Dishwasher

1031 Words
[Lea's POV] I pulled my hair out of frustration and gritted my teeth. Studying... is the worst and I hate it! Halos magdadalawang-oras na akong nagre-review tungkol sa mga past lessons pero ni isang pangungusap ay wala akong maintindihan. Parang nahihilo ako, maraming explanations, analysations, at formulas. Ba't ko ba kasi kailangan 'to? Magiging lawn tennis superstar naman kasi ako, hindi isang mathematician o doktor. Tumingin ako sa racket kong nakasablay sa dingding at napangisi. Sabi ni Coach ay bawal akong maglaro sa court ng PHS. Tss, hindi lang naman yun ang court dito sa Pilipinas. So, ang gagawin ko na lang ay titipirin ang allowance ko para may panglaro ako ng tennis. Easy! Tss, no one can't stop me from playing. "Mom, ano ang nangyayari? Where are you taking them?" Naguguluhang tanong ko nung makita ang mga kasambahay namin na bitbit ang halos isang dosenang raketa ko papalabas ng aking kwarto. "Well honey, your Coach talked to me and I guess you need to stay away from playing temporarily. Your Coach advised me to discipline you and I guess this is the right way." Her smile reaches her eyes before shrugging. "Mom, don't take my rackets away! What I need is a tutor!" "A tutor? Honey, I think you should practice self-discipline as well. I won't get you a tutor, you're 16 for pete's sake." Nalaglag na lang ang balikat ko sa sinabi ni Mom. "And by the way," pahabol niya bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto ko. "I will also deduct 20% of your weekly allowance." Fuck! . The silence is f*****g killing me! Sobrang tahimik at parang mababaliw na ako. Gusto kong makarinig ng pagtalbog ng bola at pagngilo ng sapatos. "May quiz daw kayo mamaya, Lea. You shouldn't waste your time thinking about random things." Napanguso ako nung masita na naman ako ni Madaam Pia. "Turuan niyo kasi ako. Paano ko ba matutunan 'to kung babasahin ko lang?" "Intindihin mo kasi, Lea. Iba yung studying sa oral reading!" Inirapan ko si Ron dahil sa pagsulpot niya sa usapan. "Ang hirap ngang intindihin. Ba't kasi may Pi pa at ano itong Sin at Cos?" Naiiritang kinamot ko ang ulo ko at parang naiiyak na. Ba't hindi ko maalala na diniscuss ito ng teacher namin? Huhu. "Pinagsasabi mo diyan?" Nakakunot ang noong lumapit sa akin si Pia para tingnan ang librong nakabuklat sa harapan ko. "Aray!" Napahawak ako sa aking ulo nung bigla-bigla na lang akong nakatanggap ng batok. "Pang-senior 'tong libro! Central angles pa lang yung lesson niyo, Lea! Kita mo naman, pati pagpili ng libro ay mali-mali pa. Hayy nako, Lea." "Sorry na nga. Tao lang, e." Kaya pala wala akong maintindihan. Mali pala ang librong nakuha ko kanina sa library. Psh, kung makalait si Pia parang ang laki-laki ng kasalanan ko. "Eva, paturo nga. Diba matalino ka naman sa angles at mga calculations?" Panay kamot din ni Eva sa kanyang ulo habang nakikitingin sa libro. "Bagsak din ako sa math, Lea. Sa bowling lang lumalabas ang calculation instincts ko. Try mo kayang manood sa youtube, yan yung ginagawa ko kapag nahihirapan ako." . Math Quiz #2 - 6/15 Math Quiz #3 - 3/15 TLE Quiz #1 - 14/20 Aral Pan Quiz #2 - 0/10 Aral Pan Quiz #3 - 2/15 Science Quiz #3 - 4/15 Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang mga palad ko matapos kong tingnan ang mga resulta ng mga quiz ko ngayong araw. Wala pa ring improvements, kahit anong aral o pakikinig ko sa teacher ay walang epek. Mukhang matatagalan pa talaga bago ako makalaro. "Hey, narinig mo na?" "Ang alin?" Tanong ko nung lumapit sa akin si Eion. "Yung balita." "Aling balita ba?" "Yung nangyari sa Regionals." "Bakit? Anong nangyari?" "Tungkol sa team." "Huwag mo akong ginagago, Eion. Kung putol-putol yung chismis mo ay umalis ka na sa harapan ko bago pa kita masabunutan." Pinandilatan ko siya ng mata na ikinangiwi niya. "Si Violet... talo raw noong Regionals." Parang nabuhayan ang sistema ko dahil sa ibinalita niya. Mabilis kong sinarado ang libro ko at hinarap siya. "Spill the details, Eion." "A lot of students were disappointed and they even protested to bring you back to the team but the school is persistent. Your grades is your only key to play again." Twenty percent pa talaga yung binawas ni Mom sa allowance ko. Hirap pagkasyahin ang pera ko sa buong linggo kung magtatabi pa ako para sa paglaro. Wala rin akong racket at umaabot ngayon ng ₱8,000 ang brand new while ang second hand naman ay ₱2,500 ang pinakamura. Parang mamamatay na yata ako. . [Me: Sampung minuto na akong naghihintay. Nakakairita na.] [Pia: Just wait there, konti na lang. Marami kasing tao rito sa restroom.] [Eion: Susunod kami. Pinapagalitan pa ni Coach si Ron, e.] Napabuntong-hininga ko bago pinasok ang phone ko sa bag at humalukipkip. Tatambay kami sa Takoyaki House malapit lang sa PHS. Usapan namin ay sabay na kaming pupunta roon pero heto ako, nakatayo sa labas ng isang fastfood chain habang naghihintay sa kanila. Kahit kelan talaga! Ako palagi ang naghihintay at halos 30 minutes late sila tuwing may lakad kami. "Ikaw ba yung mag-aapply?" Halos mapatalon ako nung may bigla na lang nagsalita sa gilid ko. Babae siya na nakasuot ng hairnet at apron. "P-po?" "Halika at para makapagsimula ka na agad." "Namali po yata kayo–" Napakamot ako sa ulo ko nung hilahin niya na lang ako papasok sa isang pinto at bumungad sa akin ang makalat na kusina. Amoy pinaghalong sabon at ginisang bawang. May tatlong tao rin sa loob na abala sa kani-kanilang mga gawain. "Magiging isang dishwasher ka rito, basic na gawaing bahay lang naman yan kaya alam kong alam mo kung paano maghugas ng pinggan ang pinagkaiba lang ay dapat mas mabilis ang paggalaw mo. Kung walang masyadong hugasin ay maglinis ka sa labas o hindi kaya ay maghatid ng mga orders. Yung sahod mo naman ay ₱680 kada oras." 680?! Kung dalawang oras ay magkakapera ako ng 1,360 at sa isang linggo ay kikita ako ng 9,520. Pwede na yun pambili ng brand new na racket at pangrenta ng court. "Kailan po ako magsisimula?" "Ngayon na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD