
"Agad-agad? Kawawa naman si boy. Ba't naman ni-reject mo siya?"
"Simple, he's not Theo Cyrus De Jesus."
"Torete mo naman, girl." Humahangang sambit nina Pia at Eva na siyang ikinangiti ko. They witnessed how my feelings for Cy grow ever since day one.
"Everyone is unique, Ley. You don't expect to find another guy who will look like Cy, dress like him or even talk like him." Turan ni Eion.
"Exactly my point. Si Cy lang ang lalaking kaya kong mahalin."
.
"Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Eion nung maabutan niya ako habang papalabas ng gate.
"Hindi pa, may trabaho pa ako."
"Seryoso ka talaga sa pagta-trabaho, ah."
"Oo naman. I'm desperate to play again. Ikaw? Wala na kayong laro diba?"
"Yeah, bakit? Gusto mo bang maglaro ng badminton pansamantala?"
Iniling ko ang ulo ko. "Baka mawala na yung tennis instinct ko pag naglaro ako ng ibang sports."
"Loyal mo naman."
"Oh? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko nung patuloy pa rin siya sa paglakad kasama ko kahit lumagpas na kami ng parking.
"Ihahatid na kita sa trabaho mo at gusto rin kitang makausap."
"Hmm? Tungkol saan?"
Kahit na mapagbiro si Ron at suplado si Eion, mahal ko silang dalawa kasi ramdam mong kaya ka nilang protektahan sa kahit anong paraan. Naalala ko pa noon na sobrang nagalit si Eion at Ron kay Eva nung binibiro siya ng kanyang mga kaklase na humithit ng yosi. Buti na lang at dumating yung dalawa.
"Tungkol sa paglalaro mo. Naglalaro ka ba dahil mahal mo lang ang lawn tennis... o dahil kay Cy?"
Napangisi ako dahil sa kanyang tanong. "Kay Cy? Ba't naman nasali si Cy sa usapan?"
"Because you want attention from him. Noon ko pa nakikita sa mga mata mo ang tunay mong intensyon sa paglalaro."
"No, mali ang nakita mo. Oo, gusto ko nga ng atensyon mula kay Cy pero hindi sa paraan ng lawn tennis. Naglalaro ako dahil sa tennis lang ako sumasaya... yun lang, wala nang iba pang rason."
.
Pinunasan ko ang mga pawis ko bago humugot ng malalim na hininga. Tumingin ako sa sarili ko sa salamin at ngumiti.
Training na rin sayo 'to, Lea. Kahit hindi ka pa naglalaro ay nawo-workout mo na yung mga braso at binti mo.
"Lea, pakilinis nga ng labas."
"Nandiyan na po!" Responde ko bago kinuha na ang balde at mop bago tumungo sa labas.
"Sorry kung minsan na lang tayo gumala, ah. Busy kasi at iba-iba yung schedules nating dalawa."
"Ayos lang, naiintindihan ko naman. We can also hangout in summer even in sembreak, malapit naman kasing matapos yung second quarter."
Napahigpit ang hawak ko sa mop nung marinig ang pamilyar na boses.
Si Cy ba? Nandito ba si Cy?
Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakitang nakapila nga si Cy sa harapan ng counter. Hindi ko maiwasang mapalunok nung makita ko kung sino ang kasama niya.
Pauline Lilibeth Nguyen.
Sa ibang school na siya pumapasok, nagkikita pa rin silang dalawa. Ano yun? Hindi matiis ang LDR? Nice.