[Lea's POV] "Good job," puri ni Cy matapos ipakita sa akin ang naging resulta ng quiz namin. Napanguso ako para pigilan ang pagngiti habang nakatitig sa papel ko. 38/50 For the first time ay nakapag-passing ako sa math. Hindi ako makapaniwala lalo na dahil may timer na binigay sa akin si Cy na 45 minutes lang. "Why don't you stay for dinner? Magluluto ako para makapag-celebrate tayo sa naging improvement mo." Matalino si Cy kaya hindi ko alam kung nakalimutan niya o sadyang nagpapakabobo lang siya. Alam naman niyang didistansya na ako dahil sa naging away namin kamakailan. "No, but thanks." Pabulong na sagot ko bago tumayo na hawak-hawak ang papel at pinasok iyun sa loob ng bag ko. "Tungkol sa magaganap sa friday, may susundo sa atin na mini bus. Sa school na lang tayo magkikita-k

