[Lea's POV]
"Tsk," tinapon ko ang card ko sa aking kama nung makita ang grades ko.
Grades don't matter. It's just a f*****g piece of paper, it won't define what kind of person I will be in the future.
Padabog kong hinila ang racket ko bago sinablay iyun sa aking balikat para makapag-practice na sa school.
"Ano?!" Nakakunot-noong singhal ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Coach.
"You heard me right, Lea."
"You got to be kidding me. Ano ang ibig mong sabihin na hindi ako makakalaro bukas? Coach, malapit na tayo sa Nationals, ba't kinakailangan mong tanggalin ako sa team?"
"Your grades did not reach the standard to compete in the Regionals. I'm sorry, Lea, but the school forbid you from playing. Nung nakaraan ay pinagbigyan ka lang namin dahil sa galing mo sa lawn tennis pero ngayon, wala na kaming magagawa. Kinakailangan ka naming tanggalin."
"Coach naman, the team made it this far because of me. You can't just ignore the privilege that the team has."
"Stop it, Lea. Sinuway mo rin ang utos ko. Naglaro ka kahit na alam mong bawal. Sinabihan na kita na after dismissal yung practice para hindi maging distraction ang sports niyo sa pag-aaral pero nilabag mo pa rin ako. I forbid you not only from playing but also stepping your feet inside the court again."
Parang nanlumo ako sa sinabi ni Coach. Nawalan ng pwersa ang katawan ko at hindi sadyang nabitawan ko ang aking raketa.
"Kung maaayos mo muli ang grades mo ay hahayaan kitang sumali muli sa team pero pansamantala ay kalimutan mo muna na minsan kang umapak sa court na ito."
"You can't do that. Coach, my grades doesn't define my worth. Ano naman ang saysay kung mataas yung grado ko pero hindi ako masaya? Coach, lawn tennis ang kaligayan ko, huwag mo naman sanang ipagkait iyun sa akin." Maluha-luhang pagmamakaawa ko kay Coach.
"Alam ko iyun, Lea, dahil mula sa unang hawak mo ng raketa ay nasubaybayan na kitang lumaki sa court na ito. Hindi kita tinutulak palayo sa paglalaro pero nais ko lamang na matuto ka... na hindi sa lahat ng oras ay kaligayan mo lamang ang iyong iisipin, may mga responsibilidad ka, Lea. Hindi lamang bilang isang atleta kung hindi ay isang estudyante at isang anak. Patunayan mo sa akin, Lea, na kaya mong pagsabayin ang responsibilidad at kaligayahan."
Napayuko ako dahil sa paratang ni Coach. Mabigat sa dibdib ko na hindi ako makakalaro... ang hindi na makakapaglaro ay mas masakit pa kumpara sa isang libong pagkatalo.
"Then sino ang ipapalit mo sa akin? Sino ang maglalaro bukas sa Regionals?"
"Ako," napalingon ako nung may nagsalita at agad na dumilim ang mukha ko nung makita si Violet na nakangisi sa akin.
"Binibiro mo ba ako, Coach?" Umiwas siya ng tingin dahil sa pagtanong ko. "Coach, I already beat her without even sweating. You can't guarantee gold by having her as a replacement."
"Huwag ka munang magyabang, Lea. Ipapakita ko sayo na kaya ng team na wala ka." Violet challenged me. I want to run towards her and beat her with my racket but I just took a deep breath before walking out of the court.
Everything feels dull, I couldn't even feel my heart beating like something is missing. Kahit wala naman akong ginawa ay parang pagod na pagod ang katawan ko.
"Bayad ho," inabot ko ang bayad ng isa sa mga pasahero bago ko sinuot ang headphones ko. Mahigpit kong niyakap ang bag ko nung maalala muli ang mga sinabi sa akin ni Coach.
"...kalimutan mo muna na minsan kang umapak sa court na ito."
Napaismid ako at huminga nang malalim para alisin ang kung ano mang bumibigat sa dibdib ko.
Inangat ko ang aking mga tingin at ang kaninang walang buhay kong puso ay biglang tumibok muli nang napakalakas nung makita ko si Cy na nakaupo katabi ng driver.
"Bayad, sa kanto Highway lang po, isa." Pumintig ang tenga ko nung marinig ang kanyang boses.
Tumitig ako sa kanyang likod at sobrang gwapo niya. Kung pwede ko lang sana siyang yakapin para mawala ang sama ng loob na nararamdaman ko pero mukhang imposible... hanggang tingin na lamang ako.
Mapakla akong ngumiti nung mas nadagdagan pa ang sakit na nagpapabigat sa puso ko. Hindi na ako makakasama sa Regionals kaya wala nang pag-asang makakuha ako ng gold... gold na pwede kong maipagmalaki sa lahat.
Mabilis akong napayuko nung lumingon si Cy sa gawi ko. Nagwawala ang puso ko nung matiyak ko sa aking peripheral vision na sa akin siya nakatitig. Gusto kong iangat ang akin mga tingin at salubungin ang kanyang mga mata pero iba ang sinisigaw ng isip ko. Halos umabot ng dalawang minuto ang pagtitig niya sa akin at nung ibinalik niya na muli ang kanyang mga mata sa harap ay nakahinga ako nang maluwag.
Bakit? Bakit ka tumitig sa akin, Cy? Gusto mo rin ba ako? Gusto mo ba akong kausapin? Iiwas mo ba ang mga mata mo kung tumingin din ako sayo?
.
"Sinabihan naman kasi kita diba? Pero matigas ang ulo mo, Lea, e. Palagi na lang lawn tennis dito, lawn tennis doon ang nasa isip mo. Payag ka na lang ba na marinig mula sa kapwa estudyante mo na magaling ka nga sa lawn tennis, pero yung grades mo ay patapon naman!" Napayuko ako matapos marinig ang galit na sermon sa akin ni Pia habang nakatambay kami sa classroom nila.
"Hey Pia, kalma lang. Walang sasalo sayo kung hihimatayin ka." Sinamaan ng tingin ni Pia si Ron dahil sa maling tyiempo ng pagbibiro niya.
"Isa ka pa! Yung pagkapilyo mo talaga ay nasosobrahan na." Bumaluktot habang nakahiga si Ron nung pinaghahampas siya ni Pia ng libro.
"Parang blood pressure mo yung pagkapilyo ko, Pia. Hindi bumababa."
"Punyeta ka, sarap mong katayin!"
Napatampal si Eva sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang dalawa. "Huwag sanang sumama yung loob mo, Lea, pero tama si Pia. You shouldn't have risk your grades in order to be a champion."
"Kaya nais ko sanang makiusap sa inyong lahat na tulungan niyo ako. I need to pull my grades up in order to play again. Please, tulungan niyo ako." Maluha-luhang pakikiusap ko.
"Matutulungan ka namin, Lea, pero hindi magiging madali iyun. Hindi naman kami ganoon katalino. Tumaas lang yung grades namin dahil napapasa namin yung mga projects bago ang deadline."
"Pwede ka ring maghanap ng tutor para makalaro ka agad next quarter."