Simula

1311 Words
[Her POV] I took a side step, adjusting my distance from the ball before I hit it with a forehand. Coach returned the ball to me and it bounced near the line. Before it could even land on the ground again, I stretched and slid my feet to reach it. I groaned as I returned the ball with a backhand. I was holding the racket so tightly as I felt my heart beating so crazy... the same feeling that I would never get tired of, and it only exist in lawn tennis. I've been playing lawn tennis since fourth grade. The moment I hit my first ever top spin, I fell in love with lawn tennis. "Gumagaling ka na, ah. Mukhang obvious na ready ka na talaga para sa District Meet bukas," nakangiting ani Coach habang nakaupo ako sa bench at umiinom ng tubig. Malapad akong ngumiti at nasiyahan dahil napahanga ko siya, lalo na't makakapaglaro na ako sa District Meet. "Basta, Coach, yung premyo... bibilhan mo ako ng maraming takoyaki." "Yun ay kung gold ang makukuha mo." Napanguso ako sa kanyang turan at napahalakhak naman siya nung makita ang aking reaksyon. "Pano kung bronze lang?" "Edi isang takoyaki lang. Pag-silver, konting takoyaki. Pag-gold naman ang nakuha mo ay maraming takoyaki." "Marami? Isang sako?" "Oo, kaya kayanin mong ipanalo." Nakangiti akong tumango. Mananalo ako... para may isang sako ako ng takoyaki. . Ilang metro pa lang ang layo ko sa classroom ay dinig ko na ang ingay ng aking mga kaklase. Wala na namang teacher? Hawak-hawak ko ang strap ng tennis bag ko na pumasok ng room. Hindi ko maiwasang mapangisi nung parang nakawala ang mga kaklase ko at sobrang gulo ng room. Yung mga boys sa isang sulok ay nagtutumpukan dahil siguro sa paglalaro ng Mini Militia o Minecraft. Yung mga upuan ay nagkagulo dahil sa isang grupo naman ng mga kaklase ko na naglalaro ng truth or dare. Merong mga natutulog, meron ding nag-uusap lang nang mahinahon pero napako ang mga titig ko sa isang kaklase kong lalaki na mag-isa lang na nakaupo habang inaabala ang sarili sa pag-solve ng Rubik's cube. "Lea! Bukas na ang laro niyo?" Mabilis akong umiwas ng tingin nung tumingin siya sa aking gawi dahil sa matinis na boses ni Eva, kaibigan ko. "O-oo, kayo rin diba? Magpa-practice ka mamaya after class?" Tanong ko. She's also an athlete like me, but she plays bowling instead. She is good in adjusting the force and speed, and also in calculating angles. "Hindi pa kita sinabihan? Hindi makakasama ang bowling sa District Meet." Ipinilig niya ang ulo na parang nagtataka dahil kinakailangan ko pang magtanong. "Why?" "Ewan ko, pero ayos na yun! At least makakatulog ako na hindi kinakabahan para bukas." Napatingin ako sa isang kaibigan namin na si Pia, tahimik lang itong nakaupo at nakatitig sa kawalan. "Anong nangyari sa kanya?" Lumapit sa akin si Eva at bumulong. "Hindi pinayagan ng Coach nila na mag-butterfly, sa freestyle stroke siya nilagay para bukas sa tournament." Kaya pala... Pia is a swimmer, one of the most amazing i've seen... especially nung pinanood ko siyang mag-butterfly. Pia is never fond of freestyle stroke even if yun ang pinaka-basic na stroke sa swimming. "Classmates!" Napalingon kami sa pintuan at nakita ang Class President namin na hinihingal. "Grade 6 section 1!!" Sobrang lakas na sigaw niya nung hindi siya pinansin ng iba naming kaklase. Kinabahan ako sa sigaw niya, ganun din silang lahat kaya tumahimik ang buong room. "Yung projects daw natin ay ipapasa na. Mag-form daw tayo ng line sa office ni Mr. Hennessy." Agad na nataranta ang mga kaklase ko dahil ipapasa na yung project namin sa HE na flower vase na gawa sa popsicle sticks. "s**t naman!" Napatingin ako kay Eva nung nagmura siya at naiiyak nung nasira ang kanyang project dahil hindi nadikit nang maayos. "Balik lang ako." "Ako rin, maling color pala ang lagay ko." Mag-ooffer sana akong samahan silang dalawa pero natatarantang bumalik na sila ng room. Napabuga na lamang ako ng hangin bago pumila nang maayos. "92 percent," sabi sa akin ni Mr. Hennessy nung chineck niya iyung gawa ko. Lumabas na ako ng kanyang office at nakita ang mga kaklase kong nagpipila pa. Naabutan ko rin sina Pia at Eva na mukhang naayos na ang kanilang project. "Ilan yung nakuha mo?" Tanong nila. "Mamaya ko na sasabihin pag na-check na rin yung sa inyo." Nginisihan ko sila bago pumasok ng room. Nasa pintuan pa lang ako ay napaestatwa na ako at biglang kumalabog ang aking dibdib nung makitang nag-iisa lang siyang naroroon... si Theo Cyrus De Jesus, ang crush ko. Umupo na ako sa aking upuan at tahimik na hinintay sina Pia at Eva. Palihim akong sumulyap sa kanya at nakatitig lang siya sa kanyang project. Sobrang gwapo niya talaga at siya yung pinakamatalino sa klase at sa buong school. Palagi siyang nananalo sa quiz bee at scilympics. Lubos ko siyang hinahangaan, yun nga lang ay hindi niya ako pinapansin. "Lea..." Para akong nawalan ng hininga nung pag-angat ko ng aking tingin ay nakatayo na si Cy sa harapan ko. "H-huh?" "Ilan yung grades mo sa project?" "N-ninety-two. Yung sayo ba?" Tanong ko rin pabalik. Hindi ako makapaniwala na pinansin niya ako. Malapit nang matapos ang school year pero ngayon ko pa lang siya nakakausap. "Ninety-eight." Napalunok ako sa kanyang sagot at parang nahiya ako. Yung pinakasimple kasi ang napili kong gawin. Rectangular shape na flower vase yung akin, habang yung sa kanya ay hexagonal at marami pang colors ang kanyang popsicle sticks. "District Meet na bukas... good luck sa laro." Malawak akong napangiti dahil sa kanyang sinabi. Bigla akong naging excited at na-motivate na ipanalo ang laro bukas. "Thank you–" "Cy!" Napalingon kaming dalawa sa may pinto at hindi maiwasang uminit ang ulo ko nung makita ang girl-bestfriend niya, si Pauline Lilibeth Nguyen. Nilipat ko ang tingin ko kay Cy na mabilis niyang nilapitan si Pauline. Napatitig ako sa kanila nung nakangiting kinausap siya ni Pauline. Napatitig din ako sa project niya at parehos sila... parehos na hexagon, maliban na lang sa colors. Yellow yung kay Pauline, green and blue naman yung kay Cy. "Lea!" Roon ko lang napagtanto na natapos na rin pala sina Eva at Pia sa pag-pass ng kanilang projects. "Nagkausap kayo?" Pag-usisa ni Pia na sa tingin ko ay naabutan akong kausap si Cy. Tumango lang ako at pilit na tinatago ang aking ngiti. Mabilis kong tinakpan ang mga bibig nila nung akmang titili na sila. Sinabi ko sa kanilang ang pinag-usapan namin... ang sobrang ikli at una naming pag-uusap. Hindi pa rin mawala-wala ang pagkalabog ng puso ko at panginginig ng aking mga tuhod. "May good luck charm ka na, Lea!" "Kaya nga. I'll try my best to win." . "Adelaide Eleanor Gonzaga, bronze medalist in Lawn Tennis District Meet, girl's single category." Nakangiti ako nang sobrang lapad nung makaakyat ako ng stage. I received a bronze medal, it's just a bronze but I can't help but to be so happy. I defeated opponents and I think it's enough to be proud of myself. "Theo Cyrus De Jesus, academic awardee. Best in all subjects, MTAP champion and silver awardee of the year." Malakas akong pumalakpak at napangiti habang pinapanood siyang umakyat sa stage. I'm proud of him, he's absolutely amazing! "Pauline Lilibeth Nguyen, gold medalist in journalism during the District Meet, Lupang Sinilangan category and best service award." Napawi ang ngiti ko nung mag-picture taking na at magkatabi sina Pauline at Cy. Naghiyawan ang buong tao sa loob ng gym lalo na dahil sa lapad ng ngiti nilang dalawa. Nainis ako at napatingin sa medal na suot-suot ko ngayon... bronze. Just a freaking bronze?! Walang kapantay ito sa dami ng awards na natanggap ni Cy at sa gintong medalya na nasa leeg ni Pauline. A bronze is still not enough... I need to keep winning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD